12

11 0 0
                                    

Bakit ba lagi akong napupunta sa isang unfamiliar place?

Hindi ba pwedeng dun nalang ako sa burol.

Balik nalang ako sa katawan ko.

Qouta na ako eh.

Wala bang time out?

"Holly tama na. Naka tatlong bote ka na."

Isang pamilyar na boses nanaman.

Malapit siya sakin pero mas malapit siya sa kapatid ko.

Napatakip ako sa tenga ko ng makarinig ako ng boteng nahulog sa sahig.

Sinundan ko ang boses at ang kalampag ng bote.

Napadpad ako sa isang sala.

May mga ilang bote pa ng alak ang nasa lamesa.

Umiinom nanaman ang kapatid ko.

Naalala ko nung unang beses ko siyang makitang uminom at malasing mismo sa bahay.

Naglalaba ako non habang nasa sala siya kasama ang kaibigan niya.

Broken hearted kasi. Sinabayan pa na inaway nanaman kami ng magaling naming ama kahit wala kaming ginagawang masama.

That scene broke my heart.

Sinabi niya kasi non na gusto niya lang naman ng buong pamilya. Kaso alam niyang hindi na pwede kasi matagal ng hiwalay ang mga magulang namin. Matagal na kaming iniwan ng tatay namin. Magpaparamdam pero biglang mang-aaway kapag hindi na niya magampanan ang pagiging ama niya.

Yung time na yon, sabi ko aalis ako. Kailangan kong umalis para maisalba sarili ko.

Pero dahil sa sinabi niya nung araw na yon. Ginusto kong manatili rito kahit hirap na hirap na ako. At yun din ang gusto ng tadhana.

"Hiwalay na nga sila Mama at Papa tapos aalis ka pa ate. Pano na ako? Ikaw at si Mama nalang nga ang meron ako tapos aalis ka din? Okay lang naman kasi para sa sarili mo yan pero masakit ate."

Yan ang eksaktong sinabi niya nung araw na yun.

Dahilan para isantabi ko ang aking sarili at pagtuunan ng pansin ang kapatid ko.

Dahil gusto ko rin manatili sa tabi niya.

Sobrang hirap lumaki na malayo sa tatay at magulo ang pamilya.

Sobrang sakit sakin at alam ko mas masakit sakanya.

At nadagdagan ko nanaman yon ngayon.

Lumuhod ako sa harap niya.

Mukhang lasing na siya. Inaalalayan din siya ng mga kaibigan niya.

"Wala na si Ate. Iniwan narin ako ni Ate. Lahat na sila."

"Shh. Andito pa kami." Sabi ni Mira, isa sa nga kaibigan niya. Habang pinupunasan ang luha niya.

"Si Ate nakita ko si Ate. Nakahandusay..."

"Shhh. Tama na Holly." Sa kabilang gilid naman niya ay si Ella. Ang iba naman ay nananahimik lang rin sa tabi.

"Iniwan na niya ako."

Ipinangtakip niya ang kanyang mga palad sakanyang mukha at patuloy na umiyak.

Patawad kapatid ko.

Sorry ha. Kasi kahit anong pilit kong maging masaya sa harap nyo, patago naman akong umiiyak sa gabi.

Inaasar pa kita minsan pero pagkatapos non balik ulit ako pagmumukmok.

Sorry ha kung lumalabas lang ako ng kwarto kapag kakain na.

Sorry kung wala na akong naitutulong sa gawaing bahay.

Sinubukan ko naman eh.

Kaya nga ako nagkukulong sa kwarto at binabalot ang sarili ko sa kumot para hindi ko masaktan ang sarili ko.

Kaso isang gabi, biglang bumalik lahat ng sakit.

Hindi ko na kayo naisip. Hindi na kita naisip.

I'm sorry.

Gabi na at nasa hapagkainan na kami. As usual, kaming tatlo lang ang magkakasama habang nakaabang sa ilalim ng lamesa ang alaga naming aso at pusa.

Nag-aasaran nanaman kami dahil gusto ni Mama manood ng tv kaso yung pwesto niya nakatalikod sa tv.

Dumagdag pa sa tawanan na yung hawak niyang tinik ng isda ay biglang hinablot ng pusa.

Akala ko puro tawanan hanggang sa...

"Ate akala ko itutuloy mo pa pag-aaral? Ano na plano mo?"

Yumuko lang ako at umiling.

Naramdaman ko rin ang mga tingin ni Mama.

"Wag mo kasi Ipressure ang sarili mo."

Tumango lang ako at itinuloy ang pagkain. Nanahimik na muli ako magmula non.

Not that I'm pressuring myself. I just couldn't do it.

Hindi na gumagana ng maayos ang utak ko. Kaya kahit anong subok ko wala na.

Samantalang si Holly inaabot na ng hating gabi makagawa lang ng assignment.

Dati ganun rin ako.

Dati ako yung masipag mag-aral.

"Ate ang sipag mo naman masyado. Matulog ka naman."

Sabi niya sakin ng maabutan akong nag-aaral sa kwarto. Ang hindi niya lang alam, nakabukas ang mga notebook ko pero walang pumapasok sa utak ko.

Ngumingiti ako pero wala na talaga ako maintindihan.

Ang taas ng tingin mo sakin kasi matalino at masipag ako mag-aral kaya sinubukan ko paring kayanin. Para naman maging magandang ehemplo ako para sayo. Kaso wala na eh.

"Yung ate ko. Di siya perfect. Pero lab ko siya."

Love din kita. Mahal ka din ni Ate.

"Madalas kaming mag away. Dapat di ko na siya inaway."

Ayos lang yun. Bonding natin yun eh.

Napalingon naman ako kay Ella. Nakayuko at umiiyak na din.

Itong batang to, madalas tambay sa bahay. Madalas ko rin kaasaran. Minsan nga nagsusungitan pa kami. Pero normal na samin yon kada dumadating siya sa bahay.

Tumayo na si Ella kaya umupo ako sa tabi ni Holly. Hahagurin ko na sana ang likod ng kapatid ko para kahit papano maramdaman niya ang presensya ko nang bigla kong marinig ang boses ni Ella kahit nakatalikod siya.

"Sana naging mas mabait ako kay Ate nung huli ko siyang nakita. Hindi ko na dapat siya sinungitan. Sana nahalata ko nalang na may pinagdadaanan siya. Baka sakaling napagaan ko pa ang loob niya. I'm sorry Ate Addy."

Ella... don't feel that way. Nag-eenjoy naman ako sa mga asaran natin eh. But I have one job for you.

Muli akong tumayo at lumapit sa kaniyang tenga upang bumulong.

"Please take care of my sister, for me."

Napansin kong nagitla siya kaya agad narin akong bumalik sa kinauupuan ko.

I looked at my sister.

She's so devastated.

"Di na niya ako matuturuan mag-english."

Hindi ko alam kung matatawa pa ba ako sakanya o tuluyang maaawa.

May mga kaibigan naman siyang pwede siyang tulungan sa subject na yon eh.

Muli siyang umayos ng ubo at tumingin sa kawalan.

Akala ko tapos na siya umiyak pero ang sumunod niyang sinambit ay ang mga salitang akala ko hindi ko maririnig mula sakanya.

"Miss ko siya. Sobra."

I'm gonna miss you too, little sister. Ikaw na bahala kay mama.

Invisible 🦋Where stories live. Discover now