ISANG LINGGO ang lumipas, hindi ako nakikipag kibuan kay daddy. Kung bakit na kaya ko yon ay hindi ko alam.
Kinabukasan nang gabing iyon ay sinusbsub ko nalang ang atensyon ko sa pag-aaral lalo pa't huling linggo nalang ng pasukan.
Sana naintindihan ni Hector ang mga araw na hindi rin ako kumakausap sa kanya. Maging mga kasamahan ko sa school ay hindi na muna ako sumasama.
Gusto ko na mapag isa. Masyadong sarado ang isip ko para sumagot sa kung ano mang maaring itanong nila.
Inaamin ko. Masyado akong naapektuhan sa nalaman ko. May bahagi rin ng puso ko ang nanghihinayang. Nanghihinayang dahil possible kasing hanggang ngayon ay masaya ako with Zach kung nalaman ko lang ng mas maaga.
Pero hinding hindi ko pinag sisihan ang mga desisyon ko ngayon. Even ang maging kami ni Hector at ang mag simula ng panibagong yugto kasama siya.
"M-mom alis na po ako" paalam ko kay mommy.
Mag pa practice kami ngayon para sa nalalapit naming graduation.
Isang linggo na rin nang mag commute na ulit ako. Hindi na kasi ako nagpapahatid kay daddy. Ayaw ko pa talagang makausap siya. Kahit paman wala pa kaming napag usapan. Alam kong alam na niya kung anong dahilan. Huwag lang sana siyang magalit lalo kay Zach dahil hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko.
Si kuya naman. Hindi ko na rin kinakausap. Alam ko na alam niya ang ginagawa ni daddy. Mag kakampi sila diba. Na e kwento ni daddy sa ang relasyon namin ni Zach kaya malabong hindi aminin ni daddy ang ginawa niya.
Oo naiinis ako kay daddy pero hanggang doon lang yon. Kahit paman sa kabila ng mga ginawa niya. Daddy ko pa rin siya at mahal na mahal ko siya. Ganoon na rin si kuya Zio.
Papasakay na sana ako ng tricycle ng biglang may pumaradang sasakyan sa harap ko.
"Baby!" Tawag niya sakin nang buksan niya ang bintana ng sasakyan.
Nakatingin lang ako sa kanya hanggang sa bumaba siya.
"Its been a week. Siguro naman enough na yon para kausapin mo na ako at pumayag kang ihatid kita sa school?" May pag mamakaawa niyang sabi.
He's really so cute. Alam kong ginagawa niya ang lahat para intindihin lang ako. That's one of the reason why I can't leave Hector over someone else. He's my life now and I can't imagine kung mawala na naman ulit siya sa akin.
"Please baby?" Sambit niya ulit ng may pag mamakaawa.
Napangiti ako. "Sige na nga"
"Yes!" Inalalayan niya pa ako. "Lets go"
Pinasakay niya muna ako bago siya. At dahan dahang pinausad ang sasakyan.
"I miss you baby" nakangiti niyang sabi.
Ramdam ko na masayang masaya siya. Ganoon rin naman ako. Masaya ako dahil kahit mahirap ay iniintindi niya pa rin ang mga sitwasyon kahit pa bago ang lahat ng ito sa kanya.
Nginitian ko siya. "I missed you too baby" sagot ko.
Napakunot ang noo ko ng itinigil niya ang sasakyan sa tabi.
"S-sorry. I'm just glad that you already talked to me. You know how much I wanted to talk with you everyday"
"Sanaol english" pabiro kong sabi sabay irap. Dinig ko pa ang pag tawa niya. "Di nga. Masaya rin ako Hector dahil sinusubukan mo talagang umintindi"
"Of course. Ikaw pa! Mahal na mahal kita and I will do everything just for you Yrah"
"Mahal na mahal rin kita Hector" Madamdamin kong ani.
![](https://img.wattpad.com/cover/240823344-288-k174919.jpg)
BINABASA MO ANG
The Man from Different World | COMPLETED |
RomansaA story of a girl in which she will meet a man from different world; online and real world.