DIEZ☠

18 10 0
                                    

Natapos ang gabi na puno ng saya at tawanan. Nagsiuwian na kami pagpatak ng ala una na ng umaga. Hindi kami na lasing sa inomin kundi nalasing sa tawanan.

Panandaliang nawala ang problema ko about school dahil sa mga kaibigan ko. Minsan naring sumagi sa isipan ko na mag-drop nalang at hindi na magaaral pero sa tuwing maalala ko ang mga kaibigan ko, ginaganahan ako't nabibigyan ng lakas ng loob.

Naka tingin ako mula sa labas ng bahay ngayon. Madilim at walang katao-tao. Sigurado akong wala na naman si Tiya Soleng. Magdamag na naman sa Sugalan iyon.

"Rechy.."

Napaiktad ako at agad na humarap sa taong tumawag sa akin. Nanlaki ang mga mata ko ng mapagtanto kung sino ang nasa harap ko.

"Anong ginagawa mo dito, Clark?"

"Rechy"

Muling pagtawag niya sa akin. Pinigilan ko siya ng akmang lalapit siya sa paroroonan ko.

"Clark, anong kailangan mo?"

"Ikaw."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"Anong pinagsasabi mo? Come on Clark this is not a right time para magsalita ka ng ganiyan.. malamig na at antok na antok na ako.. I know you too also"

"I am not.."

"Nasaan si Laica? Bakit hinahayaan ka niyang pumunta dito?"

"Condo. She let me. Rechy..."

"Ano?"

"Can we start again?"

Nagulat ako sa sinabi niya. Nasampal ko pa siya bago ako nagsalita.

"Your such a giant stupid Clark.. sumira ka sa usapan natin napakawalang hiya mo.."

Walang emosyong sabi ko sa kaniya. Habang siya titig na titig sa akin.

"Alam ko. I'm sorry honey.."

"Anong gagawin mo kay Laica?"

"Hihiwalayan ko siya sa tamang panahon. Hon, promise akong hindi na kita sasaktan at papaasahin."

Seryoso niyang sabi sa akin. Minahal ko si Clark at Mahal ko parin siya hanggang ngayon. Bago nagkarelasyon sila ni Laica ako na ang nauna kay Clark.

Nang magdesisyon kaming itigil muna ang relasyon namin dahil hindi na masaya. We decided to cool off and enjoy other things without our presence in each other. Alam din ng buong tropa ang lagay namin pero nang malaman kong nagkarelasyon si Laica at Clark halos magwala ako at patayin si Laica noon.

Bakit siya pumatol? Bakit nagawa niya ito sa akin?

Sinisisi ko si Laica kung bakit nangyayari sa amin ni Clark ang lahat  ng ito. Mahal ko yong tao at hindi ako kailanman na fall out sa pagmamahal na iyon.

Kinompronta ako ni Laica sa makalawang araw ng pagaaway namin at doon niya sinabi na akala niya naghiwalay na talaga kami ni Clark dahil iyon naman talaga ang sinabi din ni Clark. Nagiyakan pa kami non at sa huli tinanggap ko narin ang katotohanang wala nang pag-asang magkabalikan kami ni Clark.

Simula noon hindi ko na nakausap si Clark tungkol doon. Pero, ngayon it's been a years na ngayon ko lang siya nakitang nasa harap ko at nagsusumamo.

"Minahal mo ba si Laica?"

Matagal siyang tumitig sa akin bago nagsalita.

"Oo pero hindi katulad ng sayo..."

"Paano mo nagawa sa kaniya ito Clark? Your such a bad liar"

Reckless GameWhere stories live. Discover now