Propose

34 1 0
                                    

Naka white tuxedo ako. Humarap ako sa salamin. Ang gwapo ko talaga. Maniwala kayo kasi totoo naman. Bagay na bagay sa brownish kong buhok ang suot ko.. Naglagay ako ng pabango.. Kinakabahan pero nae-excite ako.. Ngayon ang araw ng kaarawan niya. At ngayon ko ibibigay ang pinakamaganda at hindi niya makakalimutan na regalo ko sa kanya..

"Anak.."

Ang mommy ko na kumakatok na sa kwarto ko.. pinagbuksan ko siya. Kasama pala ang Daddy ko.. Niyakap nila ako.

"Anak nan dito lang kami sa tabi mo. Alam namin ang ikasisiya mo.."

"Salamat Mom, Dad."

Naiiyak naman ang mommy ko. Bakit ba siya naiiyak? Para namang mangingibang bansa ako neto e. Dyan lang naman ako sa kapitbahay. Dyan lang ako kay Kaila e.. Nakagayak na din naman sila.. Nagpaalam silang mauuna na sila sa akin at marami pa akong dapat ayusin...

Inilabas ko ang kahon sa bulsa ko pagkaalis nila.

Tinignan ko ang simpleng simpleng infinite ring na binili ko.. Ibinalik ko na ulit iyon sa bulsa.

Tinawagan ko ang parents ni Kaila at ipinaayos ko na ang mga bagay na inihanda ko para sa kanya..

Maya maya pumunta ako dun.. Narinig ko ang paghahanap sa akin ni Kaila kaya nagsalita ako mula sa likuran nya..

"Masyado mo naman akong namiss.."

Ang ganda ganda niya sobra. Suot nya ang light pink na gown.. Fitted siya pero sa bandang duluhan nito ay nakaballoon. Gets nyo ba? Yung parang sirena.. Ang ganda ganda talaga nababagay sa kanya.. Kumikinang sya sa suot nya at kitang kita ang mapuputi at makikinis na batok nito. Bakit ba ganito ang inayos dito? Ayokong makita ang parte ng katawan niyang iyon..

"Hmmp. Kita mo nan dito ka out of mind ka naman."

Nabalik ako sa katotohanan..

"I'm just amazed..."

"Ha?"

"Ang ganda mo.."

Namula na naman siya. Alam ko hindi sa makeup yun. Light lang naman ang make up nya kaya kitang kita ko pa rin ang natural na pamumula niya..

"Tara na nga.."

Kumapit sya sa braso ko..

Natapos ang 18 candles, roses, etc.

Ako ang pinakahuling sinayaw niya na dapat ang Dad niya. Nakaayon kasi ito sa plano..

Tumigil ang tugtog kaya napatigil kami sa pagsasayaw.. Inabutan ako ng mic ng MC. Kitang kita sa mukha niya ang pagtataka..

"Kaila.."

Tumingin sya sa akin. Pati lahat ng naroon ay natahimik sa pagsasalita ko..

"Happy happy happy birthday sayo. Hindi ko alam paano ko sisimulan ito. Pero naaalala mo ba nung mga bata pa tayo? Kapag nagbe-birthday ka binabati kita pagkatapos yung cake mo aalisin ko yung mga icing? Kaya naiinis ka nun sa akin kasi sinisira ko yung cake mo.. pero sa huli magbabati din tayo kapag binibigay ko sayo yung gift ko.. Nakailang teddy bears na ba akong nairegalo sayo? Wala kasi ako nun maisip na ibibigay sayo kaya yun na lang. Siguro nga nagsasawa kana sa regalo kong yun e. Pero gusto ko lang sabihin na sana kahit ganoon lang hindi ka magsawa sa akin.. Mahal na mahal kasi kita.."

Nagbuntong hininga ako bago magtuloy sa sasabihin ko...

"Kaila may regalo ako sayo..."

Sabay sabay na pumwesto ang mga tao na inutusan ko sa balkonahe nila sabay bukas ng mga ilaw...

Nagulat sya sa nakita niya.. Apat na malaking teddy bear ang hawak ng bawat isang tao.. Akala nyo siguro yun lang hano? Sa bawat teddy bear naman na iyon may puso itong hawak.. Akala nyo yun lang ulit? Sa bawat heart na yon may nakalagay na tigiisang word.. Ano nakalagay?

|WILL| |YOU| | MARRY|
| ME?|

Tumingin siya sa akin. Nakita kong bigla siyang umiyak.. pero nakangiti pa din siya.. base sa reaksyon nya nagkaroon ako ng pagasa...

May nagabot sa kanya ng mic..

"Yes... I will marry you Kaizer Dela Cruz.. Iloveyou.."

Kasabay non ay ang pagsindi ng mga fireworks sa kalangitan. Niyakap ko siya at kitang kita ko ang saya ng mga tao habang nakatanaw sa amin. Lalo na ang mga magulang namin na naiiyak na din..

Hindi ko akalain na hahantong kami sa ganito. Akala ko talaga noon hanggang KUYA na lang ako sa kanya.. Pero hindi. Dahil itong pinapangarap ko noong maging asawa ko ngayon ay papakasalan ko na.. Pero syempre may tamang panahon para sa pagpapakasal.. Kailangan muna naming magtapos ng pagaaral. Ayoko lang kasi yung may umangkin pang iba sa kanya..

Sinuot ko sa kanya yung singsing.. Ngayong suot na niya ang singsing na iyon masasabi na rin na siya ay

Kaizer's Property...

-------------------------------------------------

Pahahabain ko pa ba to ng konti? Haha. ^^

THE PAIN INSIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon