11

26 1 0
                                    

Dinala nila sa loob ng isang kwarto si Rex. Kwarto ito para sa nagbabantay sakin. Deretso kusina na rin ito.

Medyo kalmado na siya pero tulala.

Ang mga luha niya ay mabilis na naglaho.

Nakita kong si Mysty na ang nagpaliwanag kila mama ng nangyari.

Ang barkada naman namin nila Mel ang nag-aasikaso ngayon kay Rex. Halos kararating lang rin nila kaya kay Mel lang din nila nalaman ang kaganapan kanina.

Tumabi ako sakanya at pilit siyang niyayakap pero tumatagos lang ang mga braso ko.

Sa lahat ng andito ngayon, siya ang pinakagusto kong mayakap. Gusto kong malaman niya na mahal na mahal ko siya.

Pero hindi ko magawa.

Kahit mahawakan lang ang mukha niya. Kahit yun lang pagbigyan nyo na ako.

Pero bago pa man lumapat ang kamay ko sa pisngi niya ay bigla siyang naglaho at bigla akong napadpad sa isang pamilyar na kalsada.

"Andaya naman eh. Gusto ko pang manatili sa tabi niya pero inalis niyo ko don."

Magsisimula na sana ako magwala ng may lalaking tumakbo na dumaan sa harap ko.

Sa di malamang dahilan ay sinundan ko siya.

Hanggang sa mapagtanto kong si Rex ito.

"Babe! San ka pupunta? Bakit ka ba tumatakbo?" Tawag ko sakanya pero derederetso lang siya. Mahigpit din ang hawak niya sa kanyang telepono.

Wala naman siyang hinahabol. At wala ring humahabol sakaniya.

Saan ba siya papunta?

"Rex! Wag ka masyado mabilis tumakbo. Hindi kita masabayan!"

Pagrereklamo kong tinangay lang rin ng hangin.

Di rin nagtagal ay unti-unting bumagal ang takbo niya. Hanggang sa bigla siyang tumigil.

Pinunasan ko ang aking noo pero wala naman pala akong pawis.

Maayos rin ang aking paghinga.

Hindi man lang ako hiningal eh ang layo ng tinakbo namin.

Napansin kong unti-unting lumakad papasok si Rex. At don ko lang napansin na nasa isang ospital pala kami.

Naala ko ang imahe kong nakaratay sa hospital bed at nirerevive ng mga doktor.

Pilit kong inaabot ang braso ni Rex pero hindi ko magawa.

"Wag ka na tumuloy... ayaw ko makitang madurog ka. Patawad sa nagawa ko. Patawad iniwan kita. Dito ka nalang Rex. Wag ka na pumasok sa loob."

Nagpatuloy lang siya sa paglalakad hanggang sa makita na namin sila mama.

Hindi ko na kayang tumingin sakanila.

Hindi ko kayang makita silang nadudurog ng ganito.

Akala ko tapos na ang paghihirap ko pero sa nakikita ko ngayon, mas lalo lang akong nasasaktan.

"Sorry po, ginawa po namin ang lahat para---"

"Doc kahit isang beses pa. Subukan niyong isalba ang anak ko, sige na."

"Wala na po siyang buhay ng dahil niyo siya dito. Masyadong maraming..."

Tinakpan ko na ang tenga ko at tumalikod sakanila. Ayaw ko na marinig ang mga iyak nila.

Tama na....

Sobrang sakit...

"Please make it stop. I don't want to see them hurting."

Invisible 🦋Where stories live. Discover now