White

82 2 0
                                    

"Heto ang gusto kong isuot mo, mas bagay ito sa iyo.." Mula sa dalawang dress na binili namin kanina, pinapili niya ako, pinili ko yung color pink at floral na dress. Mas maganda at magmumukha talaga syang prinsesa..

"Ayaw mo ng white? Maganda din ito. Simple"

Kahit kaylan ang simple talaga niya. Simpleng ganda, simpleng pananamit.

"Sa tingin ko mas bagay sa iyo ang napili ko, bagay iyan sa maganda at maamo mong mukha"

Tumabi siya sa akin sa higaan niya. Mula sa pagkakahiga ko ay nahiga na din siya at niyakap ako.

"Iloveyou.. Hindi ka ba nagsasawang palagi akong kasama sa birthday ko?"

Nangiti ako at umiling..

"Hindi mangyayari yun noh. Paano tayong sabay na tatanda kung makasama ka lang sa birthday mo nagsasawa na ako?"

"Siguro dapat masanay ka din ng hindi sa lahat ng kaarawan ko makakasama mo ako"

Sa sinabi nyang yun parang gustong pumatak ng mga luha ko. Madrama na ba ako?

"Ayokong makikita kang nasasaktan, dahil ang puso mo ay puso ko... Masaktan ka, masasaktan ako.."

Dahil sa sinabi niyang iyan mas lalong gustong kumawala ng mga luha kong kanina ko pa pinipigil. Pero katulad nga ng sinabi niya, ayaw kong masaktan siya dahil lang sa sakit na nararamdaman ko.

"Ang puso mo, puso ko pero ang buhay mo, ay ang buhay ko.. Wag kang mawawala.. Mahal kita.."

Sa sinabi kong iyon mas lalong humigpit ang yakap niya. At tanaw na tanaw ko ang dahan dahang pagpikit niya..

Naiwan akong nagiisip...

24 na siya sa susunod na linggo. Ilang taon ko na ba sya kasama sa birthday nya? 23 din. Oo 23 din. At mag 24 na. Ang mga magulang namin ay magbe-bestfriend, kaya noong mga baby pa lang kami madalas kami niyang pinagtatabi, kaya lang matanda ako ng dalawang taon sa kanya. Noong unang pasok namin sa school, magkaklase pa kami, elementary hanggang highschool. Nagtataka ba kayo kung bakit magkaklase kami? Dapat nauna akong magaral sa kanya, pero sabi ng mga magulang niya ay hintayin ko na daw siya makapag kinder para sabay kami magaral at mababantayan ko siya dahil ako ang mas matanda ng dalawang taon sa kanya. Ang weird noh? May topak ang mga parents namin. Pero syempre joke lang. Hindi ko pinanghihinayangan yung dalawang taon na sana graduated na ako. Noong college same school pero magkaiba kami ng course. Architecture ako, HRM sya.

Nakalimutan kong magpakilala.

Ako si Kaizer Dela Cruz, 26 years old. Nagiisang anak, dahil ang sabi ng mommy ko mahirap daw manganak. Ang Daddy ko ayaw na din ng isa pang anak. Ang weird talaga noh? Hindi naman ako pasaway. Hindi nga ba? Pero gusto ko ng kapatid. Sabi ng iba kapag sinasabi ko yun, andyan naman daw si Kaila Fernando. Pero sabi ng puso ko, ayaw ko. Bakit? Simple lang ang sagot dyan. Dahil MAHAL ko siya.. MAHAL na MAHAL ko siya. Higit sa kapatid. Kuha nyo na? Dahil gusto kong siya ang aking maging asawa, yung makakasama mo sa pagbuo ng sariling pamilya, at higit sa lahat, tatanda kasama nya. Teka, kilala niyo na ba kung sino tinutukoy ko? Hindi pa noh? Sino nga ba siya? Siya lang yung babaeng kasama ko ngayon.. Teka rephrase ko ha, 'SIYA YUNG BABAENG KASAMA KO NGAYON' Hindi siya dapat nila-LANG. Para sa akin siya ang kayamanan ko. Pero syempre hindi lang siya basta kayamanan, siya si KAILA. Ang babaeng nakapagpabihag sa puso ko, ang kaisa isang babaeng minamahal ko, iniingatan ko at PINANGARAP ko. Past tense na ba? Kasi yung dating pinapangarap ko, ngayon nasa akin na. Limang taon siyang naka engaged sa akin, at pinakasalan ko siya ngayong taon din na to..

Bumabalik sa ala ala ko ang mga pinagsamahan namin.. Araw araw ko yung binabalikan. Pero hindi ako magsasawang balik balikan yun dahil iyon lang ang pinakamasayang alaala na nangyari sa buhay ko..

-------------------------------------------

Ang kwentong ito ay puro kadramahan ha. O yung mga ayaw sa drama at nakokornihan wag na lang basahin. ^^ Haha. Para naman sa ibang gusto pa din ito basahin sige enjoy at maraming maraming salamat! ^^ Mag comment po sana, mag vote.. Hihi. ^^

THE PAIN INSIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon