BACK TO SCHOOL na naman. Ang bilis talaga ng panahon. Parang isang araw lang ang Christmas vacation tangina nito. Kapoy!
Kasalukuyan kaming nasa daan ngayon. Hinahatid ako ni dad patungo sa school. Patingin-tingin lang ako sa labas. Iniisip ang mga masasayang nagdaan na mga araw.
Hindi yata matutumbasan ng kahit ano ang mga pangyayaring iyon.
Huminto ang sasakyan namin dahil naka red light sign ang stop light.
"Zach" wala sa sarili kong sambit.
"Anong sabi mo?" Tila naiinis na tugon ni dad.
Lumingon ako sa kanya "Nakita ko si Zach ayun siy-" bigla akong natigilan nang pag tingin ko sa kung saan ko nakita ang nakatayong bulto ni Zach kanina ay wala na siya dun.
"Siya parin ba iniisip mo? Bakit parang nakikita mo siya kahit wala naman" naiinis niyang sagot.
"Dad. Totoong nakita ko siya. At hindi siya ang iniisip ko kanina" pag pipigil inis kong sabi.
"Kung nakita mo siya i nasan na? Diba wala?"
Hindi nalang ako umimik. Imposibleng imahinasyon ko lamang iyon. Sigurado akong siya talaga ang nakita ko.
Bigla nalang akong kinilabutan sa naiisip ko. Posible nga bang sinusundan ako ni Zach? Ano namang intensyon niya para gawin niya yun?
Naramdaman ko nalang na pinaandar na ni dad ang sasakyan hanggang sa makarating kami sa school. Nagpaalam ako sa kanya at pumasok na rin sa loob.
Maaga pa kaya konti pa lang ang mga estudyanteng nakikita ko.
Habang naglalakad ako papunta sa room namin ay biglang sumagi sa isip ko si Zach.
Naguguluhan ako kung bakit parang may kakaiba sa nakita ko kanina o siguro ay masyado lang akong nag ooverthink.
Pag pasok ko palang sa room. Kitang-kita ko na ang tatlo kong kaibigan. Na miss ko sila kahit hindi ko sabihin.
Agad nila akong niyakap. Kahit oa hindi na ako pumalag. Na miss ko rin kasi ang kulitan naming apat.
"Kumusta na Yrah!" Si Eve. Kung maka kumusta parang sampung taon kaming hindi nagkita.
"Ayos lang" tipid kong sagot.
"We miss you Yrah baby girl" si Steph and Pael.
Naiiling ako. Baliw pa rin talaga.
"Kwento ka naman balita ko ayyieeee--" May pang aasar ani Eve.
"Kahit kelan talaga napaka chismosa mo Eve" inirapan ko siya.
Natawa lang ang buang kingina.
"Kwento na dami pang satsat nito" reklamo niya.
"Ulol ka!" Matigas kong sabi.
Tumawa naman si Pael and Steph kaya natawa na rin ako. Mas lalo pa kaming natawa ng sumimangot na lalo ang mukha niya.
"Ang pangit mo Eve" natatawang ani Pael.
"Wow ah. Gwapo ka gwapo ka?" Naiinsulto niyang sagot.
"Aba oo noh. Inlove kana nga sakin e" sagot naman ni Pael.
"Asa ka!" Nanggagalaiti niyang sabi bago naglakad palabas ng room.
Agad namang sumunod sa kanya si Pael. Para na talaga silang may something O ako lang talaga ang gumagawa ng malisya sa kanila?
"Hindi parin nag babago" naiiling kong sabi habang sinusundan ng tingin ang dalawa.
"Sinabi mo pa" sagot naman ni Steph. "Kumusta kana?"
![](https://img.wattpad.com/cover/240823344-288-k174919.jpg)
BINABASA MO ANG
The Man from Different World | COMPLETED |
Roman d'amourA story of a girl in which she will meet a man from different world; online and real world.