07

15 1 0
                                        

Nasa loob ako ng isang sasakyan ngayon.

Isa ata itong taxi.

Ang taong nasa shot gun seat ay lumingon rito sa likod.

"Sure ka bang isasama natin si Baby Oliver? Baka pagkaguluhan siya ron?"

Si Dave pala ito. Isa sa mga kababata ko. Childhood bestfriend din siya ni Ian.

"Wala akong pakealam. Ang gusto ko kasama ko ang anak ko sa oras na makita ko na ulit si Addy."

At ang sumagot ay si Lexie. Bitbit ang anak niyang si Oliver. Halos isang taong gulang palang ito. Nakasuot rin ito ng itim. At sa tabi nila ay si Jake, ang boyfriend niya.

Tumigil ang sasakyan dahil sa traffic. Lumingon ako sa labas at andoon ang isa pang taxi. Laman non ay ang mama, papa at kapatid ni Lexie. Kasama si Ate Cess na kapatid naman ni Dave.

I looked at baby Oli, I don't know how it happened but he looked into my eyes and smiled.

He remembers me.

Halos dalawang beses ko palang siya nakita.

Nung ipininganak siya at dinalaw ko sila sa ospital, at nitong nakaraang buwan na dumalaw ako sa bahay nila.

Ayaw niya pa sumama sakin non. Umiiyak siya kapag karga ko na siya at lumalayo ng kaunti ang ina niya.

But now he's smiling directly at me.

I was about to touch his nose when the vehicle started moving.

Nauntog pa ako. Tumawa tuloy si Oli.

Hinigpitan ni Lexie ang yakap sa anak niya. Malungkot ang kanyang mga mata pero nagawa niyang ngumiti ng tumawa si Oli.

Good job Oli! Alisin mo ang lungkot kay mama mo.

Muling tumigil ang sasakyan. Andito na pala kami. Agad silang bumaba.

Saktong papalabas si Ian kaya sinalubong niya sila Lexie. Nag bro-hug lang sila Dave at Ian. Bumeso naman siya kay Ate Cess at nagmano kila Tita.

"Kuya Ian. Andito ka rin pala?" Bungad ni Lexie sakanya. Matapos makipagbeso.

Huminga muna siya ng malalim bago sumagot.

"Pumunta agad ako matapos ko malaman ang nangyari." Muli siyang lumingon sa loob ng silid at doon napansin na papalabas na din ang mga pinsan niya para lapitan si Lexie.

Who would have known na dito rin kami makokompleto?

Halos anim na taon na rin nung huli kaming magsama-sama.

Anim kami sa grupo nung kami'y mga bata pa.

Si Dave at Ian ang tandem sa pang aasar saming mga babae. Sila rin ang pinaka matanda.

Sumunod naman ay ako at si Alex. Kami ang madalas magkasama noon dahil magkaklase din kami sa eskewalahan. Siya ang dahilan kung bakit ko nakilala ang pinsan niya.

Pinsan ni Alex si Ian at Dina sa mother side samantalang sa father side naman sila Dave at Lexie.

At nung mga bata kami, si Lexie at Dina rin ang tandem. Sila kasi ang bunso.

Si Lexie ang pinaka bunso.

Pero siya ang unang nagka-anak.

"Hon gusto ko ba ako na magkarga sa anak natin? Para hindi na pagkaguluhan ng mga pinsan mo." Rinig kong bulong ni Jake. Tumingin lang sakanya si Lexie at umiling bago sinimulang maglakad papasok sa loob.

Yayakapin na sana siya nila Alex at Dina pero umiwas siya.

"Ayaw kong makipag plastikan sa inyo ngayon. Naturingang kababata at kadugo ko kayo pero ni minsan hindi ko naramdaman na naging totoo kayo."

Rinig kong sambit ni Lexie sa utak niya. Umiwas lang siya ng tingin at dumeretso na sa harap.

Alam ko ang pinanggagalingan ng hinanakit ni Lexie.

Dahil nung nalaman na buntis siya, pinamugaran na siya ng chismis. Chismis na umikot sa mga pinsan niya. Alam ko kung gano kasakit yon. Pero binalewala niya. Dahil para sakanya, basta alam niyang wala siyang ginawang masama sakanila, mabubuhay siya ng matiwasay.

Proud ako sakanya kasi napanindigan niya ang pagiging dalagang ina. Hindi madali pero napanindigan niya at itinuloy ang pag-aaral. At buti nalang rin, hindi siya iniwan ni Jake.

Malapit na siya sa kahon ng mapansin nya ang lalaking nakatulala sa unang hanay ng mga upuan. Lumapit muna siya rito at tinawag ito.

"Rex...."

Sandaling inangat nito ang kanyang ulo at nginitian ng bahagya si Lexie. Napansin niya rin ang batang bibit nito at inabot ang kamay.

"Gusto mo bang buhatin muna siya? Titingnan ko lang saglit si Addy."

Nag-aalangan pero tumango ang lalaki. Pinaupo niya si Oli sa lap niya at nilaro ang mga kamay nito.

"Hey babe, ngayon ko lang nakitang may karga kang bata ah. Bagay rin naman sayo. Wag ka matakot. Malikot si Oli pero hindi naman yan mahuhulog."

Bulong ko sakanya.

Ito ag unang beses na nakita niya ang anak ni Lexie. Hindi kasi siya sumama sakin nung dinalaw ko ang mag-ina. Pero kilala niya si Lexie dahil kasama namin siya nung debut ko.

Sa kanilang limang kababata ko, si Lexie lang ang sumipot non. Dahil yung iba hindi daw pinayagan. Si Dave busy at si Ian hindi makakauwi non. Pero okay lang, atleast isa sakanila dumating.

At dahil din dun nakilala ni Lexie sila Rex. Naging close din siya kay Mel. Kaya ng makita siya ni Mel ay yumakap siya rito bago bumalik sa tabi ni Rex.

"Anong nagustuhan mo kay Addy at natagalan mo siya?" Nabigla si Rex sa tanong ni Lexie pero agad rin naman itong ngumiti.

"Lahat. Hindi ko maipaliwanag. Basta lahat. Eh ikaw, bakit natagalan mo siya bilang kaibigan?"

Kinuha na niya ang anak niya mula kay Rex. Pero hawak pa rin ni Oli ang hintuturo ni Rex na tila ba ayaw nitong bitawan.

Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita. At ang mga sinabi niya ay labis na nakapag bigay ng saya sa puso ko.



"Minsan na akong nagkamali. Lahat sila nag iba ang tingin sakin pwera lang sakanya. Sinuportahan nya pa ako. She looked at me without judgement. She understands me. Dahil alam niya ang pakiramdam ng magkamali at talikuran ng lahat. Kaya ko siya labis na pinagkatiwalaan."


Thank you for your trust Lexie. I'm sorry hindi na kita matutulungan sa pagpapalaki ng anak mo. But I know, you'll be a great mother to your son.

Invisible 🦋Where stories live. Discover now