Gifts

29 1 0
                                    

Dalawang taon na kami..

2nd year College na kami.. Ang bagal ng oras noh? Gusto ko ng bumuo ng pamilya kasama niya.. Pero kailangan ko syempre magaral ng mabuti, gusto kong may trabaho ako bago ko siya pakasalan..

Malapit na ang debut niya..

Isa na syang ganap na dalaga..

Ang saya kasi nasubaybayan ko ang paglaki niya.. Nakasama ko siya sa bawat kaarawan niya. At ngayong taon na to gaganapin ang debut nya at ako ang escort niya. Hindi na ko makapaghintay. Mas nae-excite pa nga yata ako sa kanya e.

"Ano ang gusto mong gift sa debut mo?" Tanong ko sa kanya, nakaupo kami sa Garden ng school namin..

"Yung makasama lang kita ok na!" Tapos ngumiti siya at pinisil pa yung pisngi ko. May nagbago naman sa kanya. Mas lalo siyang naging sweet..

"Hmmm. Syempre lagi mo naman ako nakakasama. Dapat yung iba naman.."

"Dapat hindi mo ko tinatanong nun noh. Ikaw bahala kahit ano lang ok lang sakin.."

"Hmmmm. Madami akong gift sayo.."

"Ano naman yun?"

"Hmmm. Secret kaya nga gift e. Hahaha"

"Ang gulo mo. Kanina tinatanong mo ko hmmp."

Tapos nag cross arms at nag pout pa siya. Nilapit ko ang mukha ko sa kanya.

"Gusto mo bang malaman?"

"Oo.."

"Ibibigay ko na ngayon?"

"E bakit ngayon e hindi ko pa birthday."

"E syempre marami akong gift. Yung pinakamaganda kong gift sa birthday mo na.."

"Ahmmm.. sige!"

Bigla ko siyang kiniss. Sa cheeks pa lang naman. Ano ibig ko sabihin sa PA? haha. Nagulat sya sa ginawa ko kaya kinurot na niya ulit ako sa pisngi ko. Pero hinwakan ko yung kamay niya at hinalikan iyon. Matapos ay hinawakan ko ang baba niya at kiniss ko sya ng madami. Puro smack..

"Ayan yung mga gift ko.."

"Oo nga ang dami nga!" Sabay tawa nya.

"Pero may roon pa.."

Lumingon sya sa akin kasabay nun ang paglapat ng labi ko sa labi niya.. Matagal yun. Hindi lang basta smack. I torridly kissing her..

"Iloveyou Kaila.. And I will always love you..."

"Iloveyou more my one and only Kaizer!" Tapos niyakap na niya ako at niyakap ko din siya.

PDA ba kamo? Hmmm. Wala naman halos students dito e. Meron man sa gilid gilid pero magkakarelasyon man tulad namin. Haha.


---------------------------------------------

^^

THE PAIN INSIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon