Chapter 2
The Heavy BaggagePaano ba mag-move on?
Uso pa ba ang mag-move on? Nag-mo-move on din ba ang isang cheater?Why do people cheat anyway? Sa Fb, Messenger, IG, Twitter, at kahit sa YouTube, bakit laganap ang landian? Trend na ba talaga ngayon ang cheating?
How about the cheaters? Sabay sa uso, ganon? How can they even sleep soundly despite knowing that they were the reasons of someone's sleepless and painful nights? Aware ba sila kung ano ang epekto ng kagaguhan nila sa kanilang niloko?
Walang humpay na mga katanungan ang lumukob sa isipan ni Saive. Nakasakay siya ngayon sa van kaya maging ang utak niya ay naglalakbay din. Malaya niyang natatanaw ang mga nadadaanang tanawin. Napakabilis. Tulad ng mga pangyayari sa buhay niya. Sa sobrang bilis nito, hindi siya agad nakahabol.
Tatlong araw na ang nakalipas pero hindi pa rin niya tanggap ang eksena noon sa café. Sa loob ng tatlong araw ay wala siyang ibang ginawa kundi ang sirain at sunugin lahat ng mga bagay na nag-papaalala sa kanya kay Jace. At kung maaari, gusto niya sanang isunod si Jace.
The truth was, she's still expecting a comeback. Akala niya maaayos din nila ang kanilang relasyon. Sabi kasi ni Jace ay kailangan lang nito ng space, na hanapin ang sarili. But, reality was already served in front of her, hot and fresh.
Wala na. There's no chance for them already. Tulad ng kanyang ama, sumakabilang-bakud din ang kanyang nobyo.
Ano bang meron sa kabila? Mas masagana ba ang buhay? Mas mayabong ba ang damo? Mas sariwa ba ang pananim?
How about her? Ano ang kulang sa kaniya? Hindi ba sapat ang kung ano ang kaya niyang ibigay upang punuan ang mga pagkukulang niya? Baliwala ba ang makikita sa kanya para hanapin pa sa iba ang wala sa kanya?
She couldn't escape questioning her self-worth. And for every silent answer that she received, it's killing her.
Napatawa siya nang pagak at napabuntong-hininga. She was a tragic writer, magaling siyang magsulat ng mga makabasag-damdamin na love story. Pero ngayong nalalasap na niya ito, hindi pala maganda ang pakiramdam.
On a second thought, she wanted to shift a genre, this time, horror naman. Pero parang pareho rin naman kung iisipin, dahil ang love ay nakakatakot din naman, diba? Nakakagulat. Nakakaiyak. Nakakapaligalig. Nakakabaliw.
"Am I not enough?" naisatinig niya nang wala sa oras ang tanong sa kanyang isipan.
"Okay ka lang, miss?" pagpukaw sa kanya ng babaing katabi niya.
"Dahil ba binigyan ko siya ng masyadong freedom, entitled na siya na gawin 'yon sa akin? Baliwala lang ba sa kanya ang three years?"
"Miss, kinakabahan na ako sa'yo," namumutlang pahayag ng katabi niya. "Hindi ka naman siguro diba sinasapian?"
"Palimos po? Palimos. Parang awa niyo na. Palimos ... ng pagmamahal."
"Ano?!" Dahil napahiyaw na ang babae ay nanumbalik na ang katinuan ni Saive.
Napalingon siya rito at napangiti nang alanganin. "Mind reader ka ba? Apo ka ni Charles?"
Napangiwi ang babae. "Hindi! Pero ang lakas ng boses mo. May problema ka ba? Bakit ka namamalimos?"
Naging seryoso ang mukha ni Saive kaya napaseryoso rin ang babae. Nag-abang siya dahil mukhang may sasabihin ito sa kanya na isang mahalagang bagay.
"Sana," bulong ni Saive, "...nasalanta kasi ako. Wala na akong makapitan." Biglang naawa ang babae sa kanya at tinapik pa nito ang kanyang balikat.
"Maging matatag ka lang."
BINABASA MO ANG
When Autumn Blossoms
Fiksi UmumSaive Menardo was experiencing the most agonizing phase of her life. Two months ago, her mother died. Last month, she was fired from her job, and her boyfriend left her alone. Last week, she realized that she couldn't even write something relevant...