Be strong

39 1 0
                                    

Sasabog na yata ang puso ko. Sobrang sakit. Paulit ulit. Walang tigil ang sakit na nararamdaman ko ngayon.. Pero kakayanin ko. Ayokong makita niya na mahina ako. Gusto kong makita nyang hindi ako susuko..

Weak lang yang kalaban namin! Weak lang talaga yang Leukemia na yan!

Pero ako? Malakas ba ako? Mukhang ngayon pa lang nanghihina na ako.. Hindi dahil sumusuko ako. Dahil nahihirapan akong makita na nahihirapan ang babaeng mahal ko.. Ang pag te-therapy niya, alam kong hindi iyon madali. Kaya abot ang hiling ko sa amang nasa itaas na iligtas siya. At muling ibalik ang kalakasan niya..

Hindi naman ako nabigo.. Pupwede na namin siyang maiuwi matapos ang isang taong pinalagi niya sa hospital.. Pero bakit ganun? Wala na ang dating sigla niya. Bakit parang hindi niya nilalabanan ang sakit niya?

At dahil sa kasama ko na ulit siya, minadali ko na ang pagpapakasal namin. Pero dito na lang kami ikinasal sa bahay nila.. At hindi nagtagal nagpalitan kami ng salitang 'I DO' pati ng singsing. At hinalikan ko siya..

"Mahal na mahal kita.. Magkakaroon pa tayo ng pamilya.."

Ngumiti lamang sya.. Maganda pa din siya kahit na ubos na ang mga buhok niya. Maganda pa din siya kahit namumutla siya, maganda pa din siya kahit na mapayat na siya.. Ang ganda niya pa rin. At sya pa rin ang babaeng pinakamamahal ko..

------------------------------------------
Mga tatlong chapter?? Haha. Oo tatlo na lang yata.

THE PAIN INSIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon