Chapter 14
The Other AutumnThree months later ...
"There!" Saive exclaimed excitedly. "Perfect." She stared at the latest painting she bought a month ago. Nag-lilinis kasi sila ng kanyang bahay at binago niya ang normal setting nito.
"Dito na lang ba 'to, ma'am? Sigurado na kayo?" tanong ng kasama niya sa bahay.
"Perfect na yan diyan, Nay." Napatingin siya sa bago niyang kwarto. She even had the whole house renovated.
"Sige, kung ganon ay papanhik na ako sa kusina upang magluto."
"Maraming salamat, Nay."
Nang mag-isa na lang siya sa silid ay tinungo niya ang malaking bintana. Hinawi niya ang makapal na kurtina at malayang binuksan ang bintana. Pumasok agad ang hangin kaya napapikit siya upang damahin ang haplos nito sa kanyang mukha.
Ilang sandali lang ay napamulat din siya. Tumambad sa kanyang harapan ang bakuran na may harden ng mapupulang rosas. For her, that view was perfect.
Three months had passed, and she didn't expect all the good things that happened to her. She got a new job, and this time, a permanent position already with a competitive salary. She moved on. She soared higher. Nakaahon na siya sa sigalot na kanyang pinagdaanan noon.
Napakunot ang kanyang noo nang tumunog ang kanyang ringtone. Hindi ito ang kompanya o ang publishing company dahil naka-set na ang ringtone ng mga ito. Sino kaya ito? Tanong niya sa kanyang sarili.
Napaarko ang kanyang kilay nang makitang unregistered ang number ng caller. Nevertheless, she still answered it.
"Who is this?" she asked instantly.
"You haven't changed your number, Saive."
She gulped and bit her lower lip. Sa loob ng tatlong buwan, o isang taon dahil nawala pala siya ng pitong buwan, ay ngayon pa lang niya narinig ang boses nito. Ngayon pa lang ito nagparamdam.
"Jace? Oh? Napatawag ka?" she asked casually.
Nakarinig siya ng kaluskos sa kabilang linya. Hindi rin nakaligtas sa kanya ang mabibigat nitong paghinga. "I-I'm s-sorry, Saive. I was wrong ... gago ako noon. Hindi ko dapat 'yon ginawa sa'yo..."
She beamed a smile. "One year right? Sa loob ng isang taon, napatawad na kita, Jace. Kaya kung napatawag ka dahil diyan, huwag ka nang mag-alala ... ayos na ako."
"Si K-Kayla? 'Yong kasama ko noon sa café, iniwan niya ako."
"Buti nga sa'yo," she bluntly said, "masakit, noh?"
Napatawa si Jace sa kabilang linya. "Sobra... not because of the fact that she left me, but because of the truth that I left you before ... when all you did was to understand me, take care of me, love me." He sighed. "Ngayon ... alam ko na kung gaano ako katanga. I'm sorry, Saive."
Napatango lang si Saive. Hindi niya maiwasang maalala muli lahat ng mga moments nilang dalawa. Jace was her first boyfriend. And for three years in a relationship, he was also her first in many things. First date. First kiss. First sex. First love. For three years, pinakaikot niya ang kanyang mundo kay Jace.
"Hey, still there?"
Napabalik ang diwa ni Saive. "Yes, still here."
"Uhm ... kakapalan ko na ang mukha ko ... are you ... still--"
She cut his words. "Available? Of course, but not for you, Jace."
"Whoah! That was so harsh. Isang taon lang, malaki na ang pinagbago mo. Akala ko magtatatalon ka sa tuwa dahil ako na itong sumusuyo sa'yo. You know, you're like that, Saive ... before."
BINABASA MO ANG
When Autumn Blossoms
Genel KurguSaive Menardo was experiencing the most agonizing phase of her life. Two months ago, her mother died. Last month, she was fired from her job, and her boyfriend left her alone. Last week, she realized that she couldn't even write something relevant...