Pumasok na kami sa classroom. Pinaupo ko na si Kaila at nagpaalam ako sandali na mag cr muna.
Habang naglalakad ako nangingiti ako. Pinagtitinginan tuloy ako. Ano akala nila? Nababaliw ako? Hindi ba pwedeng masaya lang?
Hanggang sa pagbalik ko hindi nawawala ang saya sa aking mukha pero nung pagpasok ko...
Aba at talaga naman oh. Nawala lang ako sandali dumidiskarte na ang lalaking ito ha.
"Bawal sya sa chocolates. Mabubulok lang ang magandang ipin niya dyan.."
Nabigla naman si Kaila kasi kukunin na nya sana yung binibigay nung lalaki..
Lumayo naman na yung lalaki nung pinaalis na siya ni Kaila at binalik ang chocolates..
Naupo naman ako sa tabi niya at bumulong.
"Sorry na. Ayoko lang naman na may ibang magbibigay sayo. Mamaya punta tayo sa mall, ibibili kita.."
Bigla naman parang nagliwanag ang mukha niya at tumingin sa akin..
"Oo ibibili kita.. Promise kahit ilan pa gusto mo."
Nangiti naman siya sa sinabi ko na yun at dumating na ang tchr namin. Bumati kami at nagsimula na kaming mag klase.
Masipag si Kaila. Kapag nagsasagot sya wala kang ingay na maririnig sa kanya. Naka focus lang siya sa ginagawa niya. E ako? Akala niyo hindi ako gumagawa? Sya kaya ang inspirasyon ko.
Nagpasa kami ng activity at maya maya tapos na ang klase.
Nagpaalam ang iba naming classmates sa amin. Masyadong mabagal kumilos si Kaila dahil nga sa mahinhin ito..
Sinuot ko na ang bagpack ko at kinuha ko naman ang shoulder bag ni Kaila matapos niyang mailagay ang mga gamit niya. Umalis na kaming dalawa. Ang ibang naiwan hayun at nagpapaganda pa. Kung sila mabagal kakapaganda nila si Kaila mabagal kakaayos sa gamit niya. Wala na siyang ginagawang pagpipinta sa mukha niya.
Naglalakad kami palabas.. Hinawakan ko ang kamay niya.
"Wag kang bibitiw sa akin ha." Sabi ko bago kami tumawid sa kalsada.. Tumango lang siya at ngumiti..
Tumawid na kami.. At isang kilometro lang ang layo ng mall. Nilakad namin yun dahil hapon naman at mahangin..
"Nagugutom ka ba? Gusto mo bang kumain muna tayo?"
"Busog pa ako e. Ikaw nagugutom ka ba?"
Tumingin siya sa akin. Ganyan sya kapag tatanungin niya ako kung kumain na ako o kung nagugutom na ako. Tumitingin siya ng diretsa sa akin na para bang pinapakita niyang nagaalala siya sa akin..
"Busog din ako e. Gusto mo manuod tayo ng movie? Pagkatapos nun bibili na kita ng chocolates"
Tumango lang ulit siya at ngumiti.
Pa sway sway pa ang kamay naming papunta sa movie theatre.
Bumili kami ng isang bucket ng popcorn at ice tea.
Pumasok na kami at nanuod. Nakasandal lang siya sa akin. Minsan tatawa siya kapag may nakakatawa sa pinapanuod namin. At bakit ba dinedescribe ko pa sya? Kasi hindi naman ako sa screen nakatutok kundi sa mukha niya.. Napansin niya siguro kaya lumingon siya sa akin..
"Bakit Kuy-- este Kaizer?"
Hinawi ko lang yung buhok niyang humaharang sa maganda niyang mukha at inipit ko iyon sa tainga niya at tumingin na ako sa screen. Hindi ako makapag concentrate. Bumibilis ang tibok ng puso ko. Dati normal lang ito kapag kasama ko siya. Nagsimula lang ito ng mainlove ako sa kanya. Kelan nga ba nagsimula ang mainlove ako sa kanya? Noong first year highschool lang naman kami.. Pero ngayon iba e. Mas lalong tumindi. Mas lalo kong gusto siyang nasa tabi ko lang. Mas nakakaramdam ako ng selos at hanggat maaari ayaw kong tignan o nalalapitan siya ng ibang lalaki. E bakit ba sinasabi ko pa? Nadadala kasi ako sa nakikita ko ngayon sa screen. -____-
Natapos na ang pinanuod namin.
"Alam mo ang ganda ganda talaga ng story noh? Nakita mo ba yung bestfriend niya na nainlove sa bestfriend niya pero may girlfriend ang bestfriend niya na yun? Masakit yun diba?"
Ayan ang daldal na po niya. Wala naman akong naintindihan sa pinanuod e.
"Oo naman masakit yun. Parang ako, masasaktan ako kapag nalaman kong may iba ka."
Natahimik na lang ulit sya at yumuko ulit..
"Tara na bili na tayo ng chocolates?"
Pagiiba ko sa usapan.. Kumapit naman siya sa braso ko..
"Anong chocolate gusto mo?"
Nasa grocery kami, meron namang tindang mga chocolate dun.
"Milky way"
Kinuha ko na ang tinuro niyang maliliit na milky way. Kumuha ako ng 45 pieces. Nagulat pa siya sa dami ng kinuha ko pero para sa akin konti lang yun. Kung maaari nga ilang 45 pieces ang bilhin ko e. Pero baka naman masira na ang ipin niya. Iniingatan ko pa naman yun at kahit anong parte sa kanya.
"Ang dami naman nyan. Dalawa lang ok na.."
Haha. Dalawa? Sure ba siya?
"Hmmp. Kanina ang daming chocolate binibigay sayo tatanggapin mo tapos ngayon gusto mo dalawa?"
"Mahirap naman kasi siyang tanggihan sabi ko wag na o kaya isa na lang pero ayaw nya pinipilit ako"
"O pwes eto oh kahit dalawa lang kainin mo o itira mo ang iba"
Nabayaran ko na. Sunod na nagtungo kami sa food court. Naupo muna kami dun gusto namin magpahinga muna kinuha ko ang biniling chocolates at ibinuhos lahat sa mesa..
"Bakit mo nilabas?" Napahinto siya sa pagbabasa niya. Hanggang dito ba naman kasi nagbabasa pa.
"May game ako."
"Ano yun?" Na curious sya kaya ibinalik niya sa bag ang libro niya.
"Sa chocolates na yan may mabubuo kang salita.. Tatlong word sya."
Nakailang try na sya pero mali ang sagot niya..
"Ehe. Ano ba kasi? Ang daya mo wala naman yata e halos lahat nasubukan ko na." Hayy. Ang tali talino niya pero eto hindi niya makuha..
Unti unti kong ipinuwesto ang mga chocolate..
|
|
|
|
|
|_ _
_
| |
| |
-
\ /
\ /
\/
_ _
|_
|_ _
\ /
\/
/
_
| |
|_|
| |
|_|
Nagulat sya nakita ko yun. Sobra ng 2 diba? Binigay ko sa kanya.
"O ayan kainin mo yan."
Dahan dahan niyang kinuha ang inabot ko. Nakatingin pa din siya sa I LOVE YOU na ginawa ko mula sa chocolates.
---------------------------------------------
Weeeee. ^^