"Ahh"
Daing ni Rechiel ng tamaan siya ng pana ni Mary Ann, habang siya tawa ng tawa na parang walang katapusan.
"Ann! Ano ba?!"
Hindi mapigilang sabi ko sa kaniya. Maski ako natatakot narin sa inasta ni Mary Ann. Hindi siya ganiyan at higit sa lahat hindi siya yung Mary Ann na kilala namin.
"Anong ano, Laica?! Bakit natakot naba kita?! Haha"
Malakas na tanong nito sa akin sabay ng malakas niyang tawa. Pinanliitan ko siya ng tingin at galit na pinagmasdan.
"Ano ba talagang gusto mo ha?"
Pilit pinapakalma kung sabi sa kaniya. Natatawa naman siyang tinignan ako.
"Gusto ko? hmm..." Sabi niya na nagiisip pa. "Aha! Alam ko na.. ang gusto ko pala is patayin kayo HAHAHA!"
Pinanliitan ko siya ng mata.
"Ikaw ba talaga ang kaibigan namin? Mary Ann ikaw ba talaga 'yan?"
"Chee! Ampaka boba mo naman. Ako to oh? Look the Mary Ann who betrayed by the 'friends' as they say Hahahaha akala niyo hindi ko alam ang mga sekreto niyo? Hahahaha"
Natatawang sabi niya habang unti-unting nanunubig ang mga mata niya. Pinagmasdan ko lang siya at hinayaan.
"Napakasakit! Ampakasakit talaga! *hik* sana sinabi niyo nalang ang totoo kaysa sa iba ko malaman *hik* akala ko... Akala ko mga totoo kayo pero HINDI!"
Umiiyak na sabi nito sa akin. Lipat tingin ang ginagawa niya sa amin. Gusto ko siyang lapitan at patahanin pero muli siyang nagsalita. Galit na galit at nanggigil.
Alam ko kung ano ang tinutokoy niya. Alam namin lahat, at alam ko kung ano ang mas ikinagagalit niya.
"Kung sinabi namin sa iyo ang totoo, magkakagulo tayo. Naghahanap lang kami ng tamang tiyempo Ann."
Mahinahong pagkakasabi ko sa kaniya. Pinagmasdan niya ako at hindi makapaniwala.
"Kaya all those time niloko niyo ako, ganoon ba? Kasi kung ganon nagtagumpay kayo! *hik* may pagka-tanga ako minsan pero gagawa't-gagawa ako ng paraan para lang malaman ang mga lintek na sikreto niyo!"
"Hindi namin kasalanan kong may amnesia ka Mary Ann kaya pwede huwag mo kaming sisihin!"
Mataas na boses na sabi ni Rechiel.
"Shut up bitch! Isa ka pa! Ahas! Manloloko! Inagaw mo ang sa akin dapat!"
Galit na galit na litanya ni Mary Ann. Hindi ko alam ang pinagsasabi ni Ann pero sa mga mata ni Rechiel alam kong alam niya.
"Inahas mo si Mannix! Napakalandi mo! Matapos mong landiin at agawin si Clark kay Laica.. pinuntarya mo na naman ang nagiisang mahal ko! Ng dahil sayo naghiwalay kami! Nang dahil sayo iniwan niya ako! Siya nalang ang meron ako pero anong ginawa mo? Nagpabuntis ka sa kaniya at siya ang ama ng dinadala mo!"
Nagulat ako sa narining. Naiwan akong tulala at hindi makapaniwala ganon narin sila Ailyn at Grace. Nang binalingan ko si Rechiel, napaluhod siya at humagolhol ng iyak.
"Wala kang alam Mary Ann *hik*"
Humagolhol na sabi ni Rechiel.
"Sige sabihin mo ang totoo! Nang magkaalaman na! Kasi wala talaga akong alam! Tell me! Tell me! Tell me! Tell m------"
YOU ARE READING
Reckless Game
Mystery / ThrillerThis story is finding the Mystery who killed and threats behind their vacation and unexpected happening.