AFTER THE DINNER, hindi ako pinatulong ni mommy ligpitin ang pinag kainan namin. Sila ni daddy ang gumawa nun.
At nandito kami ngayon sa sala kasama si Garcia.
"Hindi ka pa ba uuwi?" Tanong ko.
"Sabik na sabik kang pa uwiin ako ah. Ayaw mo akong kasama?" May pagtatampo niyang sabi.
"Ayaw talaga. Ikaw lang naman nag pumilit na makilala sila. E kilala mo na naman pala" umismid ako.
"Hindi ko naman alam na kilala ko sila ah" nangunot ang noo niya. "Hindi naman sa kilala. Sila ni mommy ang magka kilala. Familiar lang sakin ang mga mukha nila. Siguro dahil nakikita ko sila tuwing gatherings" pag eexplain niya.
Hinampas ko siya "Mag tigil ka. Kaya pala ang lakas ng loob mong maki pag kilala sa kanila ah"
"Its just a coincidence okay? Hindi ko alam. Hindi ko alam na sila yung parents mo" halatang nagpipigil siya ng inis.
"Huwag mo na akong ginagago. Bistado na kita Garcia" sigaw ko sa kanya.
"Okay fine if that's what you think. And please stop calling me Garcia. Just Hector okay?"
"Whatever you say Hectoro" pang aasar ko sa kanya.
Sumama ang mukha niya. "Anong hectoro?"
"Pangalan mo. Obvious ba?" Sarkastiko kong sagot.
"Its Hector okay? H E C T O R. Hector. Ano ba Yrah" tila nauubusan na siya ng pasensya.
"Okay Hectoro" nag pipigil ako ng tawa.
Sumama na naman ang mukha niya. Tumitig siya sakin.
"Oh ano tinitingin-tingin mo?" Pag tataray ko.
"Hector nga kasi" napanguso siya.
Para kang bata! But he's so cute. Nailing ako sa naiisip ko. Kamakailan lang ay kinaiinisan ko ito ngunit ngayon, cute na siya sa paningin ko.
"Kung nabuhay ka sa dekada 70. I'm sure yon yung magiging pangalan mo no" natatawang kwento ko.
"E kaso hindi. So Hector yung pangalan ko" pag pipilit na naman niya.
"Ayoko nga its Hectoro" tumawa pa ako ng malakas.
"Okay Yrang"
Natahimik ako sa sinabi niya. Yrang? Ang cute naman non.
"Ang cute kaya ng Yrang" pinandilatan ko siya.
"Cute nga. Yrang. Short from Yranggutan" at tumawa siya ng pag ka lakas-lakas.
Nainis ako. "Ah ganun ah" walang alinlangan ko siyang sinuntok sa braso.
"Aray ang sakit non Yrang" napahawak siya sa braso niya.
"Masakit talaga gusto mo isa pa?" Natatawang tanong ko at pinag handa pa ang kamao ko.
"No thanks. Okay na ako sa isa" ngumiti siya.
"Hectoro" pabulong kong tugon.
"Yranggutan" pabulong rin niyang asik ngunit hindi naka ligtas sa pandinig ko.
"Bwesit ka talaga" singhal ko sa kanya.
Kinuha ko ang unan at pinag hahampas ko siya. Panay naman yung pag ilag at pag sangga niya.
Napatigil lang kami ng tumikhim si daddy.
"Daddy Mommy" napatanga ako.
"Sir Maam" sambit rin ni Hector.
"Ang saya-saya niyong panoorin" si mommy nang may ngiti pa sa mga labi.
"Our baby is genuinely happy ma" napayakap pa siya kay mommy.
BINABASA MO ANG
The Man from Different World | COMPLETED |
RomanceA story of a girl in which she will meet a man from different world; online and real world.