ITS BEEN A WEEK, nang makauwi na kami sa Pilipinas. Masaya ako sa mga nangyayari ngayon at sana nga lang ay wala nang kapalit to na kalungkutan.
Hindi rin kasi madali ang mga kalungkutang ipinapalit sa kasiyahang nararanasan ko.
"Yrah!" Tawag sakin ni Hector. "Hali kana dito! Napakasarap ng tubig!" Sigaw niya sakin.
Nasa dagat kasi. Nandito rin kami sa beach resort na pag aari rin nila.
"Mamaya!" Sigaw ko naman sa kanya at sumisid siyang muli.
Bago ang resort nilang to. At mukhang hindi pa binubuksan kaya kaming dalawa pa lang ang tao aside sa mga tagalinis ng lugar na to.
Kung titignan ko ang resort. Parang gusto kong bilhin. Lahat kasi ng desinyo maging ang interiors ay naaayon sa taste ko.
Lakas kasi maka luma dagdag mo pa yung cottage na kinalulunan ko ngayon.
At yon ang gustong gusto ko. Vintage style. Pag vintage style talaga ang isang lugar parang kinukuha ang loob ko.
Some may call it creepy pero hindi iyon ang nakikita ko kapag nakakakita ako ng maka lumang desinyo.
Para bang gamot yon sa akin. Kahit kasi napakalungkot ko. Pumupunta lang ako sa makalumang lugar ay gumagaan ang loob ko.
Nangiti ako nang maalala ang unang pag uusap namin ulit ni Hector matapos ang limang taon.
All I thought ay meron na siyang ibang mahal pero ako pa rin pala talaga. And knowing na hinintay niya talaga ang pag uwi ko?
Masayang masaya rin ako. Ako kasi, hindi ko siya kinalimutan at pinagpalit. Masasabi ko talagang worth it ang lahat ng sinakripisyo naming dalawa.
Hindi rin biro ang limang taon. Masyadong maraming possibleng mangyari pero we make impossible things be possible.
At kasama na yon ang pagmamahal namin sa isa't isa kahit malayo kami at walang komunikasyon.
Siguro nga tama siya. Masyadong supportado kami ng tadhana dahil sa limang taon na yon ay walang ni isa sa amin ang bumitaw.
Hindi ko mapigilang mapangiti sa mga naiisip ko. Mahal na mahal nga niyang talaga ako at ganun rin naman ako sa kanya.
Naisipan ko na ring samahan siyang mag tampisaw sa dagat.
All I felt is happiness. Happiness that I never imagined I can feel this again and of course, with him.
Simula noong umalis ako. Wala akong ibang iniisip kundi anong mga nangyayari sa buhay niya. Kung okay ba siya at maayos ba siya at kung may nagugustuhan ba siyang iba.
Bumibisita naman si kuya dito minsan dahil sa business namin. Siya na kasi ang may hawak niyan ngayon and wala akong lakas loob para itanong sa kanya kung kumusta na si Hector.
And I am quite grateful na pinili niyang tahakin ang maayos na buhay because that's all I want for him.
Ang maranasan niyang paano bumangon kapag nadapa ang isang tao. From that he'll learn to stand by his own and tama nga ako.
He really did a great job and I am proud of him.
"Yrah?" Tawag niya sakin nang makaahon kami galing sa pagsisisid. "Balik na tayo sa loob"
Tumango ako sa kanya. Ako ang unang nagbanyo upang banlawan ang sarili ko. Nang matapos akong mag bihis ay sumunod naman siya.
Hindi ko tuloy mapigilang isipin ang pakiramdam kung magiging asawa ko na siya.
We haven't kissed yet on the lips ever since.
Napailing ako sa sarili kong naiisip. Yun pa talaga. Gustuhin ko man noon. Masyado pa kaming bata para doon and I don't want my family to be disappointed especially mom.

BINABASA MO ANG
The Man from Different World | COMPLETED |
RomanceA story of a girl in which she will meet a man from different world; online and real world.