Chapter 11
The Different FarewellIlang beses nang hiniling ni Saive na sana, paggising niya sa umaga ay wala na lahat ang bigat na dinadamdam niya.
Noong nakaraan lang ay pumanaw ang kanyang ina matapos ang ilang taong pakikipagsapalaran sa sakit na cancer. Matapos iyon ay pinatalsik siya sa kanyang trabaho na limang taon na niyang pinagtitiyagaan. Right after, Jace, her ex-boyfriend, broke up with her. Ang dami nitong idinahilan, at ilang araw lang ay nalaman niya rin ang totoo na may karelasyon na pala itong iba. Tuluyan siyang nawalan ng pag-asa nang kahit ang pagsusulat ay nilisan siya.
But, that morning was different. Gumising si Saive na may magaan na pakiramdam. Tuluyan nang naglaho ang bigat sa kanyang puso. Wala na ang puot at galit.
Napatingin siya sa kanyang bracelet at nakitang number zero na ang nakalagay doon. Nakaturo pa rin sa kanan ang arrow at kulay berde ang ilaw ng dalawang tuldok sa gilid. That reminded her of the active now in messenger.
Sunod-sunod na katok ang tuluyang nagpatayo sa kanya mula sa pagkakahiga. Inayos niya muna ang kanyang buhok bago pinagbuksan ang naroroon. It was Kira pushing a cart filled with plenty foods.
"Magandang araw, Filipinas!" bulyaw nito at nauna nang pumasok sa silid. Napatawa na lang si Saive at hinayaan ito.
She can still remember the first time she met her. Sumisigaw ito sa dalampasigan, basag at nawawala. Pero sa umagang iyon, napakapresko nito. Tila isang bulaklak sa unang segundo ng tagsibol.
"Anong drama mo?" pagpuna ni Saive. "Hindi ka pa nakuntento sa kuwentuhan natin kahapon? At noong nakaraang araw?"
"Diba ngayon na ang alis mo?" sinagot siya nito ng isa ring tanong.
"Yup."
"Wow ha!" bulyaw ni Kira nang makita ang backpack ni Saive. "Handang-handa ka na. Sabik ka, girl?"
"Baliw! Naghahanda talaga ako nang maaga."
"Aysus! Baka naman hinahanap-hanap na ng flower ang bubuyog, ano?"
"Baliw ka talaga! Huwag mo akong itulad sa'yo!"
"Pero, seryoso, masaya ako na makikita mo na ulit si Khalil. Alam mo ba ang complete name niya? Search mo agad sa FB."
"Sinabi na niya sa akin. At ... hihintayin niya ako sa port."
"No originality!" singhal ni Kira. "Plano na yan ni Alec."
Nagkibit-balikat lang si Saive at nagsimula nang kumain ng mga dala ni Kira.
"Maghihintay pa ako rito ng tatlong araw. Mag-isa lang ako." Napahawak pa ito sa kanyang dibdib na akala mo nasasaktan.
"Treple ang pagkasabik, treple rin ang action pag magkita na. Kinakabahan at naaawa tuloy ako para kay Alec."
"Grabe ka!" Napatawa lang silang dalawa. "Maawa ka rin sa akin! Ako kaya ang wawasakin!"
Aside from the two guys, they were thankful with each other as well. Hindi lang kaibigan ang nahanap nila sa isa't isa, but a sister too.
"Himala! Walang gatas!" bulyaw ni Saive nang mapagtanto niyang wala ngang gatas sa tray.
"Iba na kasi ang gatas na hinahanap-hanap ko. 'Yong sticky na."
Saive rolled her eyes. "May alipunga talaga dila mo, noh? Uminom ka kaya ng holy water."
Kira laughed. "I'm sorry, Lord. Amen."
That noon was different. For the first time after her downfall, somebody was bidding her a nice farewell.
"Huwag mo akong kalimutan, ha?" Umaktong napasinghot pa si Kira. "Magsulat ka, Saive."
"Seriously, Kira? Hindi na ako magtataka kung bakit pinagtaksilan ka ng best friend mo."
"Ganon? Seryosohan? Ayaw paawat? Personalan?"
Saive laughed. "I can't wait to see you again, Kira. We'll bond together in the city. Magpapakalasing tayo, I swear! Pupunta tayo ng Bovi Beach, Palralan Cave, at kung saan-saan pa man."
"I'm getting excited! Pero mas nakaka-excite kung libre mo."
"Ambisyosa! Napatalsik nga diba ako sa trabaho!"
"Hello? Estudyante pa lang kaya ako. At sa dami ng sinco ko ay malamang hindi ako makaka-grad this school year."
"Bulakbol pa more. Landi pa more."
"Personalan na talaga!"
"It's already time to go," malamig na wika ng lalaking sumundo rin noon kay Khalil. Nasa unahan lang kasi nila ito naghihintay.
Wala nang nagawa ang dalawa kundi ang maghiwalay na. Tinanaw na lang ni Kira ang paghakbang ni Saive paalis.
"How was your stay, ma'am?" tanong ng lalake.
Kahit malamig ang boses nito ay napangiti pa rin si Saive nang maalala ang mga nangyari sa lugar na iyon.
"It was magical, and perfect. Thanks to this place." Napatango lang ang lalake.
Napatigil sila sa harapan ng bangka. Nagulat si Saive nang tanggalin ng lalake ang suot niyang bracelet.
"Do you believe in magic, ma'am?"
Naguluhan si Saive pero napatango na lang siya. Deep inside, she knew that, magic exists.
"You will leave, and you will carry nothing but memories in this place while this bracelet is in your wrist."
"What do you mean by that?"
"It means, ang pag-uusap nating ito ay unti-unti ring mabubura sa paglalakbay mo pabalik sa normal mong mundo."
Normal na mundo? Sumabog ang pagtataka sa isipan ni Saive. Hindi niya masabayan ang pinagsasasabi ng lalake.
"Miss, parallel universe exists. And M.A.P. is one of the places that exists between the parallel boundaries. Souls coming from both dimensions can freely interact here." Saive gasped. She was petrified. She didn't get the proper reaction to flash. Totoo ba ang sinasabi ng lalaking kaharap niya?
"This one." Itinuro ng lalake ang arrow sa bracelet. "It shows from what dimension you came from." He grinned. "And these two dots here, show your current existence in both dimensions. Green for alive, and red for ... dead."
Napanganga lang si Saive. Walang boses na lumabas sa kanyang lalamunan. Bigla niyang naalala ang bracelet na suot ni Khalil. Nanigas at nanlamig ang kanyang katawan. Nanginig ang kanyang kamay. Unti-unti nang naging magulo ang isipan niya. Hanggang sa mapagtanto niyang hindi na niya kontrolado ang kanyang katawan.
Kaya naman ay wala siyang nagawa nang magsimula nang maglandas papunta ng bangka ang kanyang mga paa.
"You will forget uncessary facts, miss. You will forget the surnames, the personal affiliations of the people you met here, and even what this bracelet means. All you can remember are only their faces, their voices, their first names, this place ... this autumn."
Hindi na makasagot si Saive. Napa-upo na lang siya sa bangka dahil may kung anong enkantasyon na kumokontrol sa kanyang katawan ngayon.
"I am Infinity, and I own this place. Thank you for staying with us. Have a safe journey, Miss Saive Menardo of Right Dimension."
At sa pagbigkas nito ng kanyang pangalan, ang siyang pagsara ng mga talukap ni Saive.
That farewell was different. With Infinity smiling genuinely, darkness invaded her realm.
BINABASA MO ANG
When Autumn Blossoms
General FictionSaive Menardo was experiencing the most agonizing phase of her life. Two months ago, her mother died. Last month, she was fired from her job, and her boyfriend left her alone. Last week, she realized that she couldn't even write something relevant...