Sofa malapit sa pinto.
Ref sa kabilang dulo.
Mini table sa di kalayuan.
Tv sa ibabaw ng maliit na cabinet na may vase.
Nasa isang pamilyar na bahay nanaman ako.
Isang bahay na akala ko safe ako.
Pero hindi.
Dahil ang mga nakasama ko rito ay minsan na akong trinaydor.
Binalewala.
Kinalimutan nalang bigla.
Nakita ko ang isang picture frame na nakasabit malapit sa sofa.
Litrato nilang magkakaibigan.
Nung panahong nawala na ako sa tabi nila. Panahong nilalabanan ko ang lungkot, mag-isa, habang sila nagpapakasaya.
Sabagay, bakit nga naman sila malulugkot na nailayo ako sakanila? Hindi ako kawalan para sakanila.
Minsan na nila akong tinanggap dito.
Pero sa oras na lumabas ako ng pinto, hindi na muli nila ako kinilala.
Siguro nga hindi naman talaga nila ako tanggap.
Siguro magaling lang sila magpanggap.
Agad kong nabitawan ang picture frame nang bumukas ang pinto.
Bakit ba ako nagpapanic? Eh hindi naman nila ako makikita.
"Are you sure pupunta pa tayo don? Hindi ba mainit ang dugo nila satin. Kahit sayo Lizzy, hindi tayo sigurado kung pakikitunguan nila tayo ng maayos roon." Bungad ni Kyle ng makapasok sila rito sa loob.
May dala silang paperbags. Nag take out nanaman siguro sila.
"Hindi naman siguro nila ipagkakait satin ang magluksa. Kaibigan pa rin natin si Addy." Sagot ni Lizzy nang mailapag na niya ang dala niya sa mini table.
Kaibigan mo pa nga ba ako Liz?
Yun pa ba talaga ang turing mo sakin?
"Pero kaibigan rin natin si Aidan. At yun na ang nakatatak sa isipan nila. Lalo na ikaw, dahil ikaw ang pinakamalapit sakanya." Pagpapaalala ni Joshua.
Nag iba na ang tingin ko kay Lizzy magmula ng mas lalo siyang napalapit kay Aidan. Oo, alam ko sinabi ko sakaniyang bantayan at gabayan niya si Aidan. Pero hindi ko naman inakala na mapupunta ang loyalty niya dito.
Nasabi ko na sakanya ang lahat ng nagawa sakin ni Aidan. Pero hindi ko alam kung nakinig man lang ba siya. O may ginawa man lang ba siya para makarating kay Aidan ang sakit na dinararanas ko sa mahabang panahon.
Bigla akong kinabahan ng makita kong dinampot ni MJ ang picture frame mula sa sofa.
"Liz, mukang nahulog nanaman itong picture oh. Akala ko ba naayos na sabitan niyan?"
"Hayaan mo na. Ilagay mo nalang dyan sa gilid, mamaya ko na aayusin."
Napahinga ako ng maluwag dahil ron.
Normal na siguro sakanila na mahulog yon.
Akala ko iisipin nila may multong nagtanggal non.
Teka!
Multo na ba ako?
Hindi ba ako matahimik kaya naglalakbay ako ngayon at biglang napapadpad sa lugar kung saan matatagpuan ko ang mga tunay at pekeng kaibigan ko?
YOU ARE READING
Invisible 🦋
Historia CortaIf you're suffering from depression or any mental illness, you might wanna rethink on reading this. It may sound disturbing to others, but I just need to get this out of my head. This is a story of a girl... A girl who chose to stop living life.