"Sige na AHH kana bilis."
Ako yan kay Kaila. Ayaw kasing magpasubo sa akin.
"Ikaw na lang susubuan ko.."
"Hmm. Bahala ka magtatampo ako.. siguro nandidiri ka sa kutsara ko hmmmp."
Sa sinabi kong yun nag AHH sya sabay subo ko sa kanya nung kutsara kong may kanin at kasama ang bicol express na ulam na paborito nya. O see? Kahit na akala mo nakapa pihikan sa pagkain pero ang gusto niya yung bicol express. Maanghang daw kasi pero masarap kasi magata.. Pero heto lang ang pagkain na kinakain niya ang sili. Yung iba ayaw na niya na may sili.. Weird noh? Haha.
Nasa canteen kami ngayon. Pinagtitinginan nga kami ng iba e. Mainggit nga sila. Kaya sa huli nagsusubuan lang kaming dalawa.
"Ang konti mo naman maglagay ng kanin e. Hindi ako mabubusog hmmmp." Pano kasi magsusubo na lang ang konti konti sana sarili na lang niya sinubuan niya.
"Ang takaw mo." Sabi niya na tatawa tawa pa.
"E pang sayo lang kasi yang pinapakain mo sa akin e. Hindi naman ako kasing tipid mo."
"Hahaha. Mag diet ka ah"
"Ah magda diet pa ko? Hindi naman ako mataba macho nga ako e."
"Kapal mo.."
"Totoo naman noh. Ano gusto mo pumayat ako? Maganda na yung macho bagay na bagay tayo sexy ka.." Natawa naman siya sa sinabi kong yun. Pero totoo naman kasi. Ang sexy sexy nya noh. Dati rati walang kahubog hubog ang katawan niya bilog na bilog haha. Tapos yung pisngi ang siopao. Ngayon ibang iba na. Ang ganda ng chickbones nya at hugis heart ang mukha nya. Ang pointed na ilong niya, ang brownish na mga mata, ang labi niya na kay pula at hugis puso din at ang mahaba niyang brownish na hair at medyo curly sa dulo.. O dinescribe ko na lahat kasexyhan lang niya pinaguusapan e. Haaay.
"Kahit na pumayat ka pa o tumaba ka pa bagay na bagay pa rin ako sayo..." Waaahh. Kinikilig ako! Bakit ba parang mas kinikilig pa ko sa babae na to? Samantalang pag binabanatan ko siya yuyuko lang sya at mamumula lang! Haaaay.
"Mahal kita Kaila. Mahal na mahal kita. Ikaw lang. Kahit na maging ano pa ang hitsura mo mamahalin kita."
Ngumiti siya. Alam kong nahihiya pa rin siyang aminin na mahal niya ko. Pero makita ko lang na nangingiti siya at hindi tumututol sa ginagawa ko ok na yun alam kong mahal din niya ako..
Pumasok na kami sa klase namin. E.P. ang subject namin. Magkatabi naman kaming dalawa e. Bigla na lang tinawag siya ng tchr namin.
"Ms. Kaila. Paano mo idedescribe ang love?"
Love ang topic namin ngayon.. Nakatingin lang siya sa tchr namin at nagsalita.. kami naman mga nakatingin lang sa kanya..
"Ang love... Ang love para sa akin ay madaming klase.. Pagmamahal sa pamilya mo, sa kaibigan, sa ka relasyon at sa kapwa mo.. Pero pinaka malaki ang love ko sa mga taong mahalaga sa akin na nakakasama ko. Unang una ang pamilya ko, kaibigan ko at higit sa lahat... Ang taong palaging nasa tabi ko, mapaiyak, tawanan, kwentuhan. Yung taong nan dyan sa tabi mo para protektahan ka, ingatan ka. Yung nandyan sa tabi mo para patahanin ka, patawanin ka.. Nagiisa lang siya.. At yun yung masasabi kong LOVE. Yung alam mong hanggang sa hangganan makakasama mo at alam mong hindi ka niya iiwan..."
Tumingin lahat sa akin ang mga kaklase namin at pati na din ang tchr dahil sa ginawang pagtingin sa akin ni Kaila.. Totoo ba lahat ng nadinig ko? Nakakaiyak naman. Pero bigla na lang mga nagsihiyawan ang mga kaklase ko.. Buti na lang. Baka kung nanatili ang katahimikan ay maiyak talaga ako sa sinabi niya.
Naupo na siya.. nakayuko lang siya habang ako nakayuko na din at nakatingin lang sa notebook ko. Nahihiya ako. Bakit? Para naman akong dalaga niyan e. -____-
"Salamat sa napaka gandang sagot Ms. Kaila. May 10 pts. Ka sa akin.."
Iba talaga ang nagagawa ng love. Kita mo naka 10pts siya.
Pero minsan hindi lahat ng nagmamahal nagdudulot ng kabutihan...
---------------------------------------------
Over over na ba sa kadramahan? Hahahaha. ^^