Pains...

33 1 0
                                    

"Heto ang gusto kong isuot mo, mas bagay ito sa iyo.." Mula sa dalawang dress na binili namin kanina, pinapili niya ako, pinili ko yung color pink at floral na dress. Mas maganda at magmumukha talaga syang prinsesa..

"Ayaw mo ng white? Maganda din ito. Simple"

Kahit kaylan ang simple talaga niya. Simpleng ganda, simpleng pananamit.

"Sa tingin ko mas bagay sa iyo ang napili ko, bagay iyan sa maganda at maamo mong mukha"

Tumabi siya sa akin sa higaan niya. Mula sa pagkakahiga ko ay nahiga na din siya at niyakap ako.

"Iloveyou.. Hindi ka ba nagsasawang palagi akong kasama sa birthday ko?"

Nangiti ako at umiling..

"Hindi mangyayari yun noh. Paano tayong sabay na tatanda kung makasama ka lang sa birthday mo nagsasawa na ako?"

"Siguro dapat masanay ka din ng hindi sa lahat ng kaarawan ko makakasama mo ako"

Sa sinabi nyang yun parang gustong pumatak ng mga luha ko. Madrama na ba ako?

"Ayokong makikita kang nasasaktan, dahil ang puso mo ay puso ko... Masaktan ka, masasaktan ako.."

Dahil sa sinabi niyang iyan mas lalong gustong kumawala ng mga luha kong kanina ko pa pinipigil. Pero katulad nga ng sinabi niya, ayaw kong masaktan siya dahil lang sa sakit na nararamdaman ko.

"Ang puso mo, puso ko pero ang buhay mo, ay ang buhay ko.. Wag kang mawawala.. Mahal kita.."

Sa sinabi kong iyon mas lalong humigpit ang yakap niya. At tanaw na tanaw ko ang dahan dahang pagpikit niya..

----

Bigla akong nabalik sa katotohanan ng maramdaman kong dahan dahang lumuluwag ang pagkakayakap niya..

Masyado yata siyang napagod? Mahihimbing na naman ang tulog nya..

Pero bakit bigla na lang akong kinabahan.. Hindi ko marinig ang paghinga niya..

Mula sa pagkakabitiw niya sa yakap ko doon na pumatak ang luha ko. Alam ko. Hindi naman ako pwedeng magtangatangahan. Mas masasaktan ako.. Kaya pala hindi niya magawang mangako sa akin na wag akong iwan. Kasi iiwan din pala niya ako. Akala niyo ba wala lang sa akin ngayon? Nakayakap lang ako sa kanya dito sa higaan niya at hindi ko na madama ang paghinga nya. Humagulgol na ako sa pagiyak. Hindi ko kaya ang mawala siya. Bakit biglaan naman? Sobra na ba yung pagsasama namin? Bakit para sa akin kulang na kulang pa? Hindi pa kami nakakabuo ng pamilya. Pinagkakait ba sa amin ang kagustuhan namin na yun? Bakit hindi kami pinagbigyan! Bakit! Nagagalit na ako. Naiinis. Parang gusto kong sisihin ang nasa itaas. Pero hindi maaari. Siya ang nagbigay ng buhay dito, at dapat lang din na siya ang kumuha nito. Ako? Kelan niya ako kukunin? Ayokong mahirapan ng ganito. Ayokong masaktan ng ganito? Ilang taon pa ako magdudusa sa pagkawala niya?! Kapag tumanda na ako?! Bakit hindi na lang din ako mamatay?! Bakit hindi na lang din ako nagkaroon ng leukemia?! O bakit hindi na lang ako ang nagkaroon ng sakit kesa sya! Mahirap, masakit at nakakabaliw isipin na yung taong pinakasalan mo na, at nakuha mo na. Kulang pa pala.. Hindi pa kami nakakabuo ng pamilya. Tama ba ang sinabi nilang LAHAT NG BAGAY MAY PURPOSE? May dahilan kung bakit nangyayari?! Pero paano na lang yung dahilan kong mabuhay kung wala na siya?! Kakayanin ko ba?! Purpose pa din ba yung pagkawala niya?! Para ano?! Para saktan ako ng ganito?! Dahil sinira ang pangarap ko! Sinira ang pangarap kong makasama siya sa pagtanda?! Ano?! Bakit?! Bakit?!!!! Yang lintik na purpose purpose na yan! E kaya nga ako na buhay dito sa mundo e! Para makasama ko siya! Yun lang! Pero pinagkait pa! Bakit ang sama sa akin ng tadhana?! Ng Diyos?!!!! May nagawa ba akong masama?! Bakiiittt?!!!

Yakap yakap ko pa rin siya, kasabay nun ay ang paghagulgol ko. Nanlalabo na ang mga mata ko. Pero kitang kita ko pa rin ang pagkawala niya. Ramdam ko ang hindi niya paghinga. Kaya mas lalo akong napapaiyak at napapasigaw!

Nagagalit ako. Nagagalit. Hindi ko na kayang ibalik ang panahon. O kung pwede lang ako na ang magbago ng panahon ginawa ko na. Wala na akong magagawa..

Mahal na mahal kita...

--------------------------------------------

Play niyo po yung song na HOW DO I LIVE. Kung meron man. Hehe. ^^

THE PAIN INSIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon