00

32 3 0
                                    

What's happening?

Why can't I move?

Sobrang dilim pa.

Sinubukan kong kapain kung anong nasa paligid ko.

Hanggang sa may matamaan akong parang kahoy.

Nasa isang box ba ako?

Nakahiga ako sa loob ng isang box?

Anong ginagawa ko rito?

"Hey!! Somebody help!"

Sinubukan kong katukin ang gilid pero parang walang nakakarinig sakin.

Sinubukan kong sumigaw muli pero wala pa din.

"Palabasin nyo ko rito!"

Nararamdaman ko na kung gano kasikip ang kinalalagyan ko ngayon.

Bakit ba ako andito?

Sinubukan kong kapain ang nasa ibabaw baka sakaling pwede ko itong itulak.

Pero kakaiba ito kesa sa parang kahoy sa gilid ko.

Malamig ito at hindi ko maitulak.

I tried to knock on it and it doesn't sound like a knock on wood.

More of a soft knock on glass.

What is this?

Asan ba talaga ako?

Maya maya ay nakarinig ako ng ingay.

Hanggang sa maramdaman kong parang inangat ako mula sa ere.

Teka, hindi ako.

Ang kahon na kinalalagyan ko.

"San nyo ko dadalhin?! Hoy!!"

I kept pounding and pounding this wood on my side and the glass above me.

I kept shouting but nobody can hear me.

"Bingi ba kayo?! Palabasin nyo ko rito! Ano ba!!!"

Kahit anong lakas ng sigaw ko parang wala pa ring effect sakanila.

Hanggang sa naramdaman kong inilapag nila ang kahon.

Unti unti rin akong nakakarinig ng ingay.

Parang hagulhol o bulungan.

Ano bang meron?

"Anong nangyayari riyan? Can somebody get me out of here please. It's freaking me out!"

Hindi ako sanay sa masisikip na lugar.

Kadalasan hindi ako nakakahinga kapag ganito na kasikip.

Himala nalang ngayon na may lakas pa akong kumatok at sumigaw rito.

Kakatok palang sana muli ako nang biglang sumilay ang ligawanag.

Isang ilaw na nakatapat mismo sakin.

"Seriously? Kailangan ba talaga akong itapat sa fluorescent lamp?! Tube? Light? Or whatever! Gusto ko lang naman makalabas dito tapos ganyan ibubungad nyo sakin?"

Basta sobrang liwanag nung ilaw na nakakasilaw na.

Akala ko mawawala ang glass na nasa ibabaw ko pero hindi ko pa rin ito maitulak.

"Jinojoke nyo ba ako? Is this a prank? Palabasin nyo nga ako." Pero wala pa ring lumalapit para tulungan ako.

Nauubos na talaga ang pasensya ko.

Pumikit ako ng mariin.

Huminga ng malalim.

Bago ko muling itinulak ang glass at sinubukang umupo.

OMG!

Nagawa ko!

Nakaupo na ako. Wala na ako sa masikip na box.

Sa tuwa ko ay hindi ko napansin agad ang nasa paligid ko.

At sana nga hindi ko nalang napansin.

Ang lugar ay punong puno ng taong nakaitim at puti.

Ang ilan ay tulala.

Ang ilan ay umiiyak.

Ang ilan ay nakayuko lamang.

Puno ng lungkot ang silid na ito.

Tumayo ako para lapitan ang isang taong napakahalaga sakin na nakatulala sa kawalan.

Pero bago ko pa man magawa iyon ay napatigil ako ng may taong sumalubong sakin pero ni hindi man lang ako napansin o nabangga.

Did they just went through me?

Lumingon ako sa pinuntahan nila na pinanggalin ko.

At roon ko nakita ang isang kabaong.

Kabaong na naglalaman ng taong pinaglalamayan ngayon.

At ang taong iyon

Ay...
.
.
.
.
.
.
Ako...?

Invisible 🦋Where stories live. Discover now