Gulong-gulo ang isipan at hindi alam ang gagawin iyan ang nararamdaman ni Laica. Wala siyang nagawa para pigilan at habulin si Johnash. Wala siyang ka ide-ideya kung paano nakuha si Johnash.
Kinuha niya ang parang umiilaw na papel mula sa puno at binasa.
Hindi ito maaari.
Hindi dapat.
"Laica!"
Napalingon siya bigla ng may tumawag sa pangalan niya.
"God! Thanks god! Nagkita rin tayo!"
Masayang sabi ni Rosalie sa kaniya. Agad siyang nilapitan maging si Rechiel na kasama niya. Naiilang na tinignan siya ni Laica, nakayuko at walang balak magsalita.
"Whats on your hand?" Tanong ulit ni Rosalie. Binigay niya ang hawak na sulat kay Rosalie at nanlaki ang matang binasa niya ito.
"Do you love my game? I'm just starting. Katulad din niyan nong sulat na nabasa namin galing mismo sa mamamatay tao" seryosong sabi ni Rosalie. "This is wrong. This can't be happening Laic. Bakit ikaw mismo walang ideya sa mga nangyayari sa atin ngayon?"
"I swear girls. Wala akong ideya kaya please huwag niyo kong tanongin ng ganiyan." Mahinahong sabi ni Laica kay Rosalie.
Muling namayani ang katahimikan sa pagitan nila ng may biglang sumisigaw. Naalarma silang tatlo at agad pinuntahan ang sigaw na iyon.
"AAAHHH! OH MY GOD! OMYGOD!"
Natatakot na sigaw ni Mary Ann. Nakita nila ang bangkay ni Gian at Frank. Lahat sila nagulat at hindi makapaniwala.
"Wala na sila! Wala na!"
Agad nilapitan ni Laica si Mary Ann at tinahan.
"Laica magkasama kaming tatlo kanina." Naiiyak sa kaba at takot si Mary Ann. " Nagkaalitan kami at nauna akong naglakad sa kanila, akala ko sumunod sila, pero ng balikan ko sila ito na ang naabutan ko"
"Shh, Ann.. relax." Pagpapakalma ni Laica sa kaibigan. Habang ang dalawa hindi nila mapigilan ang hindi masuka at mandiri sa nakita at naamoy.
"Lets go. We have to leave them"
Ani ni Rechiel na nasusuka parin.
"Get up Ann. We have to go, kailangan nating hanapin ang iba."
"Clark, Ernel, Gian at frank and Milo are dead." Walang emosyong sabi ni Rosalie na siyang kinagulat naman ni Laica sa narinig.
"What?"
"They are dead"
Nanghihina ang mga tuhod ni Laica dahil sa nalaman. Ayaw niya sa mga naiisip niya kailangan niyang mahanap agad ang ibang kasama. Kailangan niyang magpakatatag. Hindi dapat siya ang panghinaan ng loob.
"We have to find Ailyn and Grace bago pa mahuli ang lahat" -Laica.
"I'm sure they are safe"- Rechiel.
"Yeah agree. Matapang ang mga iyon at madiskarte."- Mary Ann.
"At isa pa, nahulog sila sa bangin at siguradong malayo ang kanilang narating na hindi mapuntahan ng Killer na iyon." - Rosalie.
"We have to go girls " Ani ni Laica.
Agad silang nagtungo at naglakad. Kaba at takot ang nararamdaman ng apat.
"Kailan pa ba matatapos ang takot at kaba na nararamdaman ko? I Hate this" sabi ni Mary Ann sa kawalan.
"Ssshhhh" sabay sabi naman ng tatlo sa kaniya. Umirap pa siya at nagpatuloy sa paglalakad.
YOU ARE READING
Reckless Game
Mystery / ThrillerThis story is finding the Mystery who killed and threats behind their vacation and unexpected happening.