Chapter 1
The Found SignMabilis na naglakad si Saive papasok sa loob ng Art Museum. Ramdam niya ang pagyakap ng malamig na hangin sa kanyang katawan nang tuluyan siyang makapasok. Napaka-init sa labas, at dagdag pa ang init ng pakiramdam matapos mag-commute.
Pagpasok niya, napansin niyang mas maraming tao ngayon kaysa karaniwan. A warm sensation crept into her chest as she realized that more people were beginning to appreciate art. Like her, they were captivated by paintings, sketches, ceramics, and all forms of artistic expression. Kaya naman nandoon siya ngayon—kahit kagagaling lang niya roon kahapon, at noong nakaraang araw pa. That place had become her refuge. Mabuti na lang at 50 pesos lang ang entrance fee.
Agad niyang tinungo ang pinakamalapit na painting. It was a fairly large piece, the dominant yellow hue catching her attention. The subjects were a curious mix—leaves, books, bottles, and stones. The title read Second Glance. Ayon sa artist, ang painting ay tungkol sa muling pagkilala ng sariling halaga sa gitna ng pagkawala nito.
Tumingin ka sa kaliwa, sa kanan, sa harapan, sa likuran, at sa itaas. Ano ang mga bagay na una mong nakita? Syempre, una mong sasabihin ay ang mga kapansin-pansin na bagay. Pero tumingin ka ulit, ano ang mga bagay na hindi mo agad napansin kanina?
Minsan, katulad ka ng mga bato, nalaglag na dahon, mga bote, o mga bagay na hindi agad napansin. Pero hindi ibig sabihin no'n na wala kang halaga. You're still there. You matter. Your existence, and wherever you are, has a massive connection to the vast entirety. Like fallen leaves that dry and turn into soil, they become the foundation for new life.
That's what 'Second Glance' is all about—finding your value at a second gaze.
Napangiti si Saive nang maalala ang mga salitang iyon mula sa 18-anyos na artist nang makausap niya ito noong nakaraang araw. She wanted to buy the artwork, but sadly, it wasn't for sale yet.
Patuloy siyang naglakad, pinagmamasdan ang mga likhang-sining na nakapaligid. Kahit nakita na niya ang mga ito nang ilang beses, art never failed to make her feel something new every time.
Sa gitna ng lahat ng masakit na nangyari sa buhay niya nitong mga nakaraang buwan, ang lugar na iyon ang naging kanlungan niya. Ang mga artwork ay tila may nais iparating, at tulad nito, gusto rin niyang maunawaan ang sarili niyang buhay. Ang tanong nga lang: buhay pa ba siya?
She was a broken artwork.
"Kailan na tayo pupunta sa Majestik VillaResort?" Hindi naiwasan ni Saive marinig ang usapan ng grupo ng mga dalaga sa gilid niya.
"Next week, game kayo?"
"Game! Para makapag-move on naman ang friend natin!" Nagtawanan pa sila bago tuluyang lumayo sa kanyang paningin.
Hindi maipaliwanag ni Saive ang biglang interes niya sa lugar na binanggit nila—Majestik VillaResort. It sounded familiar, as if she had heard of it before but never gave it much thought. She fished out her phone and typed the name into the search bar. Dozens of articles and reviews popped up. She skimmed through the glowing 5-star ratings, nodding contentedly.
For days now, she had been contemplating a vacation. Gusto niyang pansamantalang lumayo sa mga tanikala ng kanyang paghihirap. She had looked at many destinations, but none sparked her interest—until now. Her fingers worked faster than her thoughts, and before she realized it, she had already booked a week-long stay.
She sighed and shook her head. It was so unlike her to make such an impulsive decision. Usually, she was picky and calculated. What's with this place, anyway? Dahil ba narinig ko lang ang salitang 'move on'?

BINABASA MO ANG
When Autumn Blossoms
General FictionWhen Autumn Blossoms Saive Menardo's life has fallen apart. Two months ago, she lost her mother. Last month, she lost her job and her boyfriend. Now, she's lost her spark-unable to write, create, or even find a reason to try. Desperate to piece hers...