Madilim.
Sobrang dilim.
Narito ako ngayon, nakahiga sa kama ko tila pinipilit parin ang sarili na tanggapin ang pangyayari. Narito ako sa kwarto ko, na puno ng alaala niya, tila iniisip parin ang mga masasayang sandali namin.
Dahil yun lang naman talaga ang meron kami. Ang masasayang alaala. Tila pinagsakluban ako ng langit at lupa, noong panahon na iniwan na niya ako. Di parin ako makapaniwala na ganun lang yun. Na ganun lang mawawala ang lahat.
Limang araw ang nakalipas nung huli ko siyang makasama. Nakatingin lang ako sa kanya. Tahimik na namaalam, dahil alam kong kahit i-pagsigawan ko pa na huwag ay hindi ko na ito mapipigilan pa.
Punong-puno ang kwarto ko ng mga alaala niya. Ang aming mga litrato, drawings, ang mga regalo niya sakin noong mga panahon na nakakalabas pa kami at ang pinakahuling iniwan niya sakin, ang mga sulat niya sa akin na ngayon ay naka-kalat lamang. Ito nalang ang mga bagay na natitira noong mga panahon na sobrang saya namin. Pero pagkatapos noon, noong kaisa-isang araw na yun, napalitan na ito. Pero kahit ganun pa man, mahal ko parin siya.
Naalala ko pa noong una ko siyang nakita, noong 2nd year palang ako. Hinding hindi ko makakalimutan ang araw na yun. Dahil ang sabi ko sa sarili ko nun, Siya na yun, siya na ang taong mamahalin ko.
At hindi naman ako nag-kamali noong binitawan ko ang mga salitang iyon...
BINABASA MO ANG
Our Story
Teen FictionWhen life gives you something nice. Make the most of it, because in our world there is a saying; "Not all good things last..." Sa pananaw ni Nathan, i-kukwento niya sa atin ang masayang relasyon nila ni Nicole. Kung paano niya ito unang nasilayan...