IKAWALONG SIKRETULA
— Magkaroon ng journal kung saan naroon ang mga ginawa mong tula. Sa pagkakaroon ng journal, makikita mo ang improvements mo, maaalala mo ang lahat. Mas magiging organized ang mga tula at hindi ka na mahihirapan sa paghahanap.
+ Mas maganda ito lalo na kapag mag-isa ka o nasa ilalim ka ng puno. Doon ka nagsusulat. Kaya para sa mga makata, mahalaga ang journal para mas maayos ang kanilang mga tula.
+ Kapag may journal ka naman, ay lagyan mo palagi ng petsa kung kailan mo ginawa, ang titulo, ang paksa at syempre ang katawan ng tula.
+ Wala na namang masyadong rules kapag gagawa ka ng journal.
+ Tandaan: Ang ilang mga makata ay masisinop, kaya kung maaari ay gumawa tayo ng journal para hindi tayo mahirapan.
Gumawa ka na ng journal. At kapag nakagawa ka na nito, dumako na tayo sa IKASIYAM NA SIKRETULA!
- Admin #aven
![](https://img.wattpad.com/cover/248585110-288-k601661.jpg)
BINABASA MO ANG
SIKRETULA: Gabay na aklat para sa mga makata
PoesíaNais mo bang matutong lumikha ng libo-libong tula? Mga tulang gusto mong maging daan upang ika'y maging malaya? Tama ang napuntahan mo, makata. Ang aklat na ito ay naglalaman ng mga sikreto o sangkap kung paano gumawa o maghabi ng mga letra sa pagbu...