Chapter 13
The First PageDecember 23. Kanina pa sinusubukang kausapin ni Saive ang VillaResort sa telepono pero hindi ito sumasagot.
She spent two whole days to sum up all the things that happened to her. Also, the things that she was not aware of since she's gone for whole seven months.
Marami ang nangyari at nagbago sa loob ng pitong buwan. Naguguluhan man ay pilit niyang inintindi at tinagpi-tagpi lahat na tila ba bumubuo ng isang puzzle.
Kulang na lang ay mapalukso si Saive nang sumagot na ang kabilang linya.
"Good day, this is the main line of Majestik VillaResort. How may I help you?"
"Ah, I just want to ask if you can still accomodate a guest?I was really in a rush, so I haven't booked ahead of time."
"Yes, ma'am. We're still accommodating same day stay transaction. In fact, we have some exciting surprises for our guests because of the Christmas Season."
Saive smiled. "Thank you."
"You're welcome, ma'am."
Pinatay na niya ang tawag. Marahan siyang tumayo at binaktas na ang daungan ng mga motorboat. Nasa RM Port kasi ito at kaninang umaga pa siya naroroon. Umaasa. Nagbabakasakali.
Pero, walang Khalil na dumating. Walang Khalil na naghihintay. May parte sa kanya na inaasahan na iyon. Hindi man niya lubusang maalala ang lahat na mga naganap sa Villa ay pakiwari niya'y mahiwaga ang lugar na iyon.
Una, wala siyang nakitang 'Middle Autumn Peak' sa social media platforms nang i-search niya ito. Pangalawa, wala siyang makitang Khalil na kamukha ng nakilala niya sa Villa sa socmed. Lubos niya ring pinagtaka dahil hindi niya matandaan ang buo nitong pangalan. Pangatlo, tinanong niya kahapon ang Majestik tungkol sa reservation niya noon, pero sabi ng staff ay hindi raw siya nakarating doon. Hindi na rin siya entitled ng refund dahil pitong buwan na ang nakalipas.
"Kuya, saan ang rota nito?" tanong niya sa lalaking nagbabantay sa motorboat.
"Sa Majestik VillaResort po, ma'am."
Napatango si Saive. "Hindi ba sa Middle Autumn Peak?"
"Middle-- ano po 'yon, ma'am? Wala naman akong alam na ganyang lugar dito."
Napangiti lang si Saive. "Alam ko po, kuya." Sumakay na siya ng motorboat. "This time, sa Majestik VillaResort na talaga ako pupunta."
Agad na nilibot ni Saive ang kanyang paningin nang tuluyan na silang makarating sa VillaResort. Ang mga kasabay niyang dumating ay agad na namangha sa tanawin. Kinuha na nila ang kanilang mga gadget at nagsimula nang kumuha ng litrato. Samantala, si Saive ay nakatayo lang doon at ilang ulit na sinuyod ang lugar.
May mga nakahilirang traditional hut na nagsisilbing tuluyan ng mga guest. Watak-watak ang mga punong nasa paligid. Maputi ang buhangin at asul ang dagat na nakapalibot sa isla. Tulad na tulad ito sa mga litratong nakita niya online.
Pero ibang-iba sa Villa na napuntahana niya noon. Napakalaki ng pagkakaiba. Walang magarang villa na maihahalintulad sa isang hotel. Walang engrandeng landscape sa harap. Walang mga dahon na nag-papaunahan sa paglapag sa lupa.
"Okay ka lang ba, miss?" napalingon siya sa isang unipormadong babae, isang staff ng VillaResort.
"Okay lang." Kinuha na niya ang kanyang bag at marahang pumasok sa receiving hall ng VillaResort.
"Good day, ma'am. Do you have any reservations?"
"None. Walk in lang ako. I called your line earlier."
"That's nice, ma'am. Mabuti na lang at marami pa ang vacant huts." Inabot ng staff ang isang form. "Paki-fill out na lang po, ma'am, lahat ng kailang impormasyon. Thank you."
Seven days. Pitong araw siyang mamamalagi sa VillaResort. She will even celebrate her Christmas there. Unang pasko ito na hindi niya kasama ang kanyang ina kaya nakaramdam siya ng lungkot dulot ng pangungulila.
And, that's the main reason why she chose to be on her own. For a moment, she just wanted to be by herself. Enjoying herself. Pampering herself. Feeling herself. Loving herself.
Matapos mag-ayos ni Saive ay kinuha na niya ang kanyang notepad at ballpen. She got her phone and plugged in her headphones. Surprisingly, may signal sa lugar na iyon. And more surprisingly, ayos pa naman talaga ang cellphone niya. Hindi iyon nasira.
Lumabas na siya sa tinutuluyan niyang traditional hut. Agad na sumalubong sa kanya ang malamig na ihip ng hangin. Yeah. It's the chill of Christmas season.
Habang naglalakad siya ay hindi niya maiwasang mamangha sa lugar. Kahit hindi man ito kasingganda ng Middle Autumn Peak, may maibubuga rin naman ito. Malinis ang paligid. Tahimik. Maaliwalas. Presko.
Hindi lang siya nag-iisa sa lugar na iyon. Sa katunayan nga ay marami ang nakikita niyang naroroon. May mga magkakaibigan na nagtatampisaw sa dagat. May pamilyang nagsasalo-salu sa cottage. May magkasintahan na naka-upo sa bench at nag-uusap tungkol sa mga magagandang bagay.
Suddenly, she missed Khalil. Bago ito umalis noon, nangako itong magpo-propose sa kanya. He even had his plans laid out. He wanted a firework display and they will have a lantern to float with their names inscripted on it. Gusto niyang sumakay sila sa hot-air balloon pagkatapos.
She closed her eyes and remembered how Khalil's eyes glistened the time he said those plans. It was lovely. He was perfect.
Pero walang Khalil ang sumalubong kay Saive. Hindi niya ito mahagilap kaya tanging sa alaala niya lang ito nabubuhay.
Napahawak si Saive sa kanyang dibdib. May kaunting kirot sa kanyang puso. Nasaan na ba si Khalil? Ilang ulit niyang tanong sa kanyang sarili.
Nagsisimula na rin siyang pagdudahan kung talaga bang totoo ito. Paano kung panaginip lang pala ang lahat ng nangyari sa Villa? Paani kung pitong buwan siyang nananaginip?
Napabuntong-hininga hininga na lang siya. Napatingala siya sa bughaw na kalangitan. Kailan niya kaya mabubuo ang nawawalang bahagi ng kanyang alaala?
Dahil nakalutang ang kanyang isipan, hindi na niya namalayan kung saan siya dinala ng kanyang ligaw na mga paa.
Napasinghap siya. Namilog ang kanyang mga mata. Muling umihip ang hangin pero banayad na ang haplos nito sa kanyang balat.
Napatulala siya sa malaking puno na nasa kanyang harapan. Sanga na lang ang tinataglay nito dahil halatang nalagas na ang lahat nitong dahon.
That tree reminded her of the huge autumn tree where she and Khalil usually hang out. It was their favorite spot in the villa. Sasandal na sila pareho sa malaking punong iyon at pag-uusapan nila kung paano nila kamahal ang isa't isa, pati na rin ang future na sinimulan na nilang buohin.
Pumatak ang luha sa mata ni Saive dahil sa mga alaalang iyon. Biglang bumigat ang kanyang pakiramadam. Dahan-dahan, lumapit siya sa ilalim ng nalagas na puno.
Lumuhod siya at banayad na hinaplos ang mga bulaklak na malayang tumutubo roon. Sinamyo niya ang halimuyak nito. Biglang gumaan ang kanyang pakiramdam.
Pumitas siya ng matinik na rosas. Napangiti siya nang maalala niya ang sinabi ni Khalil noon sa kanya.
"But the long stemmed rose like this ... also means ... I will remember you always ... A love that never forgets."
"I will always remember you, Khalil, my love," she whispered in the thread of silence.
Pumunta siya sa puno at napasandal. Hinayaan niyang paglaruan ng hangin ang kanyang buhok. Hinayaan niyang sariwain ng tanawin ang bawat alaala niya na kasama si Khalil. Ang mga ngiti, boses, amoy, haplos at halik nito. It was a wonder to her how he was so alive inside her confused brain.
Dinukot niya ang kanyang notepad, at nagsimula nang magsulat.
December 23, first chapter.

BINABASA MO ANG
When Autumn Blossoms
General FictionWhen Autumn Blossoms Saive Menardo's life has fallen apart. Two months ago, she lost her mother. Last month, she lost her job and her boyfriend. Now, she's lost her spark-unable to write, create, or even find a reason to try. Desperate to piece hers...