Chapter 16

161 26 3
                                    

Chapter 16
The Truthful End

"Nandito na po ang tubig, ma'am." Inabot ng staff ang bottled water.

"Hindi tubig ang kailangan namin, but a hard system-shacking alcohol." Si Kira at inirapan pa ang stuff.

"And you are?"

"Sorry," singit ni Saive, "she's with me." Pasekreto niyang kinurot si Kira.

Agad nang nagpaalam si Saive at kinladkad si Kira palabas ng museum. Nang makarating sila sa parking space ay pumasok na sila sa kotse ni Saive.

"Wow! Yayamanin!"

"Gaga! Hindi pa 'to fully paid." Pinaandar na ni Saive ang kotse.

Ilang minuto lang ay nakarating na sila sa isang restaurant.

"Akala ko sa bar?"

"Manahimik ka." Umupo na sila sa isang pribadong silid ng restaurant. "Now, tell me everything."

Biglang naging seryoso ang mukha ni Kira. Napabuntong-hininga siya at napailing.

"Tsk. Wala na akong kawala."

Isang araw. Iyan ang naka-display sa bracelet ni Kira. Bukas na ang alis niya sa MAP. Kaya naman ay sinulit na niya ang kanyang huling haraw. Lumabas siya ng villa at nag-beach mag-isa.

She's getting thrilled of coming back, because she knew that someone was waiting for her. Alec was waiting for her.

Bigla siyang kinilig nang maalala niya ang pangako nitong proposal. She loved Alec, despite how short the days they shared. And somehow, she could feel the assurance that he felt the same for her.

Umahon na siya sa beach nang makaramdam siya ng pagod. Napatingin siya sa paligid. Nadagdagan ang bilang ng guests dahil may mga bagong dating kahapon. At sa bawat dumadating, may umaalis. Isa na si Kira, bukas na ang alis niya.

Napasinghap siya nang may biglang humablot sa kanya nang lumiko siya sa lobby. Masyado siyang nagulat kaya hindi na siya nakaangal pa. Nalaman na lang niya na dinala na siya nito sa loob ng isang pribadong silid.

Napatingin siya sa babaeng humila sa kanya. "Gretel?" Napailing siya. "Right. Hindi ka pala si Gretel. Kamukha ka lang niya."

Napailing ang babaing staff. "Kira, this is me ... Gretel."

Napanganga si Kira. Hindi siya makapaniwala. "Holy shit! Nawawala ka, diba? For many years, you're still not found." Gretel was her highschool classmate.

"Nawala ako sa mundo natin dahil dito talaga ako nabibilang." Gretel sighed. "This is my place, my home. I chose to stay here."

Napakamot si Kira sa kanyang noo. "I'm sorry, pero 'di ko gets. Kung nagtatrabaho ka pala sa resort na ito, bakit hindi ka nagsabi?"

Gretel shook her head. "Kira, this place is not ordinary. Hindi ito isang normal na resort."

Napakunot ang noo ni Saive. "Is that how you play your advertisement? Business talk lang ang drama?"

When Autumn BlossomsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon