BUSYNG-BUSY si mommy sa pagluluto ng mga pagkain. Christmas party kasi namin sa school ngayon.
Ipagpaliban ko na muna sa ngayon yung pag-iisip sa sinabi ko kay Hector. Two weeks na rin yon. I need to enjoy na muna for now.
Nasa island counter ako ngayon, hindi pa bihis. Medyo maaga-aga pa naman kaya napagdesisyonan kong mamaya na ako maligo.
"Anak? Hindi pa rin ba nagpaparamdam sayo si Hector?" Nag aalalang tanong niya.
Natigilan ako sa tanong ni mommy. "Hindi po mommy e. Baka busy lang po yon"
"Kahit busy-" pinutol ko na ang pagsasalita niya.
"Mommy huwag na muna natin pag usapan yan sa ngayon please" kalmado kong tugon. "Party namin ngayon, I need a break. Gusto ko munang mag saya"
"Okay sabi mo e" ang tanging sagot lang ni mommy.
"Sge mommy maliligo nalang muna ako" paalam ko sa kanya.
Pagkatapos kong maligo ay hindi na muna ako nag bihis. Naka roba lang akong lumabas ng kwarto at pinulupot ang tuwalya sa ulo ko.
"Mommy kakain na po ako ah" paalam ko sa kanya.
"Sge anak nakahanda na yung pagkain sa mesa kumain kana muna"
"Ikaw mommy hindi ka po kumakain" Pag yaya ko sa kanya.
"Mamaya na anak pagkatapos ko nito" Nakangiting ani mom.
"Okay po" tumango ako sa kanya.
Pumunta na ako sa Dining area at saka nag simulang kumain. Excited na excited ako sa Christmas party namin. Dapat mag enjoy ako kasi nga. Eto na yung last Christmas Party na mararanasan ko sa High School.
Ganadong-ganado ako sa pag kain nang biglang may nag door bell. Putik ang galing tumayming ng mga taong to.
"Hello Yrah" Bati sa akin ni Eve.
"Good morning Yrah" Nakangiting ani Rafael.
"Good morning my baby girl" Si Stephen. He even smirked at me.
Syempre hindi na ako nagulat, alam ko namang pupunta sila dito. Sinadya ko talagang pa puntahin tong mga to para naman magamit ang mga taong to. Pero hindi ko ini-expect na ganito ka aga mga buang!
"Ang aga niyo naman" reklamo ko.
"Early bird yata kami basta bahay mo ang patutunguhan" Natatawang tugon ni Pael.
"Sisihin mo yang Rafael na yan" Dinuro pa ni Eve si Pael. "Siya kaya ang excited na excited pumunta dito" pinagkrus pa ang mga braso. "Hindi pa nga ako naka ayos e" tumingin pa siya sa kabuuan niya.
Napatingin rin ako. Hindi pa nga.
"Dito na lang ako mag-aayos" pagpapatuloy niya. "Tsaka aayusan na rin kita Yrah" ngumiti pa siya sakin.
Nailing nalang ako. "Pasok kayo" pag-aanyaya ko. "Sa sofa na muna kayo ah hindi pa kasi ako tapos kumain. Napaka wrong timing niyo kasi" nginitian ko sila.
"Baka naman may makakain kayo dyan Yrah" Nagbabakasakaling ani Pael.
"Hoy Rafael napaka takaw mo talaga!" Saway ni Eve sa kanya. "Mahiya ka naman uy!"
"E walang hiya ako e" sagot ni Pael na mas kinainis pa ni Eve.
"Ang aga aga ang haharot niyo" sabi ko saka nag tungo sa dining area upang ipagpatuloy ang pag kain.
Hindi ko talaga sila binigyan ng makakain noh! Bahala sila. Lalo na si Pael na matakaw.
"Anak sino ang dumating?" Pa sigaw na tanong ni mommy. Naririnig ko lang naman siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/240823344-288-k174919.jpg)
BINABASA MO ANG
The Man from Different World | COMPLETED |
RomanceA story of a girl in which she will meet a man from different world; online and real world.