PROLOUGE
Naranasan niyo na ba ang minsang masaktan? O ang may itinatagong sakit at kalungkutan?
Nasubukan niyo na bang ilabas ang sakit na inyong nararamdaman o ang panatilihin ito sa damdamin ninyo at walang nakakaalam ng ano mang sakit na inyong dinadala?
Mahirap ang masaktan hindi ba? Pero hindi ba mas mahirap kung palagi kang nasasaktan?
Madaling ilabas ang sakit hindi ba? Pero mahirap itago ang sakit na gusto mong ipakita kahit sa iyong dalawang mata..
"Ayokong makikita kang nasasaktan, dahil ang puso mo ay puso ko... Masaktan ka, masasaktan ako.."
Paano kung ganyan ang sabihin sayo ng taong mahal mo? Ipapakita mo pa rin bang nasasaktan ka kung sa sakit na makikita nya mula sayo ay ganun din ang sakit na mararamdaman niya?
"Ang puso mo, puso ko pero ang buhay mo, ay ang buhay ko.. Wag kang mawawala.. Mahal kita.."
Mahirap man, kakayanin niya..
Masakit man, magpapakatatag siya..
Lahat ng hirap at sakit, maitatago nya, para lang sa taong mahal niya na ayaw na makitang nasasaktan siya..
-----------------------------------------------------
Ok pagpasensyahan ang prolouge ko? Haha. Ok naman diba? Diba? Sige na please payag na kayo. ^^ Pangapawang story ko to na gagawin ko.. Para sa inyo. Sana ma enjoy ninyo! ^^