02

19 1 0
                                    

Napadpad nanaman ako sa ibang lugar.

Kada pumipikit ako ng mariin at tatalikod ay bubungad na sakin ang isang lugar na malayo sa aking unang pinanggalingan.

At ngayon, narito ako sa isang kwarto.

Isang kwarto na may dalawang double deck.

Ang nasa kanan ay maayos ng nakasalansan ang mga unan.

Ang nasa kaliwa naman ay may natutulog pa at nakabaluktot pa ito.

Hapon na ah.

Tulog pa siya?

Pamilyar sakin ang kwartong ito.

Ito ang kwarto ng pinsan ni Ian.

Teka...

Nag unat ang babaeng natutulog at doon ko lang nakita ang kanyang mukha.

Si Alex.

Bakit dito naman ako dinala ng hangin?

Hindi ko alam kung pano ako nakapag teleport kaya isisi nalang natin sa hangin.

Muli siyang humikab kaya nagpasya akong lumabas sa silid na ito.

Papalapit palang ako sa pinto nang bigla itong bumukas at lulan nito si Dina. Pinsan rin ni Ian.

Tila katatapos lang niya umiyak at gulo gulo rin ang buhok.

Napako ako sa kinatatayuan ko at  hinintay ang kanyang sunod na gagawin.

Umilaw ang kanyang telepono pero hindi niya ito pinansin at agad na nilapitan ang pinsan niyang si Alex para gisingin.

"Hoy bruha bumangon ka nga. Hapon na pero tulog ka pa din." Hinatak ni Dina ang kumot dahilan para mapapadyak sa inis si Alex.

"Dina ano ba? Wala naman akong gagawin kaya hayaan mo ko matulog." Winaksi ni Alex ang kamay ni Dina na nakahawak sa braso niya. Muli niyang hinigit pataas sa braso niya ang kumot ngunit hinila nanaman ito ni Dina.

"Bumangon ka riyan at basahin ito. Tingnan natin kung makatulog ka pa." Itinapat ni Dina ang kanyang telepono sa mukha ni Alex dahilan para masilaw ito at mapabangon.

Kinusot niya muna ang kanyang mga mata bago umupo ng maayos.

Napatakip siya sakanyang bibig nang mapansin na ang kung ano mang nasa telepono. Napansin kong napayuko lang rin si Dina at hinihintay ang sasabihin ng kanyang pinsan.

Sa di malamang dahilan ay lumapit rin ako para makita kung ano man ang nakalagay sa telepono.

Isa pala itong facebook post.

Mula sa account ko.

Para po sa gustong bumisita at makiramay, maari po kayong pumunta sa BMC mula alas syete ng umaga hanggang alas syete ng gabi upang makita ang labi ni Addy...

Hindi ko na tinuloy basahin ang post at tinuon ang pansin kay Alex na humihikbi na ngayon.

"Hindi pwede. Hindi totoo yan. Baka naman may naghack lang ng account niya. Joke lang yan. Buhay pa si Addy. Dina,  ano ba. Joke lang yan diba?" Nanatiling nakayuko si Dina at umiling.

"Hindi rin ako makapaniwala pero totoo yan. Kausap lang ni Mama si Tita Helen kanina. Sakanya lang rin namin nalaman. Si Kuya Ian daw kasi. Nagmamadaling umalis kanina para makauwi rito at makita si Addy. Ayaw sana payagan ni Tita Helen pero mapilit si Kuya. Baka raw maya maya andito na yon pero baka hindi dumeretso dito sa bahay kaya tingnan nalang raw natin doon. Kala ko joke lang rin lahat pero matapos ang usapan nila Mama at Tita Helen ay si Tita Giselle naman ang tinawagan niya at kinompirma ito." Nabitawan ni Alex ang telepono ni Dina at agad na napahawak sa kanyang ulo.

Bakas ang gulat at pighati sa kanyang mga mata. Hinahayaan nalang niya dumaloy ang kanyang mga luha.

Alex magsalita ka.

Anong nararamdaman mo?

Magsalita ka Alex!

Noon si Alex ang tinuturing kong pinakamatalik na kaibigan. Sa kanilang magpipinsan, siya ang pinaka malapit sakin.

Pero lahat ay nagbago magmula ng tumuntong kami sa sekondarya.

Unti unti na siyang lumayo hanggang sa isang araw, hindi na ako nag-eexist sa buhay niya at dinadaan-daanan nalang.

Hindi ako nagreklamo, baka kasi may nagawa lang ako na hindi niya nagustuhan kaya nagtampo siya sakin.

Pero wala.

Mabuti akong kaibigan sakaniya.

Sakanilang magpipinsan.

Lalo pa nila akong iniwasan ng masangkot ako sa isang isyu kung saan ako ang biktima pero walang naniwala.

Nanatili silang tahimik pero may boses akong naririnig.

Boses ni Alex.

"Hindi pwede to. Hindi pa tuluyang naayos ang pagkakaibigan namin. Mag catch up pa dapat kami diba. Lalabas pa dapat kami diba. Naghahanap lang ako ng tamang timing para makipag meet ulit sakaniya. She's my friend. She... she loves life.... how can she be gone now?... ang ayos niya naman sa mga social media niya ah. Ang gaganda pa ng mga post niya na lumalabas kasama mga friends niya... this must be a joke... pero hindi. Hindi nakakatuwang joke ito. At hindi sila magjojoke ng ganitong bagay. She's gone. And I wasn't able to tell her how much I miss her. How much I miss our bonds. How sorry I am that I avoided her for how many years. Nagsisisi akong iniwasan ko pa siya. Nag sisisi akong hinayaan ko siyang malugmok nang hindi man lang inaalam ang kalagayan niya. I'm sorry Addy."

I forgive you Alex.

And I'm sorry I messed up.

Sorry kasi naging pasaway ako noon kaya lumayo ka.

Kasalanan ko naman eh.

Nagtiwala ako ng sobra sa iba kaya napahamak ko ang sarili ko.

Kahit hindi ka na humingi ng tawad harap-harapan. Ayos lang Alex.

Ayos lang dahil kaibigan kita.

Nagkalayo man tayo, pero kaibigan pa rin kita.

Hindi man ako nag reach out pero kaibigan pa rin kita.

Hindi ka dapat magsisi na nilayuan mo ko.

Dahil kung hindi ka lumayo, hindi ako matututo.


Tahan na Alex.

Wala kang kasalanan.

Gusto kong hawakan rin siya tulad ng nagawa ko kay Ian pero lalong nadurog ang puso ko ng bigla siyang magsalita.

"Sana hindi ko nalang siya inabandona. Kung nandun lang sana ako nung kailangan nya ako. Siguro..... siguro andito pa siya."

Invisible 🦋Where stories live. Discover now