TRECE☠

10 7 0
                                    


(Flashback 1 week earlier before the party)

Halos gumuho ang mundo ko sa nakita at narinig. Malinaw pa sa mga camera ng canon ang nakita ko. Bakit nagawa nila ito sa akin? Bakit siya pa? Bakit ikaw pa?

Hindi ko alam kung saan ako nagkulang. Ibinigay ko naman lahat-lahat. Bakit niya ako ginagago?

Andito ako ngayon sa mall, kagagaling ko lang umuwi ng probinsya namin dahil birthday ni Ate Mailyn. Susorpresahin ko sana si Ernel dahil bukas pa sana ako uuwi pero dahil namismis ko na siya umuwi na ako ngayon. Pero mukhang ako ang nasorpresa.

Nagsusuboan sila ng siomai na nakangiti. Sabay pa silang tumatawa dahil sa mga pinaguuspan nila. Gusto kong sumigaw at sugorin sila pero hindi ko magawa.

Ako yong taong palaban, Nagtitimpi at magaling magtago ng nararamdaman. Pero pag hindi ko na kaya gagawin ko ang nararapat kahit masakit.

Mahal na mahal ko si Ernel. Binigay ko sa kaniya ang lahat pero bakit niloloko niya ako, sa kaibigan ko pa siya pumatol.

Ano bang kulang ko? Akala ko bay hindi niya ako lolokohin, akala ko ba ako lang? Pero bakit ginagawa niya ito sa akin? Ang bababoy nila.

Para akong ewan sa mga oras na iyon, hindi ko alam kung saan ako tutungo. Kusa nalang akong dinala ng mga paa ko pauwi ng private house namin. Hindi naman siya kalayoan sa tinitirahan namin ni Ernel.

Sa mga gabi ding iyon habang nagduduyan ako at pinagmasdan ang kalangitan tumawag siya. Kusa nalang tumulo ang mata ko ng makita ko ang pangalan niya sa cellphone ko. Unang tawag niya hindi ko pa siya sinagot. Umiyak ako ng umiyak. Yung iyak na hindi na ako makahinga. Nagagalit ako sa sarili ko. Naiinis ako. Hindi ko matanggap at hindi katanggap-tanggap.

Pangalawang tawag niya sinagot ko ito ng lakas loob.

"Baby.."

Bungad na sabi niya sa akin sa kabilang linya. Pinipigilan kong hindi maiyak at humagolhol.

"Baby, how are you?"

Pilit na normal na pagkakasabi ko naman.

"Ohw nagising ba kita? I'm sorry.."

"Hindi naman"

Pagsisinungaling kong sabi sa kaniya.

"Kaya pala matagal mong nasagot ang tawag ko.. Okay lang naman babe.. ikaw kamusta? Uuwi kana ba talaga bukas?"

Napasimangot ako sa sinabi niya but I still manage myself to talk him like as usual.

"Bakit parang hindi ka masaya na uuwi na ako bukas? Hindi mo ba ako namiss?"

"Its not like that, kasi bukas--"

"Ano?"

"Kung uuwi ka kasi bukas hindi kita masusundo,  may overtime kami ng practice sa basketball you know malapit na ang championship"

Liar.

"Okay lang baby, I can manage myself"

"Thank you babe"

"Very much welcome babe"

"Pasalubong ko ha? Haha"

Hindi ko na siya sinagot. Nawalan na ako ng ganang kausapin siya.

"Good bye babe, matutulog muna ako"

Walang emosyong sabi ko sa kaniya. Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya, agad ko ng enid call ang tawag at inoff ang cellphone.

Reckless GameWhere stories live. Discover now