It's funny to see all these people who claims that they love me. But when I was still alive, they never made me feel loved.
Most of them, but not all of them.
Naramdaman ko naman kung sino yung talagang nagmamahal sakin. Pero yung iba na akala ko mahalaga ako, minsan rin pala akong binalewala.
Bakit kaya ngayon lang sila nagsulputan kung kelan wala na ako?
Bakit ngayon lang nila pinakita kung gano ako kahalaga sakanila?
Bakit ngayon lang sila nagsisi sa mga ginawa nilang masama sakin?
I don't know whose more pathetic.
Them?
Or me?
Pero at some point, masayang makita na may ganito karaming nagmamahal pala sakin.
I just wished they made me feel that way sooner.
Because now, it's too late.
Heto na nga at dinadala na ang kahong kinalalagyan ko papunta sa huling hantungan nito.
Ilang hakbang nalang ay malapit na kami sa binungkal na lupa kung saan nila ako ililibing.
Muli kong pinagmasdan ang mga taong andito ngayon.
Ang mga kaibigan ko.
Mga kamag-anak na nanggaling pa sa malayo.
Ang pamilya ko.
Ang taong mahal ko.
Hindi na siya umiiyak.
Ganun rin sila mama.
Pero alam ko durog na durog na sila.
Kahit ganon alam ko mas matatag sila sakin.
Hindi sila basta basta susuko.
Hindi tulad ko.
Na sakabila ng lahat ng taong tumutulong sakin na lumaban pa, mas pinili paring bumitaw na.
Unti unti na nilang ibinababa ang kabaong sa hukay.
Dito na ba talaga magtatapos ito?
Hanggang dito nalang ba?
Baka pwede isang chance pa?
Nakita kong may mga paru-parung papalapit sakin.
Tila ba niyayaya na nila akong sumasama kanila at lumipad.
Gusto kong sumama na parang hindi.
"Sandali lang. I'm travelling through time, right? Bakit hindi niyo ako dahil sa oras na pinili kong mamatay? Baka may magawa pa ako para maisalba ko ang sarili ko."
Muli akong pinalibutan ng mga paru-paru.
Siguro nga hanggang dito nalang.
Wala na akong magagawa.
No rewind.
Ipinikit ko na ang aking mga mata at taimitim na hinihintay na tangayin ako ng hangin.
Naramdaman ko ang malakas na ihip ng hangin kasabay nito ang pag-angat ng aking mga paa.
Unti-unti na akong umaangat mula sa lupa.
Pilit kong iaalala ang mga masasayang tagpo sa aking buhay.
Mga panahong kasama ko pa sila.
Mga panahong hindi pa ako kinamumuhian ng lahat.
Mga panahong ako'y nabubuhay ng payapa.
YOU ARE READING
Invisible 🦋
Cerita PendekIf you're suffering from depression or any mental illness, you might wanna rethink on reading this. It may sound disturbing to others, but I just need to get this out of my head. This is a story of a girl... A girl who chose to stop living life.