01

29 1 0
                                    

No.

No.

No.

No.

No.

It can't be!

Bakit ako andon?

Bakit?!

Sinubukan kong abutin ang katawang nasa loob ng parihabang kahon na ito pero hindi na makatawid ang kamay ko mula sa salamin.

The glass became a barrier.

I can't reach my body.

This must really be joke.

Sinubukan kong hawakan ang taong umiiyak ngayon sa harapab ko pero tumagos lang ang kamay ko.

Bakit ganon?

Nahahawakan ko ang kabaong pero ang taong nasa harapan ko ay hindi.

Naramdaman kong may takas na luhang tumulo mula saaking mata kaya agad ko namang pinunasan ito.

Muli akong pumikit ng mariin bago tumalikod sa kabaong.

Akala ko ang malulungkot na tao pa rin ang aking makikita pero tila nasa ibang lugar na ako.

Sa harap ko ngayon ay isang kalsada. Wala masyadong dumadaang sasakyan kaya naisipan kong tumawid at napadpad ako sa isang talyer.

Wala ring tao rito pero may naririnig akong parang nag aaway.

"Anak huminahon ka muna. Sabihin mo muna sakin ang problema."

"Wala na akong panahon pa para magpaliwanag Ma! Kailangan ko na umalis. Gusto ko siyang makita!"

Hinanap ko kung saan nanggagaling ang ingay.

Mukang mula ito sa kaliwa ko.

Papalapit na ako don ng may lumabas na lalaki mula sa pinto at agad na nilapitan ang motor na nakaparada sa gilid. Kasunod ng lalaki ay isang babaeng nasa early 40's na din.

Tita Helen?

"Ian ano ba? Magmamaneho ka na ganyan ang sitwasyon mo? Gusto mo bang maaksidente ha? Kumalma ka muna at makinig sakin."

Kinuha ni Tita ang helmet mula sa ulo ni Ian bago pa man nito mapaandar ang motor.

Ang pangarap nyang motor.

"Ma hindi mo kasi naiintindihan. Wala na siya Ma. Ayaw kong maniwala. Kailangan ko siyang makita."

This is the first time I saw him crying. I've known him since we were kids yet this is the first time I saw him crying not because it's mother's day or father's day.

But because of me.

"Wala na si Addy, Ma. Wala na siya. Kung sana nakinig ako sakanya. Kung sana pinagbigyan ko yung request nya na umuwi don. Minsan lang siya magsabi sakin na umuwi don para magpakita sakanya pero hindi ko pa ginawa. Puro next time ang sagot ko sakanya."

He's a hundred kilometers away from home.

Atleast the home we knew when we were kids.

Matapos kasi nila lumipat rito, madalang nalang siya umuwi roon samin.

Magkapitbahay lang kasi kami noon, kasama ang mga pinsan nya. Magkababata kami.

But we were more than that.

And now we're good friends.

Maasahan ko siya kahit madalang lang kami magkita.

"Lagi kong sinasabi na busy ako dito. Nagtatrabaho ako. Kahit na minsan wala naman akong ginagawa. Gusto ko lang naman makaipon para bago ako humarap sakanya ulit mailibre ko na siya ng gusto nyang pagkain di tulad noon na hanggang sa biscuit o di kaya fishball lang ang naibibigay ko sakanya. Ma sa lahat ng taong dumaan sa buhay ko, nanatili siyang totoo. Noon nagkaroon ng lamat ang relasyon namin pero hindi siya sumuko hanggang sa maging magkaibigan ulit kami. Pinangako sakanya na kahit anong mangyari andito lang ako para sakanya. Pinangako ko sakanya na maasahan nya pa rin ako kahit nasa malayo ako. Pero huli na ma. Wala na siya."

Gusto kong punasan ang mga luhang dumadaloy sakanyang mukha pero alam kong hindi ko ito magagawa.

Nakita kong may kirot na rin sa mga mata ni Tita ng makita niya kung gano nasasaktan si Ian, ang anak niya.

Agad niya itong nilapitan para yakapin.

Hindi kami naging close ni Tita dahil ayaw niya sakin. Hindi niya ako kinakausap. At madalas malamig ang mga tingin niya sakin. Pero ayos lang dahil hindi naman niya ako pinagsasalitaan ng masama.

Si Ian..

Napakaimportanteng tao niya sa buhay ko.

Sobra niya rin akong pinahahalagahan tulad ng pagpapahalaga ko sakanya.

At hindi ko inakalang muli ko siyang masasaktan ng ganito.

Huli ko siyang makita ay noong kaarawan ko pa. Doon ko nakita ang pinagbago niya.

Ang dating uhugin ay isang matipunong lalaki na na ngayon.

Ang dating tahimik ay naging madaldal at masiyahin na.

Ang dating isip bata ay naging matured na.

Sobra akong proud sakanya.

Marami na siyang napatunayan sa kabila ng lahat ng nangyari, naipakita niyang hindi pa huli para sabihin wala siyang patutunguhan.

And I admire him more because of that.

"Sige lang nak. Iiyak mo muna yan ngayon. Ikalma mo ang sarili mo. Hindi matutuwa si Addy kung makikita kang ganyan. Hindi niya gugustuhing sumugod ka roon at biglang maaksidente bago pa man makarating. Kung gusto mong umalis sige, pero hindi ngayon. Papayagan kitang pumunta roon pero hindi ka magmamaneho na ganyan ang nararamdaman mo."

Napangiti ako sa sinambit ni Tita. Kung ako man, hahadlangan ko si Ian sa pagmamaneho dahil alam ko kung gano kadelikado ang byahe mula rito papunta samin. Masyadong paliko-liko ang daan at karamihan ay malapit sa bangin. Baka maaksidente lang siya.

Kailangan pa siya nila tita.

"Kausap ko lang siya nung nakaraang linggo. Tapos ngayon wala na siya. Ang sakit, Ma. Ang sakit mawalan ng taong nagturo sakin kung pano maging mabuting tao."

Sinubukan kong lumapit sakanya.

Huminga ng malalim bago ipinatong ang aking kamay sa balikat niya.

"Mabuti kang kaibigan Ian. Napatunayan mo sakin iyon matagal na. Pasensya ka na kung nung huli nating pag-uusap ay pinag-alala kita. Mawala man ako sa mundo. Mananatili akong gagabay sayo. And again, thank you. Thank you for being a good friend to me."

Hindi man ikaw ang best friend ko, pero may malaking parte ka sa puso ko.

Lagi kang mag-iingat.

Tumalikod na ako para at pipikit na sanang muli nang marinig ko ang huli niyang sinabit bago buksan ang makina ng motor.

"Ma kailangan ko umuwi don ngayon na. Kahit ngayon lang. Kahit sa huling pagkakataon lang. Makita ko pa siya."

Invisible 🦋Where stories live. Discover now