Ilang buwan ang lumipas ng huli akong mag propose sa kanya. Sa totoo lang masyado akong nagiging busy netong buwan na ito.. Kaya minsan hanggang pagttxt lang ako sa kanya pero hindi nagtatagal iyon.
Hanggang gabi ang pasok ko kaya naman matapos sa school ay inaautupag ko ang mga plates ko. Nakakapuyat. Ilang araw din akong napupuyat.. Ang sakit pa sa ulo. Pero unti unti din akong nasasanay.. Ganito talaga pag Architecture ang kinuha mong course. Akala mo dati hindi totoo yung sinasabi nilang walang tulugan. Pero totoo nga. Minsan inaabot ako ng alas singko ng umaga kakagawa ng plates ko..
Konting mali mo lang, kapag hindi iyon nabura uulitin mo sa pinaka umpisa. Kaya dapat sa paggawa ingat na ingat, sukat na sukat at hindi basta basta sulat ng sulat. Kaya minsan kapag nagkakamali ako naiirita talaga ako at minsang gusto ko ng sumuko. Pero naiisip ko na gusto kong makapagtapos para sa kinabukasan ko, sa kinabukasan namin ni Kaila.. Nagttxt sya sa akin na bakit daw ba hindi na ako pumupunta sa kanila, ipinapaliwanag ko naman kaya naiintindihan niya ako..
Ilang araw lumipas ng matapos ko ang plates ko. Sa wakas mapapahinga na din ako.
Pero pagkapasa ko, inaya ako ng kaklase ko na gumimik dahil sa natapos naman na daw namin ang ginagawang plates.
Pero tumanggi ako. Pero syempre papayag ba silang hindi ako sumama? Pinilit nila ko kaya sa huli napasama na nila ako..
Nasa bar kami ngayon. Heto naman ang natural na tinatambayan ng mga college e.
Pinapainom nila ako. Ayaw ko pero pilit sila ng pilit. Bakit nga ba hindi ko subukan? Nakakahiya baka naiinis na sila kakapilit sa akin. Para naman akong babae nyan. Kaya sa huli napainom ako. Umiinom naman ako pero tuwing may okasyon lang. Pero ngayon mukhang nahihilo na ako ang dami kong nainom. Pero hindi pa ako lasing.. Nagulat na lang ako ng may biglang lumapit na babae sa akin at inakbayan ako.. Nahihilo na talaga ako kaya napasandal ako sa lamesa. Pero naramdaman kong hinawakan niya yung ulo ko at sinandal sa balikat nya..
*click
Isang flash ng camera ang nakita ko. Inaagaw ko sa kasama ko yun pero ayaw niyang ibigay. At dahil sa hindi ko na kaya umuwi na ako..
Nag ri-ring ang cellphone ko..
Si Kaila tumatawag.. sinagot ko ang tawag nya..
"Nasaan ka ba? Namimiss na kita.. hindi na kita nakikita..." malungkot ang boses nya. Naguiguilty naman ako. Na sana yung paggimik ko kanina ay inilaan ko na lang sa kanya. Kinakalimutan ko na yata sya.
Pumunta ako sa kanila. Buti na lang wala ang parents niya nagpunta daw sa lola niya..
Pumasok ako sa kwarto niya..
"Lasing ka!" Pinuntahan niya ako sa pintuan at inalalayan pahiga sa higaan niya..
Niyakap ko sya kaya nasa ibabaw ko siya..
"Namiss kita.." sabi ko pero parang nainis siyang umalis sa pwesto at naupo sa kama..
"Alam mo Kaizer naiintindihan ko kung busy ka sa plates mo. Pero ngayon paano mo ipapaliwanag yan?"
Niyakap ko siya sa likuran niya..
"Sorry.. sorry.. Niyaya ako ng mga kaklase ko. Nakailang tanggi na nga ako pero pinilit nila ako. Pati paginom ayoko sana pero mapilit talaga sila.."
Tinanggal niya pagkakayakap ko at nahiga na sya patalikod sa akin.. Hinarap ko sya sa akin at hinalikan ko sya.. Wala naman syang pagtutol don. Hanggang sa mahubad ko ang pangitaas niya.. Dahan dahan kong hinaplos ang katawan niya at masuyo siyang hinalikan sa leeg niya.. Nung ibababa ko na sa dibdib niya ay pinigilan niya ako..
"Matulog na tayo ok? Lasing ka na." Hindi ako lasing.. Alam ko yung ginagawa ko.. Pero irerespeto ko siya.. may tamang panahon.. yun ay kapag kinasal na kami.. Kaya sa huli nahiga na lang ako at natulog na..
"Iloveyou Kaizer, sana wag ka magbago.." Yun ang huling nadinig ko sa kanya.. Nakapikit ako pero gising pa naman ako.. Nagbabago na ba ako?
----------------------------------------------
Aaawwww.