"Ahmm.. Tita Tito..."
Kinakabahan ako. Paano ko ba to sasabihin? Hindi naman siguro sila magagalit diba? Pahugot nga ng lakas ng loob!
"Bakit?"
Tumingin ako kay Kaila. Nakangiti lang ito. Hindi ba siya kinakabahan?! Bakit ako kabang kaba. Parang lalabas na yung puso ko! Lalo akong kinakabahan sa mga ngiti nila!
"A-ano po kasi... Ahhh... ehhh..."
Nakatingin pa rin sila sa akin. Nakangiti. Mas nakakatakot yata pag ganyan hitsura nila e.
"Ang bagal mo" si Kaila yan. Aba ako pa ang binagal ngayon ah. Ang hirap kaya umamin noh!
"Ahmmm... Kasi ano po.. Ahhh... Ka-kami na po na-ng a-anak niyo. Hehe" Yes! Nasabi ko din!
"Ano hijo? Hindi namin naintindihan?" Waaahh?! Yung totoo? Grabe! Buong lakas ko ng sinabi yun tapos hindi pa nila naintindihan?!
"Kaya mo yan.." nakangiti pa ring sabi ni Kaila. Huhu. T____T Kaya ko to! Kaya ko to!
"Kami na po ni Kaila. Girlfriend ko po siya." Sinabi ko yun ng hindi ako nakatingin. Natatakot ako sa magiging reaksyon ng mga magulang nya.. Walang sumasagot? Dahan dahan akong tumingala. Nakangiti lang sila. Waaahh! Scary!
"Bakit po kayo nakangiti?"
Umayos ng upo ang mga magulang niya at nagsalita..
"Alam kong diyan ang patutunguhan ninyo.."
Ha? Pano nilang alam?
"Ha? Ano pong ibig sabihin ninyo?" Tumingin ako kay Kaila na parang pipigilan ang sasabihin ng magulang niya pero ng tumingin ako bigla siyang napayuko at namula..
"Matagal ka ng gusto ng anak namin. Pero sa isip namin ng Tito mo, hindi lang basta gusto. Kundi mahal ka niya. Higit pa sa kapatid." Lumingon ito kay Kaila at muling nagsalita.
"Anak, kahit na inamin mo sa amin na gusto mo lang si Kaizer, nakikita naman namin ng iyong Daddy ang tunay na nararamdaman mo. Mahal mo siya anak. Mahal mo siya.."
Aba mas marunong pa sila sa damdamin ni Kaila ha? Pero sabagay. Wala pang karanasan si Kaila pagdating sa love.
Ipinagpatuloy nito ang pagsasalita..
"Yung pagaalala mo kay Kaizer, yung pagiging masaya mo. At yung paglukot ng mukha mo kapag nakikita mong may kasama siyang babae.. Alamin mo sa sarili mo yan anak.." sabay lapit nito kay Kaila at niyakap ito.. Ang supportive na mga magulang. Kaya kahit pati ako napapamahal sa kanila. Sinusuportahan din nila ako.
"Hijo, gusto ko lang iingatan mo ang anak ko. Hindi ko na nga dapat sabihin e. Alam ko at nakikita naman namin na talaga namang iniingatan mo siya. Malaki ang tiwala namin sayo ng Tita mo at gusto namin ikaw lang ang lalaki para sa prinsesa namin kaya nga ginawa namin lahat ng parents mo para lang magkalapit kayong dalawa.." sabi ng Daddy niya. Lumapit naman dito ang mommy niya at saka ako nagsalita..
"Maraming salamat po talaga sa inyo. Maraming salamat po dahil katulad ninyo ang naging magulang ni Kaila. Napaka buti po ninyo. Pangako pong iingatan ko siya at mamahalin ko.."
Inakbayan ko naman si Kaila na nakayuko pa din at pulang pula sa pag buking sa kanya ng kanyang ina. Haha. So matagal na pala siyang may lihim na pagtingin sa akin? Sus. Buti na lang pala nagkalakas ako ng loob aminin sa kanya pati sa mga magulang niya. Baka kung d pa ko umamin sa magulang niya e hindi ko malalaman na matagal na pala niya akong gusto, na mahal daw sabi ng mommy nya. Mhuahaha. Kinikilig ako. O bakit masama na bang kiligin ang lalaki? xD
--------------------------------------------
Ang hinhin masyado ni Kaila. xD