Promise?

36 1 0
                                    

Nasa mall kami ngayon. Mamimili ng damit na susuotin niya para sa magaganap na birthday niya..

"Wow ang ganda nito." Hawak niya ang isang white dress..

May nakita akong pink na dress na floral at yun ang kinuha ko..

"Maganda din ito bagay ito sa iyo.."

Kinuha niya parehas ang dress at binili iyon..

Umuwi na din kami matapos naming kumain dahil hindi pwedeng napapagod si Kaila..

Nasa Garden kami ngayon..

"Alam mo ang bilis ng panahon.." sabi niya sa akin, nakaupo kami sa upuan na swing at nakahiga ako sa hita niya..

"Oo nga e.. Dati rati nababagalan ako sa panahon para lang makabuo na tayo ng pamilya. Excited na excited kaya ako nun."

Natawa naman siya sa sinabi ko..

"Hmm ako man noh gustong gusto ko na nga ikasal tayo e ngayon naman madaling madali kang pinakasalan ako!"

Natawa naman kaming dalawa sa sinabi niyang yun. Totoo naman. Madaling madali akong pinakasalan siya noh..

"Kaizer.."

"Hmmm?"

Humarap ako sa kanya..

"Pagnawala ba ako, magpapakasal ka sa iba?"

Bakit ba nasaktan ako sa sinabi niyang yun..

"Ano ka ba wag ka ngang ganyan! Kaya nga kita pinakasalan e dahil ikaw lang yung babaeng gusto ko  makasama habang buhay ano ka ba hindi ka mawawala."

Tumingala siya sa kalangitan at muling tumingin ulit sa akin. Hinaplos nya ang mukha ko at hinalikan..

"Mahal na mahal kita Kaizer.."

"At mahal na mahal na mahal na mahal din kita Kaila Dela Cruz. Hehe. Promise mo na hindi mo ako iiwan ha.."

Pero hindi siya sumagot. Kaya sa hindi niya pagsagot na iyon ay tumagilid ako, yung hindi niya makikita ang mukha ko at saka biglang pumatak ang mga luha ko..

Ok na diba? Tapos na diba? Magaling na siya. Pero bakit hindi siya nag promise sa akin? Iiwan ba niya ako? Hahanap ba siya ng iba? Haaay. Nagiging iyakin na ako.. Nasasaktan talaga ako. Pero kailangan kong itago ito..

--------------------------------------------------

Ouch! Sakit. Tagos sa puso ko. Oo tagos talaga sa puso ko.

THE PAIN INSIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon