06

18 1 0
                                    

Limang tao na ang nakita ko.

Limang mahahalagang tao sa buhay.

Limang magkakaibang lugar.

At doon ko lang napagtanto, naglalakbay ako sa  magkakaibang lugar at oras.

Hindi ko alam kung alin sa mga iyon ang kasalukuyan at nakaraan.

Pero isa lang ang alam ko, lahat sila ay nagluluksa sa pagkawala ko.

.

.

.

.

Sa pagbukas ng aking mata, tumambad sakin ang kalangitan.

Palubog na ang araw at andirito ako ngayon sa isang terrace.

Isang pamilyar na lugar nanaman ang kinaroroonan ko.

At isang kaibigan nanaman ang nadudurog sa harap ko.

Melanie...

Hoy huminga ka naman.

Mamaya magpatawag nanaman sila mama mo ng doctor. Baka himatayin ka. Ikalma mo puso mo. Andito ako sa harap mo Mel...

Breathe...

But, again, she can't hear me.

Tulad ng kay Lynda, nakaupo lang siya at yakap ang kanyang tuhod. Ang kanyang buhok ay tinatangay ng hangin.

"Mel bakit naman dito ka pa sa terrace pumwesto? Malamig dito. Baka magkasakit ka."

Nilingon ko ang pintuang nakabukas. Lulan non ang kanyang ina taimtim na nakatingin lamang sakanya. Sa likod nito ang mga batang kapatid ni Melanie na gustong lumapit pero natatakot rin.

"Iwan nyo muna ako mag-isa, Ma. Please lang. Gusto ko mapag-isa."

Hindi ko man makita ang kanyang mukha sa ngayon, alam kong humahagulgol siya. Mabigat na rin ang kanyang paghinga.

Nakita kong lumingon si Tita sa asawa nito, ang step-father ni Mel. Tumango ito bago lumapit para patungan ng jacket si Mel para maibsan ang lamig.

Labag man sa loob ay pumasok na sila Tita sa loob at hinayaang mapag-isa si Mel.

Itong pamilya ni Mel, hindi rin perpekto pero masaya.

Hindi niya kasama ang tunay nyang ama pero tinuturing siyang tunay na anak ng stepdad niya.

Ang saya rin kasi may tatlong nakababata siyang kapatid na naghahatid ng saya sakanilang pamilya.

Alam kong gustong gusto na nila lambingin ang ate nila. Pero pinili nitong mapag-isa.

"Melanie... masamang kinikimkim ang sakit. Ilabas mo yan. Iiyak at isigaw mo. Please..."

Alam kong walang silbi ang mga salita kong ito dahil hindi niya naman ako naririnig. Pero gusto kong mapagaan ang loob niya.

Napalingon ako sa telepono niya ng bigla itong mag ring.

Huminga siya ng malalim bago kunin ito. Akala ko papatayin niya ang tawag pero sinagot niya ito.

Video call pala.

Video call sa group chat naming magkakaibigan.

It was on for a couple of minutes already and nobody dared to break the silence.

Usually ang iingay namin kapag may vc na ganito. Pero ngayon, walang makatingin sa camera. Puro malalayo ang tingin. Basta ang mahalaga ramdam nila ang presensya ng isa't isa.

But there two people who didn't join the call.

Me and him.

Saglit kong ipinikit ang aking mga mata at sa pagmulat ko ay tumambad ang mga imahe ng barkada kong nasa iba't ibang lugar pero parang magkakatabi pa rin ngayon.

Si Arjay na tila nasa labas ng bahay at nakaupo sa kahoy. May hawak rin siyang sigarilyo at sa harap niya ay ilang bote ng alak. Mukhang galing siya sa inuman.

Si Ron na nakatitig sa lamesa. Hindi kami close kasi siya ang madalas na wala.

Si Richie na pinaglalaruan ang unan. Siya ang pinakatahimik saming lahat at mahinhin. Minsan lang rin kami mag usap niyan.

Si Kiefer na naka tunganga sa laptop. Hindi naging maganda ang una naming pagtatagpo pero naging magkaibigan din kami.

Si Jona nakatingin sa kalangitan. Siya ang una kong naging kaibigan sakanila pero mas napalapit ako kay Mel.

Si Lovi, ang pinaka madaldal sa lahat ang siyang nakatalukbong ngayon at tahimik na umiiyak. Nawala rin ang sigla sakanyang mga mata.

Kasalanan ko lahat ng ito

Si Ria ang unang bumasag ng katahimikan.

"Alam ko lahat tayo nagluluksa ngayon. Pero kailangan natin magkaisa para tulungan ang isa't isa para muling bumangon. Kailangan natin maging matatag para sa sarili natin at para sa isang taong pinaka nangangailangan ng emotional support natin."

At dun ko nakita si Rex.

Hawak ang aking maputlang kamay. Nakataklob ang isang puting tela sa aking katawan pwera ang aking ulo at mga kamay.

Balak ko na siyang lapitan pero naagaw ni Mel ang atensyon ko ng magsalita ito.

"Hindi ko ata kayang maging matatag ngayon. Pero susubukan ko. Kasi kung hindi, baka hindi lang si Addy ang mawala satin. Baka pati siya bumitaw na rin."

Hindi ko alam kung matutuwa ako na nagkakaisa sila ngayon at halos kumpleto sa isang video call. Kadalasan kasi hindi sumasagot sa tawag ang iba.

"Kaya natin to. Hindi pwedeng malagasan pa tayo ng isa. Arjay and Ron, kung pwede kayong makauwi as soon as possible gawin nyo please. Para sa kaibigan natin." Sambit ni Jona at tumango lang naman ang dalawa. Nasa mga kanya-kanyang probinsiya kasi ang dalawa.

"Richie kung papayagan ka ng mama mo, meet mo kami pagnakauwi na yung dalawa. At kung matatawagan mo si Rex gawin mo. Kiefer kung madaanan mo siya sa bahay nila subukan mo din. Kailangan natin masiguradong okay siya." Sambit naman ni Ria.

"Ako, bukas, punta ako sainyo Mel. Sabay nating dalawin si Addy. Tulong nalang tayo kila tita kahit papano." Ang sakit pakinggan ng boses ni Lovi na umiiyak. Kadalasan kasi puro tawa ang naririnig ko sakanya.

Madami pa silang sinabi bago patayin ang tawag pero nanatili ang atensyon ko kay Melanie nang maglaho ang imahe ng mga kaibigan namin.

Sa kanilang lahat, siya ang pinaka malapit sakin. Magkasing edad kasi kami at parehas panganay.

Kami din ang madalas magsandalan kapag may problema. Nagkaroon ng lamat ang pagkakaibigan pinagtagpo muli ng tadhana upang magtulungan.

Ang mali ko, sinarili ko din at hindi humingi ng tulong sakanya.

Nakikita kong nilalabanan niya ang lungkot ngayon. Dinadaan niya sa iyak pero pinapatatag niya ang kanyang sarili.

Kaya mo yan Mel. Mas malakas ka kesa sakin.

Lumapit ako sakanya at marahan siyang hinalikan sa noo.

Tila ba naramdaman niya ito at napatingala.

"Bakit kailangan niya pang bumitaw?"

Hindi na siya muling nagsalita. Pero narinig ko ang kanyang boses sakabila ng kanyang paghikbi.

"Nag away na kami. Nagkasiraan. Pero nagkaayos. Siya yung binigay ni God to save myself from drowning. Pero ako hindi ko man lang nagampanan ng maayos yung responsibility as a friend nya to save her too. But I did try to save her, it was just not enough. At alam kong hindi niya gagawin ito kung hindi siya pagod na pagod na. Because I, myself, tried to do it too."

And I'm so happy to see you still alive.

Invisible 🦋Where stories live. Discover now