Andito nanaman pala ako.
Isang lugar kung saan nagsisilbing taguan ko.
Malayo sa bahay kaya madaling pagtaguan.
Mga ilang beses sa tatlong taon, dito ang naging takbuhan ko.
Bahay ng isang pamilyang hindi perpekto.
Magulo.
Pero sama-sama pa rin hanggang dulo.
.
Naiwang nakabukas ang gate kaya agad akong nakapasok.
Ang lamig rin ng simoy ng hangin. Mukhang paulan pa kaya mabuti nang makasilong ako.
Kahit hindi ko naman talaga alam kung mauulanan ako.
At heto na nga ag puting aso.
Inaamoy niya ang paa ko.
.
.
.
.
Teka?Nakikita niya ako?
Tinahulan niya ako pero hindi yung pagalit.
Tahol na may pagkasabik.
Nakikilala rin ata ako ng asong ito.
Susubukan ko sana siyang hawakan ng makarinig ako ng bakal na binagsak sa sahig.
"Napakatigas talaga ng ulo mo Mysty. Kapag sinabi kong hindi pwede, hindi pwede!"
Nag-aaway ata si Mysty at ang papa niya.
Alam kong madalas silang magkaroon ng hindi pagkakaintindihan pero hindi ko naman alam na umaabot sa ganitong pagtatalo.
"Pa ngayon lang ako lalabas ng bahay. Lalabas ako hindi para gumala. Lalabas ako dahil may importanteng taong nakaratay ngayon doon, nag-aagaw buhay. At kahit hindi niya sabihin alam kong kailangan niya ako."
Sandali? Sinong nag-aagaw buhay?
Ibang araw ba ito dun sa mga nauna?
"Pupunta ka ron? At ano naman ang maitutulong mo? Kapag pumunta ka ba don mabubuhay yang kaibigan mo? Magagawa mo pa bang maisalba siya?"
"Gagawin ko ang lahat para lang maramdaman niyang hindi pa huli para piliin niyang mabuhay. Gagawin ko ang lahat para lang marinig niyang may makakapitan pa siya. Ayaw kong mawalan ng kaibigan na tulad niya, Pa. Kaya naman sana kahit ngayon lang, wag mo ko sermunan sa paglabas ko ng bahay na ito."
Halong pagsusumamo at inis ang nakikita ko sa mga mata ni Mysty samantalang ang Papa niya ay hindi ko mawari kung nag-aalala lang ba o talagang nagmamatigas.
"Ano bang napaka espesyal dyan sa kaibigan mo at nagagawa mong suwayin ako?"
Napasuklay nalang si Mysty bago sumalampak sa sofa. Tinakpan niya ang kanyang mukha. Is she crying?
Did I make everybody cry?
"Addy is beyond special. Sa mga nagdaang taon, kahit nahihirapan na siya sa sarili niyang problema, lagi pa rin siyang may oras para pagaanin ang loob ko... Kapag ako yung nangangailangan ng kaibigan masasandalan. Alam na alam niya kung kelan ako malungkot. Alam na alam niya kung kelan masama ang loob ko. Alam niya kapag may pinagdadaanan ako. Kahit hindi ko sabihin yon at kahit hindi niya ako madalas makita. She knew all of that by instinct. Malakas ang pakiramdam niya kapag isa saming mga kaibigan niya ay may problema. Kaya ngayon pakiramdam ko ang manhid ko na hindi ko man lang napansin na siya may pinagdadaanan at pabitaw na. I'm useless. But I still want to go there, to try and save her."
Mysty, you were never useless.
Ayaw ko lang ipakita sayo na mahina ako.
Kasi diba kapag tayong dalawa ang nag-uusap, laging happy lang.
Ibubully kita tapos gaganti ka din pabalik pero madalas wala kang laban sakin kasi malakas akong mang-asar. Kahit yung tipong umiiyak ka gagawa ako ng paraan para laitin ka tapos matawa ka nalang sa sarili mo.
Kasi sanay ako na kapag tayo magkasama puro tawa at pangttrip lang.
At don masaya na ako.
Ang makita kayong mga kaibigan ko na masaya, kuntento na ako.
Pero ngayon, parang mas lalong nadudurog ang puso ko. Ilan pa ba kayong makikita kong ganito kalungkot dahil sa kagagawan ko?
"Pero hindi mo na siya masasalba Mysty. Bumitaw na siya. Tumakbo ka man ngayon papunta ng hospital, hindi ka na niya makikita."
Hospital? Nasa isang hospital ako?
And then an image of me lying on a hospital bed flashed in front of me.
Doctors running side by side, trying to revive me.
Sa dulo ng bed, nakatayo ang nanay at kapatid ko. Magkayakap.
At sa likuran nila, ang taong mahal ko hawak ng mahigpit ang telepono niya at mariin na pinagmamasdan ako.
"Babe, I'm here. Don't you dare cry."
Kasabay ng pagtulo ng luha niya ay siyang pagbalik ko sa harap ni Mysty na nakayakap na sa ama niya.
"Hindi talaga kami close nung una. Pero nanatili ako sa tabi niya. Nanatili ako kahit na iniwan na siya ng mga taong pinagkakatiwalaan niya. Hindi ko siya iniwan dahil ni minsan hindi niya pinaramdam sakin na hindi ako karapatdapat na maging kaibigan niya."
Alala ko nga nung una, hindi ko siya kinakausap kahit kaklase ko siya. Masyado kasi siyang maingay. Nakakairita.
Tapos naririnig ko din kasi sa iba na plastic daw siya at hindi dapat pinagkakatiwalaan.
Pero sa lahat ng nakilala ko nang taon yon, siya ang pinaka naging totoo sakin.
Hindi niya tinago ang tunay na siya, kahit na ang mga tao sa paligid niya ay nagpapanggap lang na mabait sakanya.
And that's when she proved her worth.
She's the kind of friend that I needed.
Maingay.
Maloko.
Pero alam kung kelan magseryoso.
At talagang maasahan.
Next to Lynda, siya ang maituturing kong matalik na kaibigan.
YOU ARE READING
Invisible 🦋
Short StoryIf you're suffering from depression or any mental illness, you might wanna rethink on reading this. It may sound disturbing to others, but I just need to get this out of my head. This is a story of a girl... A girl who chose to stop living life.