Isang lalake ang prenteng naglalakad papasok ng elevator. Nakasuot ito ng facemask at face shield.
Sinong mag-aakala na sa pagbabalik niya ay ibang-iba na pala ang Pilipinas? Hindi lang ang Pilipinas kundi ang buong mundo. Lahat ay binago ng hagupit ng CoViD-19 na nagsimula sa bangsang China.
Nang bumukas na ang elavator ay mabilis siyang lumabas at pumasok sa isang malaking opisina. Nadatnan niya roon ang isang lalake na naka-upo habang may hawak na papel.
"Oh! Khalil, you're here, at last," wika ng lalake. Siya ay si Gerard, ang CEO ng Diamond Peak Hotel, matalik na kaibigan ni Khalil.
"May resulta na ba?" tanong ni Khalil.
Dalawang buwan na simula nang makabalik siya sa Pilipinas mula sa Middle Autumn Peak na kung saan ang akala niyang sampung araw na pamamalagi, ay sampung buwan pala.
Dalawang buwan na rin siyang walang humpay sa paghahanap sa babaeng hinahanap-hanap palagi ng kanyang diwa at puso, si Saive. Wala itong bakas sa kanyang mundo, na lubos niyang pinagtaka.
Mabuti na lang ay marami ang koneksiyon ni Khalil. Gamit ang ballpen niya na minsan nang pinagamit niya kay Saive, ay pina-trace niya ang fingerprint nito.
"Luckily,"Gerard sighed, "may nag-match sa wakas."
Namilog ang mga mata ni Khalil. Hindi niya agad iyon na-absorb. Pero nang tuluyan na niyang nakuha ang impormasyon, hinablut niya ang papel na hawak ni Gerard.
Napakunot ang kanyang noo nang sumalubong sa kanya ang hindi pamilyar na mukha.
"Nag-match sa kanya ang fingerprint na nasa ballpen mo. She's Savrina Meliasach, an international model. According to our source, she's also a writer. She has published several books already."
Napakagat-labi si Khalil. Hindi man magkapareho ang hulma ng mukha nito kay Saive ay pareho kung mangusap ang kanilang mga mata. Pinakli niya ang papel at doon niya nakita ang litrato nitong naka-two piece. Napako ang paningin nito sa likuran ni Savrina.
Isang birthmark na parang nalapnos ng apoy. Katulad nang kay Saive na minsan na niyang nasilayan.
Hindi siya makapaniwala. Tulad ng dalawang buwang nagdaan, wala na naman siyang maintindihan sa nangyayari. Kulang na lang ay sumabog na ang kanyang ulo.
"Oh!" Gerard exclaimed. "Here he comes."
"Who?"
"The one and only, Alec Bonievo, ang magbibigay kulay sa aking hotel sa pamamagitan ng kanyang talento."
Nanlamig ang kalamnan ni Khalil sa pangalang narinig. Dahan-dahan, nilingon niya ito.
Para siyang binuhusan ng nagyeyelong tubig. Ang lalake namang nakasuot ng puting T-shirt at ripped jeans ay napatigil na tila ba nakakita ng multo.
"Alec?"
"Khalil?"
"What the heck?! Ikaw nga!"
Tinapik nila ang balikat ng isa't isa. Muli silang nagtagpo. Hindi sila makapaniwala. Kung ganoon ay totoo ang mga naganap sa Villa at hindi isang panaginip o imahinasyon lamang.
Pero tulad ni Khalil, naguguluhan din si Alec sa mga naganap.
"May nakita ka bang Saive?"
"Wala. Eh, ikaw? May nakita ka bang Kira?"
"Wala."
BINABASA MO ANG
When Autumn Blossoms
Aktuelle LiteraturSaive Menardo was experiencing the most agonizing phase of her life. Two months ago, her mother died. Last month, she was fired from her job, and her boyfriend left her alone. Last week, she realized that she couldn't even write something relevant...