QUINCE☠

9 6 0
                                    

Pagod akong umuwi sa condo na mag-isa. Andami kong iniisip sa school, pending projects at iba pa. Akala ko kaya kong mag-isa pero hindi pala. Hay naku. Gusto kong mag bar nakakaumay na dito nalang palagi.

Nag video call ako sa gc naming anim. Timing naman at online silang lahat. Sobrang ingay at gulo kaya hindi ako makapagsalita. Nang huminahon ang mga linya nila agad akong nagsalita.

"Night out girls?"

"Sure!"
"When?"
"I can't even!'
"Ha?"
"Bakit?"

Sunod-sunod na mga litanya nila. Umirap pa ako sandali bago nagsalita.

"Tonight."

"May gagawin ako Grace" -Rechiel.
"Busy ako ngayon ano ba yan.."-Rosalie

"Lets go"- Ailyn
"Sige"- Laica
"Arat na"- Mary Ann.

Sinasadya ba talaga ng dalawang iyon na hindi makasama? Lagi nalang kasing may mga gagawin o alibi ang sinasabi nila. Palagi nalang kaming apat ang laging gumagala.

Tinapos ko na ang tawag at nag prepare para sa lakad namin. Its already 6:00 pm na. Salamat at may mga kaibigan akong natira na makasabay ko sa pag-gagala ngayon.

Gusto kong kahit saglit man lang mawala ang mga iniisip ko. Marami akong iniisip. Lalong-lalo na sa amin ni Gian. Mas lalo niyang pinapagulo ang isipan ko. The hell that playboy.

Matagal na iyon at pilit niya parin dinadala sa usapan ang mga pangyayaring iyon. Ano bang gusto niyang iparating? Andami niyang sinasabi pero hindi ko naman siya ramdam.

Masyado na siguro akong manhid. Hindi naman sa ayoko sa mga lalaki. Ayoko lang sa mga taong nakaaligid sa akin at mabulaklaking mga salita. Gusto ko iyong match talaga sa akin, yung hindi na ako maghahanap ng iba  kasi andiyan na siya at kontento na ako.

Hay, ano ba tong mga pinagsasabi ko.

**

"LETS PARTY GIRLS! WOAHHH!!"

Sigaw ni Ailyn at Mary Ann maging ako at si Laica na nakikisabay narin. Kanina pa kami dito na walang tigil sa pagsayaw at katatalon.

Nakangiti at parang mga lasing pero hindi naman. Gusto kong magsayaw ng magsayaw.

"WHOAHHHH!!!"

Sigaw na sabi ko sa kanila na siyang sinabayan ng iba. Napakalakas at Nakakaenganyo ang mga tugtogin. Nang mapagod ay nagdesisyon kaming umupo muna at magpahinga.

"That was really a good time girls!"

Mary Ann said in a joyful tone. Tumabi siya kay Laica at kinausap. Binalingan ko ng tingin ang katabi ko si. Ailyn. Nakikita kong may mabigat siyang problema. I know Ailyn's attitude. His proud and confident kung wala.

"May I know what's that face, Ai?"

Tanong ko sa kaniya. Tinignan niya ako ng walang ideya.

"What's on my face ba?"

"Something."

"Grace, I don't know what are you talking"

Mapaklang sabi nito sa akin. Humalukipkip siya at parang nililibang ang sarili sa iba. She avoiding my questions.

"Yes, you do."

Binalik niya ang tingin sa akin at tinignan niya ako ng malungkot. Kilala ko ang mga kaibigan ko, kahit hindi nila sabihin, alam ko kung may problema sila o wala. Kitang-kita sa mga mata nila kung sino ang nagsasabi ng totoo at hindi.

Reckless GameWhere stories live. Discover now