I opened my eyes and I am in a familiar room once again.
The room which caused my nightmares.
The room where I wished I never entered.
The room that made me feel like I'm burning in hell.
And the owner of this room, is the person who ruined my life.
Hindi pwede.
I can't stay here.
This place will kill me even more.
I have to get out of here.
Sinubukan kong lapitan ang pinto. Naka lock ito. Nahahawakan ko pero hindi ko mabuksan.
Lumapit ako sa bintana. May grills ito. Alam kong hindi ako magkakasya.
Sige susubukan ko nalang ang una kong ginawa.
Huminga ako ng malalim at pumikit ng mariin.
Isa.
Dalawa.
Tatlo.
Pagbinuksan ko ang aking mga mata, wala na ako sa lugar na ito.
.
.
.
.
.
.
Pero mali ako.Walang nangyari.
Andito pa rin ako.
"Pinaparusahan nyo ba talaga ako? Alam kong kaluluwa nalang ako pero wag nyo naman ako ikulong sa kwartong ito! Parang-awa nyo na!"
Paulit-ulit na sigaw ko.
Paulit-ulit hanggang sa sumakit na ang lalamunan ko.
At kahit anong katok at pihit ko sa doorknob, hindi pa rin ito mabuksan.
Nauubusan na ako ng lakas. Napaupo nalang ako sa sahig at sumandal sa pinto.
I'd rather be trapped inside that coffin again than to be stuck inside this room.
Someone please take me away from here.
Please!
Ibalik nyo nalang ako sa loob ng kabaong. Please!
Ilang minuto pa ang nakalipas nang biglang may narinig akong paparating. Hindi ko naririnig ang boses pero hula ko ay nang-gagaling sila sa hagdaan at paakyat na rito.
Dalawa? Tatlo? Apat na tao?
Parang may nagtatalo sa labas ng kwartong ito.
Agad akong napatayo nang marinig ko ang marahas na pagpihit sa knob.
At dun ko nakita ang mukha ng apat na taong naging malapit sakin.
Kyle, Celine, Jed at Aidan.
Sinubukan kong gumalaw pero tila ba nakadikit ang aking mga paa sa sahig.
"Sa taas nalang muna kami. Ayusin nyo yan."
Sambit ni Celine na inaalalayan si Jed. Lasing ba si Jed?Bakit kasama nanaman niya ang mga ito?
"Bakit kailangan sa taas pa?" Nag-aalangang tanong ni Kyle na nasa dulo ng hagdan.
"Sumunod ka nalang Kyle." Wala na rin siyang nagawa at tinulungan si Celine sa pag-alalay kay Jed.
"Wag mo aawayin bessy ko ha!" Papungay-pungay pa ang kanyang mga mata habang sinasabi yon.
I have a bad feeling about this.
Jed! Bumalik ka sa wisyo at palabasin ako dito!
Pero hindi niya ako nakita.
"Oh bakit kailangan pa nila humiwalay? Ayaw mong marinig nila na tama ako at mali ka?"
YOU ARE READING
Invisible 🦋
Short StoryIf you're suffering from depression or any mental illness, you might wanna rethink on reading this. It may sound disturbing to others, but I just need to get this out of my head. This is a story of a girl... A girl who chose to stop living life.