Chapter 8

141 25 1
                                        

Chapter 8
The Seen Beauty

Mataas ang tirik ng araw sa asul na kalangitan. Malalakas ang hambalos ng alon sa dalampasigan. Kumikinang ang maputing buhangin. The beach danced gracefully with them as they cave into its majestic realm.

"Ang saya!" singhal ni Saive at napa-upo na sa cottage matapos ang walang humpay na paglangoy. Dahil sa trabaho at mga personal na gawain, matagal na siyang hindi nakapag-beach.

Napatango lang si Khalil na nauna nang umahon kanina. Pero pasimple nitong tinignan ang katawan ng dalaga. Nakasuot lang ito ng beach shorts at sando na humapit sa kurba ng kanyang maliit na katawan. Pero tulad ng nakasanayan, hanggang tingin lang ito.

Napatanaw sila sa dalawang natira sa dagat na walang pa ring humpay sa pagtampisaw, sina Alec at Kira. They played like children on their first beach outing. Suddenly, Saive remembered how she used to hang out with her friends before.

Ganoong eksena. Biglaang outing kahit saan kasama ang kanyang mga kaibigan. Childhood friends, highschool friends, college friends, friends at work. But, as time went by, they went missing one by one. They rushed the phase of their lives, and forgot the 'bonds' they once had.

"Matagal na rin bago ako nakaranas ng bonding na ganito." Uminom si Saive ng tubig. "Iniwan na kasi ako ng mga kaibigan ko."

"That was deep," Khalil commented. "What happened?"

"Ewan ko, wala naman akong ginawa. One day, they unfriended me already on socmed. Hindi na rin ako kinausap. Nagbago sila bigla."

"Ikaw ba ... hindi rin nagbago?" Napalingon si Saive sa kanya.

"Me? I don't think so. I didn't do anything, I didn't change."

"But, what if that's really the main reason behind? That you didn't do anything."

Naguluhan si Saive sa tanong ni Khalil. Hindi na siya nagtaka, dahil madalas talaga ito magsalita ng mga bagay na nagpapagulo sa kanya. He was full of surprises, even his words were. 'Yong tipong bawat salitang lumalabas sa bibig nito ay mapapaisip ka. And, somehow, Saive liked that.

"Let's just say," panimula ni Khalil, "may nakita kang batang malapit nang malaglag sa puno. Tapos tinignan mo lang ito at wala kang ginawa, hanggang sa malaglag ang bata sa harapan mo. Sa tingin mo, may kasalanan ka ba?"

"Of course!" agad na sagot nito. "Dapat tinulungan ko ang bata."

"That's the catch." He grinned. "Minsan, ang mali natin ay hindi sa kung ano ang ginawa natin; kundi sa kung ano ang hindi natin ginawa." Napatulala si Saive. "Like you said, walang kang ginawa. What if ... those times when you did nothing, you're friends were really sinking on their lives. And there, you did nothing to save them. And so, maybe, they thought you didn't care for them, and finally distance themselves. Sino ba namang gustong makipagkaibigan sa walang pake, diba?"

"Damn!" Saive snorted. Needless to say, that hit her some sense. "How could you think like that anyway?"

Khalil sighed. "People usually question others when things go wrong, and seldom question themselves."

Tinamaan na naman si Saive. "Wow, ha! Ang talim." Napatawa ito. "Ikaw ba? Do you have a lot of friends?"

Napakagat-labi si Khalil. "I ... uhm ... ako kasi 'yong bigla na lang kumalas, dahil wala namang pakialam ang mga 'kaibigan' ko. So, yeah, that's why I know the feeling. Akala nila ako 'yong nagbago. They even asked me what have they done; but they didn't know that, they did none, and that's their mistake."

Napatango si Saive. "Paano kung busy din naman sila that time? Kaya wala silang nagawa? Or hindi nila alam na lugmok ka pala that time?" She grinned. "Paano kung naging egocentric ka lang?"

Napatawa si Khalil. "Alam nila. Sinabi ko sa kanila, na hindi maayos ang estado ko. But stereotyping sucks. Dahil sanay silang makita akong matatag, akala nila hindi na ako nasasaktan. Na hindi na ako nabibigo." Itinapon nito ang bato na hawak. "Like, what the f? Kahit lalake ako, kami, nasasaktan pa rin kami. Minsan kailangan din namin ng karamay."

Napatango na lang si Saive. Hindi niya inaasahan na nakaranas pala ng ganoon si Khalil. Tama nga naman, sa unang tingin, malakas na tao siya. Matangkad, mabilog ang mga bisig, malapad ang balikat, at halatang matigas ang dibdib. Physically, he's strong. Nevertheless, he's still human. He breaks, he grieves, he needs help sometimes.

Nakita nilang marahan nang napaahon ang dalawa. Nauna si Kira habang nasa likuran naman nito si Alec.

"Ang ganda ni Kira, noh?" naitanong bigla ni Saive dulot ng pagkamangha.

Kira was wearing a beach bra and short shorts. Kumikinang ang porselana nitong balat na unti-unti nang nagiging pink. Kapansin-pansin din ang perpekto nitong kurba na inaasam ng karamihang kababaihan.

Napansin niya naman si Alec na tanging Hawaiian shorts lang ang suot. Matangkad ito kaya may kahabaan ang mga binti. Maputi rin ang kutis nito at katamtaman ang porma ng muscles.

"Beauty is subjective," sagot ni Khalil. "It is in the eye of the beholder."

"I already heard that," natatawang pagpuna ni Saive habang nakatingin pa rin sa dalawa.

"And the one where my eyes are fixed right now ... is for me ... the most beautiful scene among all."

Napalingon si Saive kay Khalil at ang sumalubong sa kanya ay ang mapupungay nitong mga mata.

When Autumn BlossomsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon