Chapter 4
The Remembering RoseMas isiniksik pa ni Saive ang maliit niyang katawan sa malambot na kama at unan. Ngunit dahil sa sinag ng bagong gising na araw ay tuluyan nang napamulat ang mga mata niya.
She was surprised when she was welcomed by an unfamiliar setting, but it only lasted for a few seconds though, as she instantly regained the happenings yesterday.
Napatayo na siya at agad na inayos ang wavy niyang buhok. Inilibot niya ang paningin sa kabuoan ng silid. Tama lang iyon para sa isahang occupant. Kapansin-pansin ang floral-designed wall at ang makakapal na mga kurtina sa malalaking bintana. Ang bahagi na kinatatayuan niya ay mayroong makapal at malambot na carpet na masarap ikiskis ang talampakan. May nakasabit na malaking painting sa entrance wall at dalawang vase sa bawat gilid nito.
Pumanhik na siya sa comfort room at agad na inayos ang sarili sa harap ng malaking salamin sa lavatory. Mabuti na lang at sa backpack nakalagay ang mga personal niyang kagamitan kaya hindi iyon natangay ng dagat katulad ng duffel bag niya.
Kahapon ay nakatulog siya agad matapos basahin ang booklet na ibinigay sa kanya ng receptionist. Hindi na nga siya nakapag-dinner. Kaya naman ngayon ay hindi niya maikakaila ang pagkalam ng kanyang sikmura. Binilisan na niya ang kanyang kilos. Nagbihis siya agad. Isang floral dress.
Lumabas na siya ng silid at napasinghap siya nang magkasalubong sila ng lalaking nasa kaharap na silid. Ang lalake kahapon.
Dahil mas maliwanag na ngayon ang paligid ay mas nadepina ang mukha nito. Nahalata agad ni Saive ang maliit na nunal sa ibabang bahagi ng labi nito. Ang kaliwang mata nito ay medyo singkit kumpara sa kabila.
"Uhm..." Hindi maiwasang maamoy ni Saive ang mabango nitong hininga. "Coffee?" Ngayon pa lang niya napansin na dalawang tasa ng kape ang hawak ng lalaki.
Napangiti si Saive at marahang tinanggap iyon, dahan-dahan upang hindi mahalata ang panginginig ng kanyang kamay. She was nervous.
"Thanks." Bakit nag-abala pa itong ipagtimpla siya ng kape?
"Are you going to the dining hall?" the guy asked.
"Yes. I'm famished."
Napatawa ang lalake. "Sabay na tayo, papunta rin ako doon."
Hindi na nakapalag si Saive. Napasunod na lang siya sa lalake. Ilang sandali lang ay nakarating na sila sa malaking hall na kinaroroonan ng iba't ibang putahe ng mga pagkain. She was surprised. It was like a huge feast.
Pumunta na sila sa counter at pumili na ng kanilang kakainin bago umupo sa bakanteng lugar.
"The expression on your face," the guy said, "I got the same when I first came here."
Napatikhim si Saive at inayos ang kanyang postura. Nagmumukha na pala siyang timang nang hindi niya namamalayan. Sino ba namang hindi? Sa halagang 5k ay hindi niya inaasahan ang engrandeng lugar na ito. Take note, food service was free. And her clothes were, as well.
"Ilang araw ka na rito?" tanong niya habang nakatingin sa bracelet nito na may numerong 4 na ngayon. Samantalang ang sa kanya ay naging 6 na.
Sa bawat paglipas ng araw ang siyang pagbawas ng numero sa kanilang bracelet.
"I've been here for six days already." The guy flashed his bracelet. "And, I only got four days left ... Yeah, a 10-day vacation."
Saive nodded. "What's with that arrow? Why is it pointing left?" she asked. "And those dots, bakit kulay pula ang isa?"
The guy chuckled. "Have you looked for it on the booklet?"
Napatango si Saive. "Pero wala naman akong nakitang tungkol diyan." Kahapon pa siya interesado sa bagay na iyon.
BINABASA MO ANG
When Autumn Blossoms
General FictionSaive Menardo was experiencing the most agonizing phase of her life. Two months ago, her mother died. Last month, she was fired from her job, and her boyfriend left her alone. Last week, she realized that she couldn't even write something relevant...