Nasa isang garden naman ako ngayon.
Pero ang lugar na ito ay hindi ko pa napupuntahan kelan man.
Saan naman kaya ako dinala ng hangin ngayon?
May nakita akong puting paru-paru. Kay ganda nito kahit simple lang siya.
Sinundan ko ito hanggang sa mapadpad kami sa isang swing na hindi naman kalayuan sa garden na kinatatayuan ko kanina.
Isang babaeng mahaba ang buhok at may salamin ang nasa swing ngayon habang nakaharap sa telepono niya.
Marahan lang ang galaw ng duyan.
Nakayuko siya kaya hindi ko siya masyado mamukhaan.
"Baba hindi ako pinayagan nila mama na lumuwas dyan ngayon. Pwede ba... pwede punta ka don? Ti...tin..tingnan mo sila."
Dun ko lang naalala kung sino ang nagmamay-ari ng boses na ito.
Si Jaliyah.
Hindi ko pa siya namimeet in person dahil lagi akong busy kapag lumuluwas siya sa amin. Nakilala ko siya dahil naging kaklase ko ang boyfriend niyang si Jessie.
"Balak ko sana pumunta don pero kasama ka. Kaso hindi ka nga pinayagan kaya siguro si Mysty nalang subukan kong kausapin para may kakilala rin akong iba na andoon."
May malaking gap sa pagitan namin ni Jessie dahil hindi ko talaga gusto ang ugali niya. Pero kung hindi dahil sakanya, hindi ko makikilala ang babaeng nasa harapan ko.
Lumuhod ako para pagmasdan ang kanyang mukha.
Medyo hawig nga kami. Ang kaibahan lang, mas maiksi ang buhok ko at siya naman, kaya niyang magsuot ng shorts sa labas ng bahay.
Pero hindi ko siya ijujudge. Ang init naman nga kasi dito kaya normal lang mag shorts sa labas.
"Pakiyakap na rin si Ate Mysty para sakin. At ganun rin si Kuya Rex kung okay lang. Kahit hindi niya talaga ako kilala. Alam ko mahal na mahal siya ni Ate Addy."
It's so sad that I never had the chance to meet her in person. This one doesn't count, because she can't see me at all.
How I wish she can see and hear me. Para naman masabi ko sakanya kung gano ako ka thangkful na tinuturing niya akong ate/kaibigan niya.
"Susubukan ko baba. Susubukan ko para sayo. Pero wag ka magpakain sa lungkot dyan ha. Andito lang ako para sayo."
Ang weird ng endearment nila.
Baba.
Pero cute rin kahit papano.
"Thank you Baba."
Pinunasan na niya ang kaniyang luha pero patuloy pa rin itong dumadaloy.
"Uwi ka na. Pagabi na oh."
Palubog na nga ang araw. Pero ang lungkot ng kalangitan.
Walang payong si Jaliyah.
Dapat makauwi siya bago pa umulan.
Baka bumalik ang sakit niya.
"I'll stay here for a little while. I'll talk to you again later."
Kaso pasaway nga rin pala siya.
Naalala ko pa nung panahong lugmok siya dahil kay Jessie. Nagkaroon din kasi sila ng malaking problema. Sobrang nag-aalala ako non pero ang tanging magagawa ko lang ay tawagan siya dahil wala akong pamasahe para puntahan siya.
Aabutin ng isang libo ang pamasahe mula samin papunta rito sakanya. At kadalasang inaabot ng isang buong araw ang byahe.
Mabuti nalang inaupdate niya ako non kahit hindi siya okay... nagpapaka ate talaga ako minsan kahit na hindi ko pa man lubos na kilala ang tao.
Magaan kasi ang loob ko sakanya.
"Okay. Update mo ko. Love you."
Ibinaba na niya ang tawag.
Masaya ako na nagkaayos sila ni Jessie. Oo, inis ako don pero kung siya naman ang magpapasaya kay Jaliyah, sino ako para humadlang pa. Pero kung mauulit ang kasalanan niya noon, hindi ako magdadalawang isip na upakan siya.
Kahit hindi naman talaga ako palaaway.
Mukhang nagbago na rin naman siya.
Mas sincere na ang pagmamahal niya kay Jaliyah ngayon.
May mga tao ngang pwedeng magbago para sa taong minamahal nito. Jessie is an example of that kind of person.
Mas naging matatag rin ang relasyon kahit humigit-kumulang isang libong kilometro ang layo nila sa isa't isa.
Pinagtibay sila ng tiwala at pagmamahal.
At maayos na komunikasyon.
Sinong nagsabing hindi nagtatagal ang long distance relationship?
Eh halos apat na taon na ata silang magkarelasyon.
At kahit tuwing bakasyon lang sila nagkikita, masaya sila.
At naging mas matibay din ang loob ni Jaliyah.
Ang dating malulungkot na kwento niya napalitan ng saya.
Naging mas masigla rin siya.
Malambing rin iyan.
Iyon ang pinakagusto ko sakanya.
Lalo na kapag may sama ako ng loob, kapag kailangan ko rin siya. Kahit nasa malayo siya at maraming ginagawa. May oras yan para ichat ako ng
[Ate ayos ka lang? Wag mo pababayaan sarili mo ha? Loveyou!]
Kahit random day ginagawa niyan.
Sweet diba.
Muli kong pinagmasdan ang kanyang mukha.
Tahan na Jaliyah.
Nagawa kong punasan ang kanyang luha.
Ngunit biglang umambon.
Unti unti itong lumalakas.
Tumayo ako at ganon rin siya.
Tumingala siya bago tumingin ng deretso sa akin.
Nakikita niya ba ako?
Jaliyah, kung nakikita mo ako, ngumiti ka.
Akala ko ngingiti siya.
Pero hindi.
Yumuko siya at muling humikbi.
Basa na siya sa ulan.
She started walking away.
But I can hear her thoughts out loud.
"Sana hindi ko nalang inignore si Ate. She was true to me from the very start. She showed me my worth. She warned me about those person pero siya ang pinagduduhan ko. And I totally regret that."
It's okay Jaliyah. I don't blame you naman. Pinoprotektahan mo lang ang sarili mo.
And you should never be regretful for protecting yourself from pain.
YOU ARE READING
Invisible 🦋
Short StoryIf you're suffering from depression or any mental illness, you might wanna rethink on reading this. It may sound disturbing to others, but I just need to get this out of my head. This is a story of a girl... A girl who chose to stop living life.