Hindi ko alam kung gano kabilis lumipas ang oras pero pag mulat ko ng mata ko ay andito na ako sa silid kung saan nakaratang ang katawan ko sa loob ng kahon na nasa harap.
Ang bigat sa dibdib bigkasin nung other term kaya kahon nalang.
Kung ano ang sitwasyong naiwan ko bago ko makita si Ian ay ganun pa rin ang nadatnan ko.
Magkakaibang araw ba ang pinaglalakbayan ko?
Hindi ko nalang ito inalala at dumako ang paningin ko sa taong nakatayo sa harap ng kahon.
Si Tita Ezna, Chelly at Ryker.
They came...
They were the ones who went thru me.
Okay, that still creeps me out.
Lumuluha si Chelly at nakasandal ang ulo niya sa balikat ni Tita Ezra na nagpipigil iyak din.
Malapit sakin si Chelly dahil naging kaklase ko siya. Matagal na rin kaming hindi nagkikita pero nagkakausap naman kami thru chat. I miss her tho.
Ang huling iniyakan nya yung ex niya pa.
Pinagmasdan ko naman si Ryker. Nakatitig lang siya sa kahon at hindi nagsasalita o umiiyak man lang.
Hindi ko mawari kung malungkot ba siya.
Basta ang cold ng awra na nakapalibot sakanya.
Di kalaunan ay tumalikod na rin sila sa kahon at pumunta sa umupo.
Akala ko tatabihan ni Ryker ang nanay at pinsan niya pero tumabi siya kay Lynda.
Dati shiniship ko talaga sila pero pinagagalitan ako ni Lynda. Hindi niya daw type si Ryker. At siguro tatawanan lang rin ako ni Ryker kung malaman niya pa iyon.
Hindi sila close pero nasa iisang group of friends kami nung grade 6. Yung tipikal na magkakaibigang nagsasama-sama lang tuwing break-time pero hiwa-hiwalay kapag nasa loob ng classroom. May iba pa kasing kaibigan na lalaki si Ryker. Astigin yan eh.
He's my boy bestfriend.
Atleast before everything changed.
Dahil tulad kay Alex.
My friendship with Ryker slipped away with time.
"Hey."
Bati ni Ryker kay Lynda. Nakita kong nagulat ito pero agad rin namang tumungo at pinaglaruan ang kanyang mga kamay.
"Hey. Hindi ba dapat dun ka tumabi kila mama mo?"
"Yup. Gusto lang rin sana kita makausap."
If this is a normal day, naasar ko na ng bongga si Lynda at kinilig pa ako. Pero ngayon wala akong maramdaman.
Nagawa kong umupo sa tabi ni Lynda.
Nahahawakan ko ang mga bagay na walang buhay pero ang may buhay ay tumatagos lang ang aking palad.
Hindi sumagot si Lynda at hinintay lang na magsalita si Ryker.
"Bago... bago ... siya mawala... may sinabi ba siya tungkol sakin?"
What a nice way to start a conversation Ryk.
Sigurado ka bang gusto mong malaman ang sagot sa tanong na yan?
"Meron. Marami. San mo gustong magsimula?"
Bakas ang inis sa boses ni Lynda pero pilit nita itong tinatago.
"Kahit saan."
Walang sagot na kahit saan!
Urgh! Sabagay puro rants lang naman ang maririnig mo.
"She loved you, you know? As a friend of course."
Tumango lang naman si Ryker at yumuko.
"Alam mo ba naiinis si Addy kapag nagpapakatanga ka sa isang babae. Kapag hindi mo alam yung worth mo. Pinapahalagahan ka kasi ng babaeng yon. Pinagmamalaki niya rin kung gano ka ka-effort maparamdam lang sa mahal mo na mahal mo siya. At kung gano ka rin ka-loyal sa isang babae. Pero nasaktan mo siya."
Those are my exact words. Except for the last sentence.
Hindi ko sinabi na nasaktan ako.
Pero siguro nga naramdaman na niya yon dahil sa expression ko habang kinikwento iyon.
"Yup. I think I know that part. Pero hindi ko sinasadyang masaktan siya."
Bigla ka ring nawala, metaphorically, bigla ka ring nang iwan Ryk.
"Nasaktan mo siya nung minasama mo yung pagpupuri niya sayo. Nasaktan siya nung bigla mo nalang siyang hindi kinausap. Biglang hindi pinansin kahit humingi naman siya ng tawad knowing na wala naman siyang ginawang masama sayo. She treasured your friendship so much. Pero di mo nakita yon. Ikaw ang tinuturing niyang boy bestfriend ever since elementary. Kahit na pakiramdam niya, hindi mo na siya tinuturing na kaibigan tulad ng turing niya sayo."
And there I saw his tears.
The last time I saw him cried was when we were in grade 6. May nakaaway kasi siya non. Tinatawanan ko siya kapag umiiyak siya pero mas iyakin naman ako kesa sakaniya.
Umiiyak ako sa maliit na bagay. Ganun kahina sng loob ko nung bata kami.
Pero malakas ang loob kong mang away ng nang-aapi sa kaibigan ko.
How I miss those days.
Kaso wala na.
Hindi na maibabalik ang panahon.
Tulad ng pagkakaibigan naming nasira ng pagkakataon.
You're the brother I never had Ryker.
Kahit nagbabangayan tayo at hinahayaan mo kong habulin ng aso kapag papunta tayo sa bahay nyo para kumain ng lunch.
"She must really hate me. Hindi man lang ako nagsorry sa pagiging pikod at pag misunderstood ng compliments nya. I wished I treated her better."
I heard his voiced cracked. Tumayo na ako para lumipat sa tabi niya.
"Alam mo kung ano yung worse? Nasaktan mo siya at nainis siya sayo pero she never hated you."
Hindi palasalita si Lynda pero ngayon nagagawa niyang isalaysay ang nararamdaman ko.
You'll always be my best friend Ryker. Kahit anong mangyari. Kahit na hindi mo ako makita sa tabi mo ngayon.
Andito pa rin ako.
Para sayo.
At sa lahat ng taong malapit sa puso ko.
"I took her for granted. Yung friendship na binigay niya... Pinahalagahan nya, ng maraming taon... Lagi kong binabalewala... At ngayon ko lang narealize yon... Ngayong wala na siya."
YOU ARE READING
Invisible 🦋
Short StoryIf you're suffering from depression or any mental illness, you might wanna rethink on reading this. It may sound disturbing to others, but I just need to get this out of my head. This is a story of a girl... A girl who chose to stop living life.