Malungkot kong binabasa ngayon ang sulat ni Kaila na natagpuan ko pa sa locker nya..
"Kaizer. Uyyy. Ngiti naman dyan. Wag na wag ka lang sisibangot ha! Mumultuhin talaga kita. Alam kong hindi magtatagal ang buhay ko kaya naman hindi ko na pinaalam sa inyo. Ayokong malungkot kayo at magalala ng magalala sa akin. Pasensya ka na ha? Hindi mo na ako makakasama sa birthday ko at sa birthday mo.. Hiling ko na sana ipagpatuloy mo ang magandang buhay mo. At humanap ka ng babaeng magpapasaya sayo. Yung mas mamahalin mo higit sa pagmamahal mo sa akin. Alam kong makakatagpo ka ng babaeng para sayo.. At hangad ko ang kaligayahan mo... Wag ka magalala. Babantayan kita. At mananatili ka sa puso ko. Mahal na mahal na mahal kita Kaizer.. Ikaw lang ang lalaking minahal ko.. Hindi naman talaga kita iiwan. Alam kong binabasa mo na ito at kasama pa rin kita, hindi mo man nahahawakan o nakikita. Yung white dress na binili natin sa mall, gusto ko iyon ang isuot mo sa akin sa burol ko ha. Magiingat ka palagi ha. Ikamusta mo ako sa parents mo at sa mom at dad ko.. Iloveyou all.."
Yan ang huling sulat na natanggap ko..
Inilibing na siya..
Siguro nasa langit na siya..
At alam kong nasa tabi ko lamang siya...
Hindi ko alam ang kapalaran ko. Hindi ko dapat sisihin ang ama na nasa itaas..
Sisimulan ko ang buhay ko..
Dala ang masasayang alaala ng babaeng pinakamamahal ko.. pero sa likod nun...
Nakatago ang sakit na dala ng puso ko...
THE END
------------------------------
Hindi ko alam kung dapat pa bang lagyan ng epilouge ang short story. Haha. Sana nagustuhan ninyo. ^^