IKA-DALAWAMPU'T SIYAM NA SIKRETULA

37 1 0
                                    


Sesura. Ito ang ikatlong sangkap na ating pag-aaralan ngayon.

Ano nga ba ang sesura?

↪ ito ay ang katutubong tigil sa pagbasa o pagbigkas. Ito ay wasto o eksaktong bilang ng sukat at tugma o ng pantig sa bawat taludtod na mayroon sa isang tula.

Halimbawa:
Ikaw ay uliran mahal naming ina.
Ikaw raw ay uliran sa aking buhay.

Sa tingin ninyo, alin sa dalawang pangungusap ang tama at maituturing na mayroong sesura? May mga ideya ba kayo?

Sige, subukan muna natin itong hatiin ngayon base sa ating pagbigkas:
Ikaw ay uliran | mahal naming ina.
Ikaw raw ay uliran | sa aking buhay.

Ngayon, bilangin natin ang sukat ng bawat pangungusap sa halimbawa.

Ikaw ay uliran | mahal naming ina.
[ ito ay mayroong 6 at 6 na mga pantig ]
Ikaw raw ay uliran | sa aking buhay.
[ ito ay mayroong 5 at 7 na mga pantig ]

Sa tingin ko’y pareho tayo ng sagot sa naiwan kong katanungan kanina na alin sa dalawang pangungusap ang maituturing na may sesura at ito ay ang? Unang pangungusap.

Alam n’yo ba na isa ang sangkap na ito sa mahirap panindigan? I mean, isa ito sa mahirap gawin at ilatag sa mga naisusulat nating tula. Mahirap siyang i-apply mas lalo na kung hindi mo ito master o hindi ka bihasa sa paghahati ng sukat at tugma ng isang tula.

Kumbaga kapag nagkamali ka sa bilang o sukat ng tula, mahihirapan kang hatiin ito at doon mo malalaman na hindi pala pantay ’yung sukat na mayroon ka sa tulang ginawa mo.

Sa totoo lang, dito rin ako nahihirapan kasi kapag may sukat ang iyong tula, nararapat lamang na may hati rin ito mas lalo na kung ang gamit mong sukat ay itong nasa 12 hanggang 24. Isa kasi sa layunin nitong sesura ay iyong pantay na bilang ng mga pantig sa isang taludtod.

At sa sukat na 12 hanggang 24, mayroon tayong sinusunod na hati at ito ay ang mga sumusunod:
12 = 6, 6
14 = 7, 7
16 = 8, 8
18 = 6, 6, 6
24 = 6, 6, 6, 6

At sa naging halimbawa natin kanina, ang sukat ng pangungusap na may hating dalawang 6 ay isang halimbawa ng 12 na sukat ng isang taludtod.

At sa 6/6 na hati, nangangailangan ito na sa isang taludtod ay may dalawang parirala na mabubuo.

Ano ang parirala?

↪ ito ay lipon ng mga salita na walang buong diwa.
↪ ito ay bahagi lamang ng isang pangungusap.

Hal.
Malayo ang tingin | malalim ang isip

▶ hindi maaaring maputol ang salita sa pagpapantig ng ikaanim.

Hal.
Malayo ang pagtiti | ngin [ ✖ ]
Malayo ang tingin | [ ✔ ]

▶ kailangan, eksakto siya, wasto at hindi putol ang salita kapag hinati mo siya.

Isa pang mga halimbawa:
Tingnan mo ang araw ang ilaw ng langit
Habang tumataas lalong dumidikit
Ngunit bantayan mo araw na makisig.

Kapag ba hinati natin ang mga taludtod na ito ay may sesura tayong mapapansin? Tara, subukan natin itong hatiin at bilangin ang sukat nito.

Tingnan mo ang araw | ang ilaw ng langit
Habang tumataas | lalong dumidikit
Ngunit bantayan mo | araw na makisig.

Ang sagot ay?

Opo. Mayroong sesura sa bawat taludtod na nasa halimbawa. At ang sukat nito ay lalabin-dalawahing pantig sapagkat ang hatian dito ay parehong anim/anim na siyang hati na nasa ilalim ng sukat na 12.

Pagbati at iyong natuklasan ang sangkap na ito ng tula. Sana ay magamit ninyo ang sesura sa pagsukat at paghati ng mga salitang ilalagay ninyo sa inyong mga tula. Iyon lamang para sa parte na ito. Tayo ay dadako naman sa huling sangkap ng tula.


-Admin Mβ.




Sanggunian:
prezi.com ppt by: Balasan, Clarice.
poet of God facebook page.

SIKRETULA: Gabay na aklat para sa mga makataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon