03

17 1 0
                                    

Tinakpan ko ang aking bibig at pumikit ng mariin. Hindi ko na kayang makitang umiiyak siya ng ganun. Lalo na kung hindi niya alam kung gano ko rin siya pinahalagahan kahit matagal kaming hindi nagkakausap.

At muli, sa pagmulat ng aking mata, nasa panibagong silid nanaman ako.

Isang silid na masikip.

Pero kelan man hindi ako nawalan ng hininga.

Isang silid kung saan madalas napupuno ng tawanan.

Pero sa sitwasyong ito, puno nanaman ng hikbi ang naririnig ko.

Ano bang nagawa ko? Bakit lahat nalang ng makikita ko umiiyak?

Lahat nalang nasasaktan.

Sa harapan ko ngayon ay si Lynda.

Yakap ang kanyang tuhod at umiiyak.

Sa tabi niya ay si Len-len. Ang bunso niyang kapatid. Umiiyak rin ito pero pilit na niyayakap ang ate niya.

Naalala ko sa tuwing pumupunta ako sa bahay na ito, nagsusungitan silang dalawa at pinagkakaisahan namin si Lynda. Mas madaldal kasi ang kapatid niya kesa sakanya.

Sa tabi nila ay si Tita Rena. Ang dating masayahing si Tita Rena ay tila nawalan ng boses ngayon. Walang luha sakanyang mga mata pero bakas ang lungkot rito.

"Ate tama na iyak. Puntahan nalang natin si Ate Addy. Or papuntahin nalang natin siya rito. Diba masaya ikaw lagi kapag andito si Ate Addy tapos nagdadala siya ng pagkain at kwento." Napangiti ako sa sinambit ni Len-len.

Nung huli akong pumunta dito ay nag request pa siya magdala ulit ako ng ice cream sa susunod.

Sorry Len, di ko na matutupad yon.

Nakita kong napaangat ang ulo ni Lynda at tiningnan si Tita bago muling bumaling kay Len-len. Akala ko magsasalita siya pero umiling lamang siya.

Huminga naman ng malalim si Tita Rena at tinapik si Len-len.

"Nak, hindi kasi natin pwede tawagan si Ate Addy mo. Hindi na siya makakapunta dito. Kahit kailan." Pinipilit ni Tita na ituwid ang kanyang labi upang hindi makita ni Len ang sakit na nararamdaman niya.

Mukhang hindi nila masabi kay Len pero ramdam din nito ang lungkot na bumabalot sa kanilang bahay.

"Bakit naman po? Diba nag promise pa po siya na pupunta siya sa birthday ko next year. Wag na natin hintayin next year, ngayon na natin siya papuntahin para tumahan na si Ate."

"Len tama na. Makinig ka kay Mama. Wala na si Addy at hindi na siya babalik!" Nagulat rin ako sa sigaw ni Lynda. Hindi siya ganito.

Madalas niyang sungitan ang kapatid niya pero hindi niya ito sinisigawan ng ganito.

"Lynda! Wag mo sigawan ang kapatid mo." Hinila ni Tita Rena si Len papalapit sakanya at tinakpan ang tenga nito.

"Ma pwede ba ilayo nyo muna sakin si Len. Hindi ko matatapatan ang kakulitan nya ngayon."

Kahit nakatakip ang kamay ni Tita sa tenga ni Len ay alam kong narinig niya pa rin ang ate niya kaya lalo itong napasimangot at umiyak ng tahimik.

"Gusto ka lang naman damayan ng kapatid mo. Hayaan mo siyang pagaanin ang loob mo."

"Hindi niya magagawa yon, Ma. Kahit sino sa inyo walang makakagawa non. Dahil hindi nyo alam kung ano ang nawala sakin. Hindi nyo alam kung gano kahalaga si Addy sa buhay ko."

Of course, I am very important and special to her.

I'm her all time best friend.

I promised not to leave her.

But, I broke that promise.

And I'm sorry.

"Nak, alam namin. Dahil mahalaga rin samin si Addy. Parang anak ko na rin yon. At nakita ko kung gano katatag ang pagkakaibigan nyo. Maging matatag ka rin ngayon anak. Maging matatag ka lalo na't wala na siya."

Sa apat na sulok ng bahay na ito. Hindi ito kalakihan, pero rito nararamdaman ko kung gano ako kahalaga. Na parte ako ng pamilya kahit hindi nila ako kadugo.

Here, I'll always belong.

Inaalala ko palang ang masasayang araw ko rito nang magitla nanaman ako sa sigaw ni Lynda.

"Tama na Ma! Wala kayong alam sa nararamdaman ko!"

Tumayo na si Lynda at agad na lumabas ng bahay.

At tulad ng nangyari nung una, dinaanan niya lang rin ako na parang hangin kahit nasa harapan niya ako.

Nilingon ko muna sila Tita Rena na yakap pa rin si Len bago sinundan si Lynda.

Nakita ko siyang nakaupo sa hagdan malapit sa gate.

At tulad ng kay Alex, narinig ko rin ang boses ni Lynda kahit hindi ito nagsasalita.

"Ano ba naman Addy! Ang daya mo naman eh. Bakit ka naman biglang nang-iiwan? May plano pa tayo diba. Parang kelan lang nung pumunta ka rito, ayos ka naman. Tumatawa ka naman. Tapos ngayon wala ka na? Sino na makakasama ko? Sino na gagabay sakin kapag hindi nanaman ako marunong makipag socialize? Sino na sasagip sakin? HAHAHA ang tanga ko. Sarili ko pa rin iniisip ko. Addy naman. Sinabi ko naman sayo na okay na kausapin mo ko kapag nalulungkot ka. Susubukan rin kitang sagipin. Papasayahin kita kahit masungit ako. Kahit na sating dalawa eh ikaw naman ang masayahin. Sabi ko naman sayo tutulungan kita basta magsabi ka lang eh. Hindi ka naman pabigat para sakin. Sabi ko naman sayo darating ako, hintayin mo lang ako. Unting oras lang naman ang hiningi ko pero bumitaw ka na. Addy sana panaginip lang ito. Masamang panaginip. Tutupad ka naman sa pangako mo diba? Bestfriends forever kahit walang forever kasi parehas tayong bitter kahit may jowa ka. Medyo funny rin naman ako diba? Balik ka na Addy please."

Lynda...

Hindi ko sinasadyang iwan ka.

Kelan man hindi ko ginustong mang-iwan.

Patawad.

"Nak, tahan na. Matatag ka hindi ba? Malalagpasan mo rin ito. Mananatiling nasa puso mo si Addy. Sa puso nating lahat. At dahil doon, makakaya pa rin natin. Kaya tahan na, pupuntahan natin siya bukas."

Sambit ni Tita at agad na niyakap si Lynda pero agad rin itong bumitaw.

Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko upang yakapin siya pero para lamang akong hangin na dumadapi sa balat niya.

Pero dahil sa mga sumunod niyang sinabi ay nagawa kong mayakap siya ng mahigpit kahit panandalian lang.

"All her life, she's always looking after me. Lagi niyang sinisigurado na okay ako. Lagi niyang pinaparamdam yung worth ko bilang kaibigan. Sa lahat ng tao sa buhay ko, siya lang ang nakakaintindi at may alam ng lahat ng tungkol sakin. Kaya sabihin nyo kung pano.... pano ko makakayanan na wala ang kaibigan ko?"

Invisible 🦋Where stories live. Discover now