#2

18 3 0
                                    

Bakit nga ba ako nagsusulat?

Bakit nga ba ako nagsusulat
Para ba maging tanyag at para ba sumikat ?
Bakit? Bakit pa ba pinipilit na tumula
Kahit alam kong hindi naman pinapakinggan ng madla?

Hindi naman atensyon ng lahat ang nais ko
Hindi naman papuri nila ang dahilan kung ba't ba sumusulat ako
Hindi ko kailangan ng komento na kesyo "napakahusay ko"
At mas lalong hindi ko ginagamit ang pluma sa ikakatanyag ko.

Ano nga ba ang dahilan kung bakit lumalakad parin ang pluma?
Ano nga ba ang dahilan kung ba't patuloy na kumakatha?
Ano ba ang papel ng panulat ko sa nakaabang kong hinaharap?
Anong kapalaran ba ang aking malalasap?

Mga tanong na paulit ulit na sumasagi sa isip,
Bakit nga ba ako nagpapatuloy sa pagsulat?
Bakit pa ba ako nananaludtod at umuukit ng pamagat?
Sa dinami dami ng gawain,ba't ito pa ang naging hilig?

Dapat bang manahimik na lang kung walang nakikinig?
Dapat bang itahi nalang ang matabil kong bibig?
Ewan ko, kahit piliting pahintuin ang plumang naglalakbay
Ay patuloy parin sa paglakad ang aking mga kamay.

Bakit ba? Bakit pa ba nagsusulat?
Bakit pa ako nagpapatuloy na umukit ng pamagat?
Pero isa lang ang alam kong matagal nang nasa dibdib
Susulat ako't tutula kahit walang nais na makinig.

Una Mezcla de LetrasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon