"Your mother was a strong woman indeed, but last night was her final battle," pahayag ng doktor. "I'm sorry, Ms. Menardo, she finally took her rest."
Umalis na ang doktor sa harapan ni Saive, ngunit ang mga linyang binitawan nito ay nanatili sa kanyang pandinig. She leaned on the wall for support as her knees and hands trembled. Her cheeks were flooded with tears as silent sobs started to surface. Her shoulders shook while her heart pounded painfully.
Ang kanyang ina ang nag-iisang kasama niya sa buhay. Ang kanyang ama ay matagal nang sumakabilang-bahay. Wala siyang kapatid o malapit na kamag-anak. Kaya ang pagkawala ng kanyang ina ay tila pagkawala na rin ng malaking parte ng kanyang buhay.
***
"What do you mean, sir?"
"It means you're fired," pahayag ng Presidente. "I'm sorry to say this, but your behavior over the past month has been a pain in our ass. Naapektuhan ang performance mo. That's why, nasali ka sa cut-off. Just on time, dahil ngayong araw din pala ang end ng contract mo."
Napakuyom ng kamao si Saive. Hindi na niya alintana kung nalamukos niya ang dokumentong hawak niya. Limang taon na siyang nagtatrabaho sa kompanyang iyon, at sa isang iglap, natapos ito.
Sa limang taon niyang pagsusumikap na magampanan nang maayos ang kanyang tungkulin, ilang linggong pagkaligalig lang pala ang katumbas upang mapatalsik siya.
***
"No," Saive whispered, "you can't do this to me, Jace," she finally said in a clear voice. Pinahid niya ang mga luhang walang humpay sa pag-agos. "Bakit ngayon pa, Jace? Kung kailan wasak na wasak ako? Kung kailan wala na akong makakapitan kundi ikaw na lang? Kung kailan sobra kitang kailangan? Sa dinami-rami ng pagkakataon, bakit ngayon pa?"
"That's the point, Saive. Hindi mo ba nararamdaman na nawala na ang pagmamahalan natin? Na parang nagsasama na lang tayo dahil naghahanap lang tayo ng masasandalan, ng init ng katawan?" mungkahi ng lalaki sa kabilang linya. "But the love, wala na, Saive. For three years, nawala na ito."
Gusto niyang isigaw ang mga katagang, "Putang ina! Ang nawawala hinahanap, hindi tinatapos! Sa tingin mo ba ako lang ang may pagkukulang kung bakit nawala ang pagmamahal natin?"
But, "O-okay," was all she managed to say.Saive bit her lip to suppress the sobs and screams trying to escape. Pakiramdam niya ay sinasaksak ang kanyang puso dahil sa sakit. Patuloy na bumabalik ang mga alaala nila ni Jace, na mas nagdadagdag pa sa bigat ng kanyang nadarama.
***
Isang papel. Dalawang pahina. Tatlo. Apat. Lima. Napahilot si Saive sa noo nang wala siyang maisulat na matino kahit halos pigain na niya ang kanyang utak. Sa hindi na mabilang na beses, muling nilamukos ang papel sa kanyang harapan.
She was a published author of a famous publishing company, but due to what she was going through, her writing was greatly affected. Lahat ng isinumiti niyang manuscript ay hindi na-aprubahan. Nawawalan na rin ng gana ang kanyang mga mambabasa na basahin ang kanyang mga kuwento, lalo pa't sunod-sunod na nagsulputan ang mga magagaling na bagong manunulat.
And at that moment, she knew it was over. Her life was over. Writing had been her companion ever since—naging bahagi na ito ng daloy ng kanyang buhay. Ilang writer's block na ang kanyang nalagpasan, pero ngayon, alam niyang hindi ito basta-basta lang. She lost her confidence and will to write.
She lost her inspiration, her life, and her light.

BINABASA MO ANG
When Autumn Blossoms
Fiksi UmumWhen Autumn Blossoms Saive Menardo's life has fallen apart. Two months ago, she lost her mother. Last month, she lost her job and her boyfriend. Now, she's lost her spark-unable to write, create, or even find a reason to try. Desperate to piece hers...